Chapter 44: Lixir's Story Berde kong mata at makapal na pilik mata. Ilang sekreto na ang nakita nito, ilang sekreto rin ang tinatago nito. Habang sinusuklay ang kulot kong buhok at nakaharap sa salamin. Hindi ko maiwasang isipin. Ano nga bang rason at kaya kong makita ang maduming sekreto ng lahat. Isa kaya itong biyaya o sumpa. Nabitin ang sa ere ang suklay ko dahil sa mahihinang katok. "Pwede ba kaming pumasok?" May pumasok na dalawang ulo sa pinto ko. Agad akong ngumuti at tumango, nilapag ko ang suklay at umupo sa kama. Ang totoo ay nagdadalawang isip akong makasama silang matulog, ngunit alam kong hindi rin magandang tanggihan sila. "Matutulog ka na ba?" Tanong ni Jill bago dumapa sa kama ko. Si lixir naman ay umupo sa harap ng tukador ko. "Nagpapatuyo na lang ng buhok." Gumulon

