Terrifying Night

1135 Words
Chapter 34: Terrifying Night Dala-dala ang back pack ko naglakad ako papasok ulit sa gubat. Hindi alintana ang bilis ng paghinga, hindi ko ipagkakaila ang kaba at takot. Habang tinitingnan ang madilim at masukal na gubat. Nagsisimula na akong mapa-isip, tama pa ba o kaya ko kaya ito? Napansin ko sa mga kasama ko, may nangyayari ng alyansa, kaniya kaniya silang buo ng grupo para makaligtas. Habang ako, halatang hinihintay lang nila na matanggal, para akong ngipin na uga uga na, konting hila na lamang at matatanggal na. Total wala naman akong maaasahan sa kanila, humiwalay ako ulit. Pumunta ako sa pinakaliblib na lugar, sa sulok ng tatlong puno na dikit, sumiksik ako sa gitna noon. Dito ko piniling magpahinga, maraming tuyong dahon sa paligid kaya malalaman ko kung may papalapit. Kumuha ako ng makakain sa bag ko, this is the worst experience of my life. Hindi man lang kami binigyan ng pagkakataong maligo, sa lahat ng pawis ko buong araw hindi man lang ako makapagbihis. Ayokong maghubad dito sa gubat, baka mangati ako. Gusto ko ng umayaw pero huli na, nandito na ako. Panatag akong pumikit para ipagpahinga ang katawan ko. Mabilis na naalerto ang katawan ko sa dahil sa pagkadurog ng mga tuyong dahil mitsa ng mga yapak ng papalapit. Hindi ako dumilat at nanatili lamang na nakasandal. Lalong lumakas ang mga ingay ng mga dahon patunay na sa direksyon ko ito papalapit. Dahil rito lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napahawak ako sa kutsilyo sa bulsa ko. Halos hindi ako huminga noong dumaan ito malapit sa akin. Habang hininhintay ang mangyayari ay nanatili akong nakapikit. Wala itong dalang ilaw kaya tingin ko ay kasama ko lamang ito. Unti-unting lumuwag ang pakiramdam ko dahil lumagpas lamang ito. Tahimik akong nagpapasalamat dahil nawala rin ito kinalaunan. Hindi ko alam kung kakayanin ba ng katawan ko kung nakita niya ako. Napadilat ako at napatingin sa itaas sabay hugot ng malalim na hininga. Napatingin na lamang ako sa damit ko, puting sando ito noong una akong umapak rito ngayon ay kulay putik na, puno ng pawis at dumi. Malagkit ang kili-kili at makati ang damit. Ulit akong pumikit para magpahinga. Nagising ako sa dami ng lamok kinakagat ang muka ko, bwesit! Madilim pa hindi ko alam kong anong oras na basta sobrang lamig wala akong pakialam kong madumihan ako, mas siniksik ko ang sarili ko sa puno. Saka pumikit ako ulit. "1:00 AM, OFFICIALLY START OF THE REAL TRAINING. THIS IS BATTLE FOR YOUR LIVES." Napaigtad ako sa gulat, agqd agad akong napalingon kung saan nagmula ang malakas na tunog. Habang hawak ang kutsilyo ko, nakita ko ang mga speaker sa itaas ng puno. "EVERY NIGHT YOU WILL HIDE FOR YOUR LIFE, EVERY DAY YOU WILL REPORT TO OUR CAMP FOR ACTIVITIES. NO MEDICAL ATTENTION. NO RULE. LIVE UNTIL THE LAST DAY AND YOU ARE ALREADY SCOUT RANGERS." Dumagungdong ang announcement na ito sa paligid. Maya maya lang ay narinig ko na may nagtatakbuhan, may nagsisigawan sa sakit, at mga putok ng baril. Ibig sabihin huhuntingin nila kami sa gabi at mag-sasanay sa umaga. Ang instructor, kalaban sa gabi, mentor sa umaga. Anong klaseng training to? Hindi nagtagal ay nakarinig rin ako ng yapak at baril na kinakasa, ang flashlight na gamit nila. Dahan dahan akong umalis sa pinagtataguan