Chapter 61: Intimate Birthday Celebration "Happy Birthday, my Queen." Lalo akong naiyak habang nakatingin sa kanya. Nakakainis, lahat ng bigat at sakit na nararamdaman ko bigla na lang nawala at mas na naig ang tuwa. Ngunit hindi maiiwasang malungkot tuwing naalalang isang taon na naman ang lumipas. "Happy twenty-third birthday, my Queen." Mahipit niya akong niyakap ako ganoon din ako sa kanya. Ilang minuto niya akong hinayaan umiyak, inilabas ko ang lahat nang luha ko. Dahil hindi ko ito pwedeng ipunin, sa kadahilanang maaring maparamdam ulit si Val. "Thank you." Mahina kong bulong sa kanya. "I should be the one to say that." Sagot niya ngunit mas hinigpitan ko lamang ang yakap ko sa kanya. "Huling tanong, ngayon araw." Humiwalay ako bahagya at humarap sa kanya. Alam ko ayaw niya,

