Chapter 48: Grandad's Surprise Visit. Gumising akong wala siya, ngunit naiwan ang amoy niya. Mapait akong napangiti habang inaalala ang nangyari kagabi. At agad ring napawi ng maalala ang huling usapan namin bago natulog. Tamad akong tumayo, ngunit natigil ako dahil sa ilang katok. "Yes?"Bumukas ang pinto at pumasok si Lixir. "Nandito si President, bilisan mong bumaba." At agad rin umalis. Casual lamang akong pumasok sa bathroom. Bumigat lamang ang pakiramdam ko ng malaman ang balita niya. Hindi naman sa ayaw ko itong makita, hindi ko lang alam. "I have been thinking of renovating this floor, maybe we should improve this a bit." Rinig kong saad ni lolo habang bumababa ako sa hagdan. Wala naman akong napansin na kahit anong sira, maayos naman ang buong lugar. Bakit niya naisipan gumas

