Chapter 55: Dirty Truth "I can say, we're now ready for real work." Saad ni Zid at nilatag sa lamesa ang buong mapa ng Perusal. Ang totoong mapa. Ngayon nakita ko na kung gaano ito kalawak. Dahil pailalim ang paglaki nito, isang mundo na nakabaon sa lupa. Tinrabaho na rin ng perusal ang pagmimina. At ang nakikita ko, na ang academy ay kakarampot lang sa totoong laki nito. Ang laboratory ay doble ang laki sa academy. Main market, village, Supreme Court, Military Base, at IT ng perusal. Ang unang mapa na nakita ko ay simpleng mga square lang, ngayon ay detalyado ang pasikot-sikot. Masyadong crowded tingnan at mahirap sundan. "Jim corrupted only this way. Don't worry, this is functional." Tukoy niya sa elevator na tinuturo niya. Ang dating elevator ay pabulok na, mabuti at nakaalis ka

