Chapter 43: Another Threat "Si king tanungin mo." Natigil ako sa sinabi nito. "Nagtraining rin siya." Realization hit me. Tumango si Vin. Bakit parang pamilyar ang impormasyong ito? Parang narinig ko na ito sa kung saan. Pero sigurado akong ngayon ko lang ito natanong at may nakapagsabi sa akin nito. "Gaya mo, sumabak rin s'ya sa hell week at nakabalik ng buhay kaya nakuha nya ang posisyon." Bilang King ng Chess Master. Bakit hindi ko naisip na sumabak rin siya? Malamang malaki ang napatunayan niya para makuha ang posisyon. "Una na ako." Napatingin ako kay Red, tumango lamang ako at umalis ba ito. Ramdam kong ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon o may iba siyang problema. "May problema ba 'yon." Hindi ko napigilang itanong. "Muntik na siyang maging King, ngunit mas matalino si

