Hell Week Day 3

1672 Words
Chapter 36: Hell Week Day 3 Maayos akong pumunta sa kampo kinaumagahan, lahat ng kasama ko puyat pero malalakas sila at matatapang, matindi ang kagustuhan nilang makaabut sa huling araw kahit pa nakita nila kung paano namatay ang mga kinikilala nilang kaibigan. Habang tumatagal nalalalagas ang mahihina, natitira ang mga tunay na matibay. Hindi ko na magawang ngumiti dahil sa bigat ng tensyon sa paligid. Halos bilang na lamang sa daliri ang natira. Habang nakatayo sa linya ay nagtitinginan sila sa isa't isa, binibilang kung ilan na lamang kaming natira. Walang bakas ng emosyon ang muka, may ibang duguan ngunit tila walang pakiramdam. Kahit ang mga instructor ay tensyonado. Napatingin ako sa isang militar na bago sa paningin ko. Maayos itong nakatayo at mahigpit ang hawak sa baril nito. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya, mabilis itong nag-iwas ng tingin kinalaunan ay naaninag ko ang pawis nito sa noo. Lumabas na sa tent ang militar na laging may hawak ng radio. Ang pinakamayabang sa lahat. Halos lahat ng nandito ang mayayabang ngunit may bilang na matatahimik. May dalawang nagmamasid lamang sa paligid, tingin ko ay sila graduate ng Scout Ranger Training, dahil iba ang uniform nilang dalawa. Ang ibang tahimik ay mababa ang katungkulan at ang mayayabang, may maibubuga nga at mataas ang ranggo ngunit mahihina pa rin. Nababawasan rin ang mga militar kaya may mga bago. Sa training na ito, hindi lang trainee ang nalagas. Ito lang kaya ang brutal na nagpapatupad ng ganito o buong Perusal Society? Scout Ranger Training lang kaya ang pinakamahirap na training o may iba pa? Ngayon ay sasakay kami sa maliit na aircraft, at bababa kami gamit ang lubid, pag-aaralan namin paano bumaba ng mabilis at magtago sa gubat ng hindi nakakatunog ang kalaban. Rangers are destroyers, sila ang sumusugod sa kuta ng kalaban, sa gubat sila kadalasang nakikita. Kaya kailangan naming matutunan paano bumaba sa eroplano gamit ang lubid lang. Magtago, mabuhay at makipaglaban sa gubat. Hindi pwedeng makapasok sa Scout Rangers kung wala ka pang experience o natapos na kurso na ibang uri ng military. Dapat graduate ka sa Army, navi o iba pa para makasali sa training nato base sa legal na patakaran, dahil hindi pangkaraniwang ang mundong ginagalawan namin, nakapasok ako. Hindi ko maintindihan, imbis na pangalagaan ang uri namin dahil bilang lang kami sa mundo, unti unti kaming inuubos dito. Hindi naging madali ang pagbaba namin sa eroplano, bukod sa hindi matibay ang lubid, hindi humihinto ang eroplano, nilalapit lang kami sa kung saan kami pwedeng tumayo, limitado rin ang oras, kapag lumagpas na sa oras at hindi ka pa nakakababa, tataas ulit ito, sa puntong yon kailangan mo ng tumalon dahil hindi na abot sa lupa ang lubid. Dahil sa takot kong maubosan ng oras dirediretso ang pagbaba ko at hindi ko na napigilan ang pagbulosok ko pababa. Napaluhod ako at napahawak sa lupa. Pakiramdam ko nabalian ako pero walang pumansin sa akin. Tuloy lang sila sa kailangan nilang gawin. Kaya wala akong nagawa kun'di gumalaw at gawin ang kailangang gawin. Pinagpahinga lang kami pagsapit ng tanghali pero balik rin pagkatapos. Paulit ulit kaming bumaba sa eroplano hanggang manakit na ang kamay at balakang ko, pero bawal magreklamo. Third day ko na kaya wala ng atrasan malapit