Chapter 38: Hell Week Day 5 Naghiwalay kami ng daan habang naglakad lakad lamang ako sa paligid para maghanap ng makakain. Hanggang nagawi ako sa territoryo ng kapwa ko trainee. Napahinto ako at napatingin sa harap, hindi ko ito nakikita ngunit ramdam ko ang presensya niya. Saka ko napansin, may nakita akong bitag sa ilalim ng lupa kaya nagtaas ako ng kamay at umikot pabalik sa dinaanan ko. "Saan ka pupunta?"Rinig kong bumagsak ito mula sa taas. Humarang ito sa harap ko. "Aalis?" "Pinapaalis ba kita?" Napangiti ako sa sinabi nito kaya binaba ko ang kamay ko." Grey," sabay alok ng kamay nito para makipagkamay. Naputi ito at mapula ang labi. Malaki ang katawan at pantay ang ngipin. "Veil," sagot ko ngunit hindi ko na tinanggap ang kamay niya. "Queen Veil, hindi ko inasahang ikaw nga ta

