Kabanata 7

1984 Words
TULUYAN ko na ngang kinalimutan ang nangyari sa amin ni baby damulag. Bagaman hindi ko parin maiwasan maging apektado dahil sa mga pinapakita nitong kasweetan bilang aking inaalagaan. Ngayon ay nasa restaurant kami ni Baby damulag. Favorite restaurant nito. Hindi pa man natatapak ang paa namin sa loob ng restaurant. Nang kapwa kami napalingon ng marinig ang pagtawag sa kaniya ng isang lalaki. Sa gulat ko, napasigaw ako ng suntukin pa siya ng lalaking iyon. "T*ngna! Sabi ko na nga ba at lolokohin mo lang 'yung kapatid ko eh. Kung alam ko lang, Khairro. Then I wouldn't agreed with your relationship with her!" sigaw pa ng lalaki at napakasama ang tingin. Nagtataka naman ang tingin ni baby damulag at naiiyak. "T*ngina mo talaga. Dapat pala nakinig ako kay Charles!" "ano..." lumapit ako sa lalaki. "Sino po ba kayo?" tanong ko. "at sino karin?" balik niya. Biglang naging masama rin ang tingin nito. "Ikaw ba ang dahilan kaya bigla na lang hindi kinocontact ni Khairro yung kapatid ko." Kumunot ang noo ko. Paanong ako? Wala nga kong alam. "T*ngna talaga. Sabi mo naiintindihan mo na si Stella sa ginawa niyang pag-alis dahil sa pangarap niya. But what the f*ck is this?! Explain it to me!" Lumapit ito at bago pa niya masapak si Khairro. Humarang ako at sa mukha ko dumapo ang kamao niya. Taena ansakit non! Matatanggal ata mga ngipin ko nito. "Mommy, okay ka lang ba?" Kaagad lumapit si Khairro sa akin at tinignan ang lalaki. "Sino po ba kayo? Bakit niyo ba kami winawaway?!" "Nakalimutan mo na ba talaga o nagkukunwari ka lang? ako.. ako si Stephen! Your girlfriend's brother! Stupid motherf*cker ano ba talagang nakita ng kapatid ko sa'yo!?!" Girlfriend? Kapatid? ah... Oo nga pala hindi naman imposibleng meron nun si baby damulag o tamang Khairro. Sa napakaguwapong mukha, sa estado. Lahat lahat. Walang dahilan para hindi siya magkameron ng girlfriend. akala ko masakit na hindi nito maalalang may nangyari sa amin at masakit nang masapok ako. Meron pa pala at itong nalaman ko ngayon lang. -- "ano yang nasa mukha mo, Vena at may pasa ka sa mukha." bungad ni Mama ng makarating ako sa amin. "Wala ho ito, Ma." sagot ko at napangiwi. "anong wala?! Kita na ngang meron! Malilintikan ka sa akin, Vena. Bakit may pasa ka sa mukha!" Tinignan ako ng mga kapatid ko at napailing. "Ganda na nga lang 'te meron ka. Mawawala pa ata." "Hays, Vena. ano na bang nangyayari sa'yo." Kuya "Eh kase Ma may -" Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ng may sumunod sa bahay. "Hello po." "Oh my gulay! Yung napakaguwapong lalaki sa wallper ni ate!" "Hi." Yan dapat lang hello at hi banggitin nito. Dahil kung malaman ni Mama at ng kapatid ko na siya ang inaalagaan ko. Baka isipin nila ay iba. Minsan pa naman ay mga husgador sila. Mana mana lang. "Boyfriend ka ba ng anak ko, hijo?" Tanong ng mama ko at pinaupo si baby damulag sa silya namin na nasa sala. Napunta ang atensyon nito kay baby damulag. "Boyfriend?" tanong nito. "Magkaibigan lang kami, Ma." hindi ko na bibigyan ng kahulughan ang lahat ng amin. "No, you're-" Tinakpan ko ang bunganga niya. Napangiwi ako ng maramdaman ko na na naman ang sakit ng pisngi ko. Nilagyan ko ng yelo ang mukha ko at naiiyak tuloy. Letcheng lalaking iyon! Sarap upakan. Napagkamalan pa kong ako ang dahilan. Nang umokay na ako ay nagpaalam na ko kay Mama na ihahatid ko sa labas si baby damulag. Gusto pa ngang ipanatili si baby damulag at kausapin pero tahimik na lang ito at ngumingiti lang. Nanlaki pa ang mata ni Nathan ng makita ang mukha ko. "anong nangyari dyan, Ma'am?" "Ito ba? Gawa 'to ng kapatid ng girlfriend ni baby damulag. Napagkamalan kase akong dahilan ng hindi nila pakikipag communicate." "Gawa? Bakit naman, Ma'am? Eh matagal ng hiwalay 'yung dalawa. Si Ma'am Stella pa nga po mismo 'yung nakipaghiwalay. Kaya nga naaksidente si Boss." Natigilan ako at napakurap. "aba ewan ko! Hindi ba non alam?" "Siguro, Ma'am kase ganun ginawa niya sa'yo." "Hindi lang naman ako pati si baby damulag. Sinapak din." "Hindi na talaga nadala yun si Stephen. Una pati ngayon mapanakit parin kay Boss. Hindi pa ba sapat yung mga pinakita ni Boss sa kaniya pati kay Stella para masabing mahal niya yung kapatid. Eh kapatid niya nga rin ang dahilan ng lahat. Saka yun ang nakipagkalas." "Lahat ng mga nangyayari may dahilan." "Pero ang pinagtataka ko, Ma'am. Dapat ay alam na nung kapatid ni Stella. Hindi ba nasabi ni Stella sa kaniya?" "Inistress mo naman ako, Nathan. Ewan ko kase wala naman akong alam." "Oo nga pala. Mas magandang kausapin ko si Sir Kayne tungkol rito." "Tama, mas mabuti pa." Tinawag ako ni Baby damulag kaya pinuntahan ko ito sa backseat. Nasa labas din kase si Nathan at kausap si Sir Kayne o Kayne na lang daw sabi nito. "ano ba yon?" "Lapit ka po." Lumapit ako at nagulat na lang ako ng halikan nito ang pisngi ko. Tulad ng ginawa niya kanina. "Sana mawala na ang sakit. Kiss is one of the best cure like a medicine. Because I don't know how to heal your wound. I should at least kiss it." "Saka umokay po pakiramdam niyo kanina. Try ko po ang isa pang halik. Sa-" "Stop!" Inikutan ko ito ng mata. "Hindi mo na kailangan gawin yon." "Stop thinking 'bout the Boy kanina Mommy. Saka 'di ko na yun iisipin mas lalo pa kase sumasakit ulo ko eh." Tumango ako. "Sige balik na ko sa bahay. Mag ingat kayo. Yung mga bilin ko ah?" Tumango ito at nagpout pa sa akin. Nang tumalikod ako. Napangiti ako ng tipid. Kung pwede lang habangbuhay itong maging si baby damulag para maalagaan ko ito o malapit parin ako sa kaniya ay hiniling ko na. Ngunit hindi maari. Maraming nag- aabang sa pagbabalik ni Khairro. -- TINIGNAN ko ang phone ko kaagad nang magising kinabukasan. Napasimangot ako ng makitang walang mensahe si Baby Damulag. Eh dati kung magising ako. 'Yon agad ang makikita ko sa cp. Mas maaga kase ito magising. Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri ko. Pumasok na rin sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Nang makalabas handa na ko para kumain ng umagahan. Mabilis akong kumain at halos mabulunan pa ako. "Ba't ka ba kase nagmamadali. May humahabol ba sa'yo, huh?" tanong ng Mama ko. Umiling ako. Nang matapos ay lumabas na ako upang maghanap ng taxi. Sa loob ng sasakyan. Naramdaman ko ang kumakalobog kong puso. Para din akong maiiyak sa hindi malamang rason. Nang makita ang mansion. Pinapasok agad ako ng mga security guards. Sa pagtakbo ko papasok. Natigilan ang hakbang ko ng makita ang isang sopistikadang babae. Nakayakap kay baby damulag ng mahigpit. "Sorry, if I knew. If I knew that when I left you this will happened. Then I shouldn't have left you and break up with you. Sorry, babe. Sorry." "Sino ka?" tanong ni baby damulag bagaman nakayakap rin dito. "Me? Babe, it's me, Stella , Your girlfriend and soon to be wife. If only I didn't reject your offer before too and we're already married now." "Stella?" "Yes," "Stella Nicole Montefalco?" "You remembered me?" "No...but you...I remember your name and our memories together. But are you really my girlfriend? ang bata ko pa po kase eh. Saka baka po hindi pabor si Mommy." "Mommy? Your Mother died, right?" "Yes, but I have my new Mommy. Oh she's there." Tumingin ang dalawa sa akin. at kahit gusto kong tumalikod. Pilit ang sarili na lumapit ako sa dalawa. Vena, move on. Marked it.. and don't let your emotion show. You're here to work and you forget it, only work not to fall in love with the man. Ngumiti ako sa dalawa. Ngiting hindi mahahalatang nasasaktan. "Hi... I'm Veronica Lopez. I'm ba-" "You're my Mommy." tuloy ni baby damulag. "Now you're