Chapter 54: Lixir Dark Secret Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi ni Lixir. Alam kong totoo ang mga ito. Sa matayug na narating ng Perusal, marami ang nakinabang, at marami ring nagdusa. Ako, saan ba ako nakatayu? Sa nasagasaan o nakinabang? Mapakla akong natawa. Saka napahawak sa ulo ko. Bakit ko ba tinatanong, eh nasa gitna ako dahil pamilya ko ang nagtatag nito. Sa palad ko babagsak ang mga ito, dawit ako sa kadumihan nito. Kumbaga, ako ang sumagasa at ako ang nagbigay. Natigil ang mahaba kong pag-iisip dahil narinig kong bumukas ang pinto. Dahan-dahan itong bumukas. "What do you want?" Tuluyan itong pumasok at saka nilock. Sumandal sa pinto at nagkibit balikat. "I.... I have a problem," nakatingin itong diretso sa akin. "And?" "I want to hear your thought

