Hell Week 4

1243 Words
Chapter 37: Hell week Day 4 Bumalik ako sa tinutulugan kong lugar at nagpahinga na. Matapos ang ilang oras at napadilat ulit ako, tama na ang tulog ko, hindi ako pwedeng matulog ng matagal. Madilim pa kaya naglakad lakad muna ako, naghahanap ng makakain. Prutas o sa bag ng mga patay. Hindi ko akalaing ganito ang kababagsakan ko, ang mga nakaw ng pagkain. I never appreciated food before but now I'm willing to die just for a piece of any food. Nakita ko ang mga mentor namin, nagtatago sa mga puno mag pinupunturyang trainee na natutulog. Siya yon, yong tumulong sa akin. Tutulungan ko na sana pero napansin ko ang tulog niya, it's a fake sleep. Hindi na dapat inaunderestimate ang mga ka batch ko. Our demon is always awake because of our situation. Natutu na rin sila gumamit na sila ng silencer. Binaril niya yong lalaki pero nagpanggap lang ang lalaki ng nag-iba ng posisyon at nagkamot pa ng muka. Lilipat sana ako ng pinagtataguan pero napahinto ako ng may nakita akong manipis na lubid sa paanan ko. Akala ko na plagiarized ang style ko pero iba pala, yong akin pampagising ko lang sa kanya pang dead end na. May isang nakaapak ng lubid at nabagsakan siya ng malaking sanga. Nakita ko rin, ang malalaking sanga sa mga kahoy ay nakatali lang, maling galaw durog ka. Kaya niya na pala kaya binaril ko na lang ang isa sa mga mentor namin at tumakbo palayo. Wala akong silencer ngayon kaya nayanig ang buong gubat. Dahil madaling araw pa, nagising pati mga ibon. Nasira na ang plano nila kaya kahit tumakbo ako, di ako lumayo ng husto, kinalaunan dahan dahan rin akong bumalik, alam kong mahihirapan siya. Akala ko lang pala ulit, nagulat pala pati yong mga mentor kaya napaapak sila lahat sa mga lubid at isa lang ang nakaligtas nag tumatakbo na palayo. Habang yong lalaki na target, nagtatanggal lang ng muta sa kinauupuan niya. So far, from day one, I learned to shut my emotion, to ignore what I feel. Physically, mentally and emotionally. Kinadena ko sa pinakaloob ko ang konsensya ko, that's the only key to survive this Hell. Kill them before they kill you. That's what wild cats do. Musang to be exact. "Morning!" Sabi ko sa kanya at tumango lamang ito. Habang nangangalkal ng makakain sa mga bag nila umalis rin ako kinalaunan. Kailan kaya nila marerealize na delikado ang ginagawa nila. Mental torture can lead to mental illness, what if iba ang kinahinatnan ko at naging psycho? May mabubuhay kaya sa kanila? Kaya madali namin silang natatalo dahil hindi sila peruser, lahat ng sumusugod sa gubat ay puro normal na tao at hindi nila alam kung ano kami. Ang mga tunay na peruser ay nandoon sa kampo natutulog dahil alam nilang delikado kami, mga walang kwenta. Nagpapasarap lang sa kanilang higaan habang nagaganap ang War night. Ang taga utos lang habang nagdurusa ang mga nauutusan. Paglabas ng araw ay bumalik kami sa kampo. Nandito na naman ako kung saan nagsimula ang kalbaryo sa linya namin. Kakarating pa lamang ng iba ay pinabalik ulit kami sa gubat. Ipaparanas samin ang mabihag ng mga terorista, kung anong pwede nilang gawin samin. Sila ngayon ang terorista at kami ang mga sundalo na nabihag nila. Alam ko na ang kahihinatnan nito, papatayin nila kami ng paulit ulit, hanggang sa sumuko ang mahihina, pipiliting sabihin ang nalalaman namin, susubukin ang katapatan at katatagan. Dahil ako lang ang babae, posibleng pagsamantalahan nila ako. Hindi malayong mangyari. "Try to escape but never kill a single living thing." Iyon lang ang patakaran, which is really unfair. Takot lang naman talaga sila sa amin kaya may ganyang rule. Bawal pumatay kapag umaga, p*****n kapag gabi. Ibang klase! Nakita ko kung paano nila tinorture ang mga kasama ko. Kuryente, lunod at latigo. Nakapaligid saaming lahat ang mga armadong sundalo. "Wanna play with them? " Bulong ko sa katabi ko. Siya ulit iyong tumulong sa akin. "Sure," "Bawal pumatay ah," sabi ko sa kanya. "Alam ko," "Pwede bang malaman ang pangalan mo?" Napalingon ito bago sumagot. "Prime," "Anong kaya mong basahin?" "Intention," "I let my guard down, what can you see?" "White intention." Oh! Flattering. "Do you trust me now? " "Wala sa bokabularyo ko ang tiwala." Magaling sumagot. "Same here, but can you be my comrade?" "Deal," good, madaling kausap. Nasa kulungan kami na gawa sa kahoy at nakatali rin sa puno ang buong katawan namin. Masyado silang natutuwa ng makitang naghihingalo ang kasama ka batch ko kaya hindi nila napansin na nakawala ako sa tali ko. Natanggal na rin ang tali niya, mabilis ko siyang sinunggaban ng halik, aggressive, intense and torrid, he willingly oblige. Lumagdas ang mga kamay niya sa kahit saan parte ng katawan ko kaya napaungol ako. Because of that naagaw namin ang lahat ng attention, bumaba ang halik niya sa leeg ko, "In the count of three......fire." Bulong ko, bumalik ang halik niya sa mga labi ko, kinagat niya ang ibabang labi ko at napaungol ako,"one," bumaba ang kamay ko sa dibdib niya at napasinghap ito sa ginawa ko. "Twohhh," siya na ang nagdugtong habang tuloy ulit ang halikan namin. "Three," at hinablot ko ang baril sa loob ng damit niya at binaril ko lahat ng binti na makita ko, ganon din si Prime. As expected nakawala na rin sa mga tali ang mga ka batch ko, at ang lalaking kinukoryente kanina ay nakabawi na at binugbog niya ang mentor na may hawak ng wire at ang siya naman ang kinuryente. Nagkaroon ng matinding riot sa pagitan ng instructors at trainees, hindi bilang bihag at terrorista. Nailabas namin lahat ng galit namin sa kanila. Lumabas ako sa kulungan at sinipa sa gitna ang mentor na makita ko. Binugbog ko ng buong inis ang bawat lumapit sakin. Ganoon din ang mga ka batch ko, I just did that show to buy them some time. Natigil lang kami ng nagpaputok ng baril ang head na dumating na galing sa kung saan na hindi namin alam. Kahit mas marami sila, dehado parin sila sa nakikita ko ngayon, mahigit sampu na lang kami pero masabi kong hindi sila basta basta. Labing lima ang nakahandusay, at lahat sila militar. "You all did a great job." Iyon lang ang sinabi nito kaya ngumiti ako. "Thank you," Sabi ko na nga ba bawal inisin ang mga militar. Habang binabalik na sa School ang mga lumpo, may mga nakaabang na sa dadaan ko, ang resbak nila. Hindi nila ako titigilan dahil, kinalaban ko sila. Mabuti na lang at dahil sa ginawa ko kanina, I earn my batch mates loyalty. Dahil sa stunt na ginawa namin ni Prime nakaganti kami at natigil ang torture. Not really earned but I think I can count them in if ever I need them. Hindi ko man sila nakikita, alam kong na sa paligid sila, dahil alam rin nila na pag-iinitan ako ng mga mentors. Nagmamasid lang silang lahat habang ako naglalakad lang kumakain apple. Nagpanggap akong nagulat sa nakita ko sa malayo, at mabilis na nagtago. Nabasa ko na sila, one of my batch mate came out and start firing bullets. Kaya nagsimula ulit ang gyera, nanunood lang ako, wala akong balak makialam, pinag-aaralan ko lahat ng galaw nila, sa bawat galaw nila nakikilala ko kung sino sila. "Walang malisya ang ginawa ko kanina, Prime, ayokong masaktan ka." Lumingon ito sa akin matapos ubusin ang mga militar. "Alam ko," sagot nito kaya tumango ako. "Good,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD