Chapter 62: Sneak peek We drove silently back to the hospital. Ayaw ko pa sanang bumalik, pero hindi pwede. Matamlay akong bumaba ng sasakyan habang hawak ni Kade ang kamay ko. Akala ko ay ihahatid niya ako sa room ko pero lumihis kami ng landas. Bumalik kami sa gazebo. Nagtatakang tiningnan ang making na ilaw dito. Hanggang makalapit kami. "Happy Birthday, Vale!" Malakas na sigaw nila ngunit natigil ang mata ko sa balloons. Nakasulat Happy twenty-third birthday. Ang theme ay white at green. Green ang balloons at white ang background. Ngunit bigla itong nagbago, naging itim ang kurtina sa likod ng balloon at maraming bulaklak sa taas. Mas maganda at magarbo ang tagpu nito pagkurap ko ay bumalik sa simple. Ano ito? Tiningnan ko ang mga nandito, malalaki ang ngiti habang nakatingin