nako, ngayon pa ba ako susuko. Kinagabihan ay pilit kong pinipigilan ang iyak ko, sobrang hapdi ng kamay ko, maiinit at namumula. Naramdaman kong may sumusunod na sakin, alam kong ako na ang puntirya nila, sa pagkakataong ito wala na akong takas dahil konti na lang kami. Nananakit ang buong katawan ko, parang konti na lang kakalas na ang buto ko. Nabawasan kami kanina dahil may nagbreakdown, sanhi ng pagod walang tulog at kain. Meron ring nahulog sa eroplano dahil naputol ang lubid na gamit niya. Simula palang dududa na ako sa kanilang lahat, they're not our trainer, they're our predator and we're the prey. Papatayin nila ang ayaw nilang makalabas dito ng buhay. This is torture, mentally, emotionally and physically, if ever someone will survive, they're invincible. At ang hindi pinalad ay babagsak sa mental hospital o himlayan. Hindi biro ang makita mo ang mga kasama mong mamatay isa isa, ang takot bawat gabi dahil baka katapusan mo na, ang pagod bawat araw dahil sa training. Talagang hindi makatao ang ginagawa nila, they will sacrifice trainees and mentor to produce a powerful Army. For now I have nothing to do but run, nag-iingat na sila, kung hindi sila sampu, labing isa, hindi na sila padalos dalos sa galaw nila. Alam nilang may ibubuga sa labanan ang mga natitira kaya hindi na sila nagpapabaya. Mabilis akong tumakbo at hinabol nila akong lahat, hindi ko inasahang may mag-aabang sa akin sa unahan ko. Napalingon ako sa kaliwa at may nakita akong mga ilaw ganoon din sa kanan. Shit! I'm trap Napahinto ako nga makita kong nakatayo sya sa harap ko. Dumating narin ang iba pa. Galing sa kaliwa, sa kanan at sa likod. Napapaligiran ako kaya tinaas ko nalang ang kamay ko. Wala akong laban sa kanila. It's him again, hindi talaga siya sumusuko sa panunuyo sa akin. I grin evilly at nakita ko agad ang pangamba nila. Mysteryo parin hanggang ngayon, how I managed to survive my three days in hell. Hindi nila alam kong paano ako gumalaw. "Bakit parang natatakot kayo? " Panunuya ko sa kanila kahit kinakabahan rin. Napaatras siya at galit na tumingin sa akin. Tingin ko at hindi na siya nandito para suyuin ako, nandito na siya para taposin ako sa ganon ay mailigtas niya ang sarili sa kahihiyang hindi ko siya pinagbigyan. "Bakit kami matatakot sayo, mag-isa ka lang." Napatingin sa kanya, bago lang siya. "Sabagay, hindi naman ako nakakatakot. Ngunit...mag-isa kaya ako? "Kunwari nag-iisip pero naliligon ako paligid para maghanap ng paraan pa makatakas. "Anong gagawin mo ngayon? Sampu kami, isa ka lang." Sabi noong malibog na mukang ungoy na may malaking tyan. Paano nga ba? Biglang bumagsak ang isa saka ako bumunot ng kutsilyo at binato sa lalaking nasa harap ko. Tinutukan ako ng baril sa lalaking nasa likod ko kaya napahinto ulit ako. "Mabilis ka ngang gumalaw, pero katapusan mo na-" mabilis kong hinablot ang baril kahit nakatalikod at binaril siya ng tatlong beses habang nakatalikod. Humarap ako sa kanya saka pinutok ko ang baril sa noo nito. Sinipa ko ang baril na nakatutuk sa akin sa kanan at tumalsik yon binaril ko ang lalaki sa kaliwa. May naramdaman akong papalapit sa likod para hulihin ako pero sinaksak ko siya sa tyan. Hinila ko ang kamay niya at ginawa ko siyang pangsalag sa paparating na bala. Nagulat siya sa nagawa niya sa kasama kaya binaril ko siya agad. Gamit ang pinang saksak ko sa lalaking ginawa kong pansalag at binato ko sa lalaking nagkakasa ng baril. Tahimik ang buong paligid, malalalim na paghinga ko ang tangi kong naririnig. Puro dugo ang damit ko, hawak ko sa kanang kamay ang baril at sa kaliwa ang isa pang kutsilyo. Nagtatago sila sa mga puno, bilang ko sila hindi ako pwedeng magkamali, may isang sugatan at apat na nagtatago. Pinakiramdaman ko ang paligid, bawat galaw ng dahon, bawat putok sa lugar na di kalayuan. Hindi ko man sila makita dahil madilim, naririnig ko ang mabilis nilang paghinga. Nakikita ko ang anino nila at nararamdaman ko ang takot nila. Halos mamangha ako sa sarili kung pandama, naririnig ko ang paghinga nil at tukoy ko ang nararamdaman nila. Wala man akong diploma sa pagiging Army o kahit ano. Pinaghandaan ko to, at mas tumibay ako sa nagdaang araw. They just wake the demon inside me, by hunger, thirst, pain and fear. Alam kong may mga camera na sa paligid, gusto nilang malaman kung sino kami, ang kapasidad namin bilang sundalo. But they would never know the real me. No one will. "Are you scared babe? Why are you guys hiding? Don't you wanna play with me anymore?" Mabilis akong humarap sa likod ko at binaril ang lalaking nagtangkang barilin ako, sunud sunod ng nagpaputok ang mga kasama niya kahit hindi ako nakikita. Bago pa man sila makakasa sa mga baril nila nakaakyat na ako sa puno. Madilim kaya mahihirapan sila para hanapin ako. Galing sa itaas ay isa isa ko silang binaril, Hindi kasi sila marunong gumamit ng silencer kaya ako na lang. Bumaba ako sa puno, duguan pero 'di ko dugo. "Salamat," Walang sumagot pero alam kong nakikinig pa siya. "Hindi ko hinihinging malaman ang pangalan mo o makita ka pero salamat, hindi mo na rin kailangang sumagot." Saka ako naglakad paalis, tinulungan niya ako, yong lalaking unang bumagsak kanina ay hindi ko kagagawan. "Kung di ako magkakamali, ikaw ang Queen diba? " Lumabas ito sa pinagtataguan niya. "Yeah, your queen." Nakangiti akong humarap sa kanya at seryoso itong nakatingin sa akin. "Sino ka ba talaga?" Tumalikod ulit ako at nagsimulang maglakad paalis, hindi inaasahang sumabay ito sa paglalakad ko, isa rin siyang trainee kagaya ko "I'm your Queen," ulit kong sagot. "Nakita na kita noon pa, sa labas." Napasulyap ako sa kanya. Hindi ko siya maalala pero tingin ko ay hindi ito nagsisinungaling. "Ibang-iba ang ikaw sa labas at sa loog ng Perusal Academy, ngayon ibang anyo na naman ang pinakita mo. Alin rito ang totoo?" "Wala, isipin nating wala." I sweetly smiled and giggles a bit. "Matapos mong pumatay ng sampu, nakakangiti ka ng ganyan, anong klaseng tao ka?" That was harsh, but true. "Correction, syam lang, ikaw kaya sa isa." Naiiling lamang siyang sa sinabi ko. "Your Angelic smile, akala ko noon totoo, ngayon hindi ko na mapigilang magdududa. Kung hindi ko nakita paano mo pinatay ang mga sundalong yon, magugulat ako kung bakit ka nandito." "Your just over thinking my friend." "I'm not," "What you see is what you oughttobelieve, let's leave it there." "Hindi ko makita ang koneksyon, sa nangyari at sa sinasabi mo." "Makikita mo rin yan pagdating ng araw. Gabi pa kasi." Tinapik ko ito sa braso at nag-iba ako ng direksyon, para takasan siya. In just few days kabisado ko na ang buong gubat. Kaya kahit madilim kaya kong tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD