Chapter 47: Insane King "Nahuli kita diba? 'Yan rin ang iniisip nila Red. Magkaiba tayo, magkaibang tingin nila satin, tingin nila sa akin mahina kaya nalulusutan ko sila, habang sainyo ingat sila dahil hindi nila alam kong anong kaya nyong gawin. Hindi porket nakaligtas ako doon ng wala halos galos, kumpara sayo na nakaratay ng ilang buwan. Hindi ibig sabihin non mas magaling ako sayo. Pinapatay mo lang ang sarili mong kakayahan. Iniisip mo na kumpara sating dalawa mas malakas ako dahil don, hindi Jed. Wag mong isipin yan, magaling ka kaya ka nasa posisyon mo ngayon, you deserve what you have, hindi ako dapat ang sumira sa kompyansa mo, wag kong durugin ang sarili mong kakayahan, masasayang lang ang potential mo kung iisipin mo ako. Magaling ka, maniwala ka sakin, pinag-aralan na kita.