ko, dahil magaan lang ako, hindi mahirap sa akin maglambitin sa puno at magtago sa likod nito. Hindi ko na tinangkang tumakbo paalis, bala ang hahabol sa akin kung sakali. Dahil sa flashlight nila alam ko kung saan sila nakatingin, kaya iikot ako sa puno para 'di nila ako makita kung sakaling madaan sila sa punong pinagtataguan ko. Mabilis ang paghinga, mabilis rin ang t***k ng puso at tila bumabagal ang oras, at ramdam ko ang paglagdas pawis sa noo ko, isang maling galaw katapusan na ng buhay ko. Nakita kong papalayo na sila sakin pero tatlo lang sila, kaya ko sila. Kung kalaban sila kapag madilim, lalabanan ko sila, papatayin nila akong kung nakita nila ako kaya uunahan ko sila. Binato ko ng kutsilyo sa ulo ang isa kaya natumba siya, naalerto ang dalawa. This is Hell week, this place is hell for a week. Kung nandito na ako sa impyerno bakit pa ako matatakot pumatay? Hindi nila ako nakikita kaya mas lamang ako, I'm train to be a ranger, I should move like a wild cat, no noise, no trace. Pinaputukan nila ang gawi ko, dahil may dala silang ilaw alam ko ang bawat galaw nila. Alam ko ang nakikita nila, mas sanay ako sa dilim. Pumulot ako ng bato, alerto sila dahil natumba na ang isa kanina. Lumingon silang lahat kaya buong lakas kong binato ang isa pang kutsilyo ko sa ulo ng isa. Walang nakakaligtas kapag sa ulo ang natamaan. Isa na lang siya, kinuha ko ang huling kutsilyo na meron ako. Imbis na ibato ko sa kanya ay tahimik kong sinaksak ang sarili ko sa tyan. Dahan dahan akong humiga sa lupa at kumuha ako ng bato bago tuluyan mahiga at binato sa malayo. Tatakbo siya roon at madadaanan niya ako, nakapikit ako. Naramdaman kong dumaan ang ilaw ng flashlight sa katawan ko. "Sabi ko na nga bang hindi siya magtatagal." Sabi niya at aabutin niya ang leeg ko para tingnan ang pulso ko. Pero hinablot ko ang baril niya at pinaputok ko sa noo niya. Hindi kritikal ang saksak ko sa sarili ko, alam kong walang tinamaan sa lamang loob ko, kalkulado ko iyon, kung pumalya man ako, patay ako nito. Tumayo ako at kinuha ko ang mga patalim ko. I need to make my own safe zone. Sinuri kong mabuti ang paligid. Malawak ang gubat kaya impossibleng mahanap nila ako agad dito. Naghukay ako sa lupa at binaon ang isa sa mga baril nila. At tinakpan ng mabuti saka nilagyan ng palatandaan. Lumipat ako sa ibang lugar at doon ako naghukay ulit. Pabilog kong binaon ang mga baril sa paligid ng puno na pinagtataguan ko. At sa gitna ay tatlong baril. Nilagyan ko ng tali ang paligid para kapag may lumapit sa teritoryo ko malalaman ko. Hindi ito gagawa ng ingay hihilahin lang nito ang buhok ko sapat para magising ako. Sa taas ng puno gumawa ako ng kumpol na dahon na parang normal lang na kumpol, doon ko nilagay ang mga pagkain ko. May kutsilyo sa dalawa kong binti, hita at braso. At baril sa likod ko. I don't need anyone to survive this war. I'll be needing myself and myself only. Sa wari ko'y alas tres na pero napagpasiyahan kong matulog. "TIME CHECK 5 AM, END OF WAR NIGHT, LAHAT NG BUHAY PUMUNTA SA KAMPO NGAYON PARA SA TRAINING. "Matamlay akong tumayo. Iniwan ko lahat ng gamit ko at nagsimula ng maglakad papunta sa kampo. Nakabawi na ako ng lakas, nakatulog at nakakain ako, wala nga lang tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD