Chapter 56: Heart Breaking Bigla itong huminto. Ulit na bumukas ang pinto. Hindi kami agad na lumabas, naghintay ng ilang minuto ngunit napagpasyahan na ni Jed na humakbang palabas. Nagdadalawang isip na sumunod, lumuwag ang hawak nila sa akin at nilibot namin ang tingin sa paligid. Walang nandito. Dumating kami sa lugar na dugtong-dugtong ang mga computer. Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad ay dumating kami lugar na puno ng pyesa. Mga hindi tapos na robot. Hanggang sa dulo ay nakita namin. Mga nakatayong tao, ngunit kung titingnan sa likod, bukas ang likod na parte ng ulo nito at may mga bakal na pumalit dito. Sinusubukan niyang gumawa ng micro chip at itatanim sa batok ng tao at makokontrol na nila ang paggalaw niya. Ngunit ang nakita ko kanina ay pinalitan na nila ang buong ulo

