Chapter 45: Jill's Peruse Mabigat itong bumuntong hininga. "Gaya ni Zid, peruser ang magulang ko at mabuti na lang at ako rin..liban sa kapatid ko. Si Jiro kinuha siya ng autoridad at binayaran ang mama ko. Simula noon ay hindi ko na nakita ang kapatid ko, labing dalawa ako noon at gabi-gabi kong naririnig si mama na umiiyak." Tumingin siya sa akin at mapait na ngumiti. "Binigyan ni papa ng misyon sa labas. Pagkakataon na ito para makita ang kapatid ko kahit sa malayo lang. Maraming habilin si mama na bigyan si Jiro ng laruan o kahit anong regalo. Mandala rin siya ng litrato ni Jiro para makita ni mama." Nabasag ang boses niya kaya saglit siyang tumigil. Napahawak ako sa kamay niya at mahigpit naman niya itong hinawakan. "Ngunit hindi na siya bumalik, matapos ang ilang buwan, taon, w