here. You're going to accept naman our relationship 'no? I know my babe is in kid situation. But his real age is a yes to have in a relationship. Not to brag but we're in a relationship before. Since Lah lah lah." Hindi ko inintindi ang sinasabi ng Stella. Bahala itong magsalita. Basta tango lang ang ginawa ko. Labas sa kana't kaliwa ng tenga ko ang sinasabi niya. Nang matapos ito. Buti na lang talaga dahil nakakarindi ang maarte niyang boses. Bitter ko umaariba. Umupo na lang ako at hinayaan ang babaeng girlfriend ulit ni Baby damulag na mag-usap sila. But based on the way Stella talked ay tumayo ako upang pigilan na ito sa pagsasalita. "Sorry, Ma'am. I hope Sir Kayne told you that you shouldn't make him remembered something. It should be initiative when his memories will be back." Dumudugo na siguro ilong ko. Huminga ako ng malalim. "Because if you...pinilit mo siya makaalala. There are tendency hindi na ulit yon mabalik. That's also the Doctor told him." "I get it. I just wanted him to know so my babe won't be clueless." You don't really get it, Ma'am pabebeng Stella. Tumango nalang ako. "Okay, I'm going back here later. I have to tell my family about my surprise arrival." Sml? "Take care of my babe, and your nose is bleeding." Nang umalis ito. Napahawak ako sa ilong ko. Sabi ko na nga ba eh! "Mommy." niyakap ako ni baby damulag. "Good morning!" "Walang good sa morning." mapait kong sabi. Kaya pala nakalimutan. "Sorry na po, ano po ba want niyo?" "Kiss." sagot ko ng hindi namamalayan. at hinalikan nga ako. Nakakadami na 'to. Masama na talaga 'to! Pero malapit na ang araw na makaka move on na ko ng tuluyan. Siguro kailangan ko na lang maghintay na dumating ang araw na yon. Pag dumating man ang araw na yon. Kailangan ko na lang siguro isekreto kay baby damulag. Isa pa ay ito ang mas masasaktan pag umalis ako dahil napalapit na rin ito sa akin. -- ISANG BUWAN na pala ng magsimula akong maging babysitter ni Baby Damulag. Isang buwan pa lang pero ang dami ng nangyari. Nalaman ko na umuwi pala si Stella, ang gf ni baby damulag sa Pilipinas ng malaman ang nangyari sa kaniya. Wala itong alam na ganun ang nangyari. Hindi kuno sinabi sa kaniya ng mga kaibigan ni Khairro. Ngayon nga ay todo alaga siya rito. Siya na ata ang babysitter hindi na ako, at ako ang gf charot. Nasa playground kaming tatlo at naghahabulan ang dalawa. at nice huh hindi silang mukhang dugyot habang ako walang ginagawa. Pinapagpapawisan at dugyot na dugyot na. Pinaypayan ko ang sarili sa sobrang init. Nang mag ring ang phone ko kaya sinagot ko yon. "ano?!" sigaw ko at lumayo sa maraming tao ng makitang tumingin ang mga ito. "Kailangan ko ng umuwi, Ma? Pero hindi pa po tapos ang oras ng trabaho ko." ["Sinabi ko na kaseng magresign ka na agad sa trabaho kase aalis narin tayo."] "Matagal pa naman sabi mo." ["Matagal pero ngayon hindi na. Maghahanda na tayong gabi dahil madaling araw ay aalis na tayo. Kaya magresign ka na sa trabaho mo.] "Pero Ma.." ["Wala ng pero pero, Vena. Magpaalam ka na sa inaalagaan mo. Dahil 'yung mga kapatid mo ay maaga ng nagpaalam sa mga kaibigan nila."] "Parang kung magsalita ka, Ma magiging permanente na tayo pagpunta don." Marami pang sinabi si Mama sa akin na kinabuntong hininga ko. Napakamot na lang ako ng ulo. ano ba 'to si Mama! Fake news. Ba't naman napaaga? Pero hindi ko maiwasan maluha ng malaman ang totoong dahilan. Tinitigan ko si baby damulag at nakita ang masaya niyang mukha. Siguro naman kahit umalis ako magiging okay parin ito. Tinawagan ko si Sir Kayne at sinabi ang desisyon ko. Kailangan ko ng umalis mamaya. Pero pupunta ko bago kami umalis sa bahay nila para kahit sa huling sandali ay masilayan ko si Baby Damulag. Hindi pa ako nakakaalis ngunit mamiss ko na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD