Chapter 39: My Grandad "PROCEED TO OUR MAIN ELEVATOR," napalingon kaming lahat sa pinakamalaking speaker sa kampo. Tumayo naman sila at nagsimulang bumalik sa kampo. Sumunod naman ako. Pagdating namin sa harap ng malaking metal na pinto, tumayo lamang kami doon. "Due to unexpected call from our President himself, he requested to end the training immediately. The last step to be officially part of Scout Ranger of Perusal City. Kailangan niyo na lang kumain ng isang kutsarang durog na sili at humalik sa rebulto ng musang." May nakahanda nang durog na sili sa harap namin. Pumila silang lahat kaya pumila na rin ako. Ako ang pinakahuli. Habang nakapila, diring-diri ako sa durog na sili. Kitang kita ang mga buto nito na maliliit na bilog at pulang balat na durog na durog din, kunti na lang mu

