Chapter 49: The Warning "Alam mong hindi mo ako mapipilit." Seryoso kong saad at tumango na lamang si lolo. Alam niyang wala siyang magagawa sa desisyon kung hindi magkakagalit kami. "Kung ganoon, wala ng rason para magtagal ako. Marie." Agad na binigay ni Marie ang tungkod ni lolo, matapos nitong uminom ng tubig ay kinuha ang tungkod at tumayo. Tumingin ulit ito sa akin at sa mga kagrupo ko. "Magandang araw sa inyo, kailangan ko ng umalis." Hindi na ako nagsalita at nanatili lamang na nakatingin sa pagkain sa harap ko. Ayoko magmukang walang galang pero 'di ako natutuwa. "Ganoon din sayo, Mr. President. Ihatid nakita." Alok ni Mr. Molina. Magiliw nitong iginiya at sinamahan si lolo palabas. Bago tuluyang umalis ay lumingon ito sa akin. "Lagi kang mag-iingat, apo. Pinangako ko sa pu

