Hell Week Day 2

1032 Words
Chapter 35: Hell Week Day 2 Hindi na gulat ang nakikita ko sa mga muka nila kundi respeto. Nakangiti ko sinalubong ang mga mata nila na nakatingin sa akin. Bumalik ako sa linya ko. Kalahati na lang ang natitira sa amin. Nararamdaman ko na ang sympatya nila sa akin, I survived the War night and Day one at alam ng lahat na mahirap ang pinagdaanan namin. Pero hindi maiiwasan ang mga naiinis na tingin ng iba. "Iniisip kong nakakain na kayo." Panimula ng instructor. Maraming umalma at nagalit pero wala silang magagawa. "Oras na para maligo." Kahit naiinis ako, natuwa ako bigla, kagabi ko pa hinihingi yan. "Sa ngayon pwede kayong uminom." Sabi niya at pumila kami sa nakahilerang mga tubig sa harap. Halos mapatalon ako sa tuwa sa narinig ko. Matapos naming uminom lahat ay sumunod kami sa mga instructor namin. Dinala kami sa isang ilog, malalim na ilog. "Tatalon kayong lahat sa tubig, habang nakauniporme, mananatili sa tubig hanggang hindi namin sinabing pwede ng umahon." Saad ng instructor na taga utos. Siya iyong laging nagsasalita at inuutusan niya lang ang iba. Tumalon na silang lahat ng walang pag-aalinlangan. Dehado ako nito maraming metal sa katawan ko. Tumalon na ako at nakita kong nag-alisan ang ibang instructor, kaniya kaniya silang upo kahit saan habang kumakain at nagtatawanan. Malamig dahil sa maaga pa, matapos ang ilang oras, nagyoyosi lang sila habang binabantayan kami. Pagpatak ng alas dies nagsitalunan ang mga instructor at tatangkain nila kaming lunurin, man lalaban kami para makaligtas. Wala akong magaqa kung hindi pandering nilulunod ang mga kasama ko. Tahimik akong lumalangoy palayo sa kanila. Napansin kong tatlo ang lumapit sakin para lunurin ako. Lumangoy ako palayo, ilang oras akong nakakababad sa tubig, mahihirapan akong labanan sila. Pinagtulungan nilang ilubog ang ulo ko, napansin ko ring ako pinapanood ng lahat ng instructor sa taas, gusto nilang malaman kung anong kaya kong gawin. "Masasabi kong matibay ka nga, pero tingnan natin ang tibay mo rito." Bulong ng instructor habang hawak ang ulo ko at liloloblob sa tubig. Hinila niya ang buhok para makahinga ng konti. "Sabihin mo, anong ginawa ko para makaligtas." Utos ng isa pero ngumisi ako sa halip na sumagot kaya marahas nilang binalik ang ulo ko sa ilalim. "Pare, balatu mo na sa akin ito. " Rinig kong saad ng isa at inangat nila ulit ang ulo ko, mabilis akong nag habol ng hininga. "Gusto mo bang makaligtas?" Tanong noong isa habang hinahagod ng tingin ang katawa ko lalo na ang harapang bahagi. "Kaya kitang tulungan." Bulong nito sa akin. Pinisilpisil nito ang braso ko kaya marahas akong nagpumiglas sa hawak niya. Nagtawanan ang dalawa pang nakapaligid. "Sa likod ng kampo, isang oras lang....bawat gabi." Nanindig ang balahibo ko sa sinabi nito kaya masama ko itong tiningnan, nakakasuka ang muka nito. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. "Mas gusto kong mamatay na lang." Humugot ako ng malalim na hininga at tuluyan nilang na loblob ang ulo ko sa tubig. Nilubog ko ang sarili ko sa mas malalim pa para makawala sa pagkakahawak nila, akala nila magpupumiglas ako at pipilitin kong itaas ang ulo ko para makahinga. Hindi nila inasahan ang gagawin ko kaya nakawala ako. Mas sumisid pa ako sa ilalim at humanap ng lugar na walang nagbabantay para huminga. Sumunod naman ang mga ito sa akin kaya sumisid ulit ako palayo. Tumunog na ang oras kaya tapos na silang lunurin kami, may nabawas ulit samin pa unti unti kaming nauubos. Pinaahon kami at pinakain, hindi na kami pinagbihis, sabi nila ang magkakasakit mahina, hindi siya nararapat sa pangalang Scout Ranger. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang galit na tingin noong naglunod sa akin. Nagtagpo ang mata namin, "humanda ka," saad nito at mabilis akong tumalikod. Dinala kami sa putikan na may mga damong matutulis. Hindi na ako nakinig pa dahil hindi ako natutuwa. Ang alam ko lang ay gagapang kami ng paulit-ulit hanggang mabilis na kaming gumapang. Pinagapang kami sa putikan, ng paulit ulit, paikot ikot hanggang hapon. Pinaligo na kami sa wakas. Pagkatapos maligo ay simula na naman ang War night. Mabilis akong tumakbo sa ibang direksyon, winawala ko ang mga sumusunod sa akin, nang mapansin kong walang nakakakita sakin ay umakyat ako sa puno at sa mga puno na ako dumaan papunta sa lugar ko. Maingat akong nagpalipat sa mga puno. Nagtago ako ng may narinig akong paparating. "Nasaan ka! Alam kong nandito ka!" Siya yon, iyong nag-alok sa akin ng tulong. Hindi ako makapaniwala sa ka Babolat niya. "Kung matalino ka, alam mong hindi ka lugi sa alok ko. Pareho tayong makikinabang, matutulongan kita para makaligtas." Saad nito habang sinisipat ang paligid. Kitang-kita ko ang paghinto saglit ng mga mentor namin habang nakikiramdam sa paligid. Lima sila ngayon kaya mahihirapan ako. Lahat armada at kanya-kanyang ilaw. Siya yata ang leader nila dahil tahimik lamang ang iba. Muka ngang mataas ng katungkulan niya kaya malakas ang loob niyang mag-alok ng ganoon. Ngunit mag gugustuhin kong magpakamatay kaysa gawin ang gusto niya. Naapakan akong maliit na sanga at nabali ito. Agad silang napalingon sa direksyon ko kaya tahimik akong nagtago sa kahoy. Maliit lang ako kaya madali ang magtago sa likod ng puno para sa akin. "Lumabas ka ng lang ng maaayos at sumama sa akin. Nag-iisa ka lamang at marami kami. Hindi naman kita sa saksaktan, kung susunod ka lang sa gusto ko." Rinig ko ang tuwa sa boses niya, akala niya yata ay mahuhuli ako ng ganoon kadali. Alam kong wala akong takas ngayon kaya kinuha ko ang isang smoke bomb sa bulsa ko na singlaki lang ng holen. Mabilis ko itong binato sa isang puno malapit sa kanila. Sinaksak ko ang pinakamalapit at hinila sa likod ng puno. Kinuha lahat ng mga armas nito sa katawan pati ang bag at flashlight. Bago pa man may makakita sa akin ay mabilis akong naglambitin sa puno at nagpalipat-lipat rito para makalayo. Siya sana ang gusto kong saksakin ngayon kaso malayo ito at posibleng mahuli nila ako kung ipipilit ko. Napahinto ako saglit at lumingon kung saan ako galing kanina. Sunod-sunod kasi ang putok ng baril sa gawing iyong. Tingin ko ay galit na galit ito. Mukang mahihirapan na ako sa susunod na mga araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD