Chapter 33: Hell Week
"Hindi ko akalaing, aabot siya ng mahigit isang oras." Ito ang una kong na rinig pagbalik ng ulirat ko.
"Nakabalik na sa hanay ang isa pang babaeng nahimatay kanina, pero hindi na maganda ang lagay niya. Paniguradong uuwi silang dalawa ngayong araw." Sagot ng kausap nito.
Dumilat ako at napalingon agad sila sa akin. Pinilit ko agad na tumayo para makabalik sa training ground.
"Magpahinga ka muna, may apat na oras at kalahating oras ka pa." Pigil sa akin ng isang nurse na siyang gumagamot sa akin. Tinabig ko ang pagkakahawak nito sa braso ko at saka tumayo. Ngunit umikot lamang ang paningin ko, maagap naman nila akong sinalo.
"Magpahinga ka, kung gusto mong tumagal." Bulong sa akin ng babaeng nurse, hindi na ako nagmatigas dahil hindi ko rin naman kaya.
Napatingin ako sa relo na binigay sa akin ni Jim. Tanghalian na ngunit hindi pa sila tumitigil. Sinubukan kong tanggalin ito ngunit hindi ko mahanap ang tamang lock.
"Don't," agad akong napalingon sa paligid kung may iba bang nakarinig sa boses ni Jim. Matapos kong mapagtantong ako lang ang nakarinig palihim akong tumalikod.
"Jim?" Mariin kong bulong sa relo ngunit walang sumagot. "Anong ginagawa mo, Jim?"
"Doing my job."
"This is cheating." Maingat kong sagot rito upang walang makarinig.
"Cheating is part of the game." Simpleng sagot pinakita niya sa akin ang kalagayan ng katawan ko, pwede rin itong compass. "Jed is here with me to give you tips to survive."
"Excuse me," tawag ko sa isa sa mga bantay sa labas ng tent. Lumingon ito sa akin agad.
"May baril kaba?" Of course, anong klaseng tanong iyon. "I mean, kailangan ko ng tulong mo." Kumunot ang noo nito. Kaya pinakita ko sa kanya ang relo.
"Pwede mo ba itong barilin, ayaw kasi matanggal."
"Tumigil ka, Queen." Rinig kong saad ni Jed.
"O kahit screw, gusto ko lang itong tanggalin." Lumapit ito sa akin at tiningnan ang relo.
"Bihira to." Sabi niya habang sinisipat ang relo mukang may alam siya sa techno, gaya ni Jim. Kumuha siya ng maliit na kutsilyo at kinalikot ang relo ko. Mas humigpit ang relo, nilalabanan ni Jim ang pag-tatanggal nito.
Hanggang sa sinira na lang ang relo, tuluyan itong natanggal at lasog na lasog na. Sa susunod na task ay sumama na ako, matapos ang ibitin patiwarik ay papasok kami sa masukal na gubat para maghanap ng makakain.
Scout Ranger is survival job, this represents musang, wild cat. Among the seven kinds military Scout Ranger is the most dangerous. Sila ang kadalasang nasa gubat, sila ang sumusugod sa mga kuta ng Terotista, NPA at iba pa. Wala kaming ibang dala liban damit na suot namin.
Naiwan ang damit namin sa kampo, kaniya kaniyang takbo, hindi lang paghahanap ng pagkain ang task namin. Habang naghahanap ng pagkain kailangan naming iwasang makaenkwentro ng mga instructor, sila ang magsisilbing kalaban namin.
Makikipaglaban rin kami kung makakasalubong namin sila, gaya ng isang totoong enkwentro. Hindi ko pa kayang tumakbo ng mabilis kaya humiwalay ako sa groupo. Nag-iba ako ng ruta, dalawang oras ang binigay samin para makabalik sa kampo.
Nagtago muna ako sa likod isang puno at huminga, kaya pala ganon ka tindi ang pigil nila sa akin. Nakalayo na ang marami kaya naalerto ako nang may narinig akong tinig na nag-uusap.
Mga instructor.
Dahan dahan akong lumayo sa kanila, pinilit kong wag gumawa ng ingay. Nangmakalayo ako ay mabilis na akong tumakbo, hanggang ngayon hindi ko parin alam paano makakakain. Nanghihina na ako sa gutom. Hindi ko akalaing hindi ko magagamit ang dinala kong mga pagkain.
Napatingala ako sa isang nyog. Hindi parin posible, hindi ko mabubuksan yan. Bukod don, hindi ko kakayaning umakyat dahil sa tayog. Naglakad lang ako ng mabagal may biglang dumaan na sibat sa harap ng muka ko.
Napaatras ako agad sinundan ko ng tingin kung saan tumama ang sibat saka tumakbo palayo, hindi ko kayang makipaglaban ngayon. Naririnig ko silang humahabol, hindi ko na tinangkang lumingon. Napahinga ako ng maluwag ng malamang dalawa lang sila, hindi ako mahuhuli agad.
Alam kong 'di nila ako titigilan, papagurin nila ako ng husto. Yon ang agenda ng unang araw, hanggang saan ang tibay ng katawan mo sa lupa. Takbo parin ako ng takbo hanggang bumagal ako, pinalabas kong nauubusan ako ng hininga, kahit ang totoo at bumabawi ako dahil plano kong harapin sila. Hinarap ko silang dalawa at umaktong nanghihina, kahit nanghihina naman talaga
"Ito ang pinakamalaking pagkakamali mo bata." Humugot ako ng malalim na hininga para makabawi.
"Kung gusto mo pang mabuhay sumuko ka na. Hindi ka aabot sa huling araw, maniwala ka." Saad ng kasama niya.
"Bakit?"
"Ang unang araw ay pagkakataong umatras, kaya inuubos namin ang lakas ninyo at mawalan ng malay ang mahihina. Dahil sa pangalawang araw hindi ka na makakaligtas, mamatay o umabot sa huling araw lang ang dalawang kahahantungan." Sagot ng lalaking mas malaki ang katawan. Naglabas ng maliit na kutsilyo ang isa.
"Ayaw namin pahirapan ka, alam kong nahihirapan ka na. Hayaan mo lang na sugatan ko ang binti mo para hindi makakalad ng ilang araw at makakabalik ka na sa pag-aaral. " Umatras ako dahil humakbang ito papalapit.
"Kalbaryo ang susunod na mga araw bata, maniwala ka samin." Napalunok na lamang ako habang pilit iniisip kung anong tamang gawin. Hindi ako pwedeng mamatay, pero hindi rin pwedeng sumuko na lang. Isang dipa ang layo ng instructor sa akin.
"Kaya ko," saka ko sinipa ang kutsilyo na hawak niya, tumalsik ito sa malayo pero hindi kawalan iyong dahil may mga baril sila.
"Hindi, unang araw palang nawalan ka na ng malay, tanda nayon na mahina ka, hindi ka na magtatagal."
"Wag mo kong pangunahan manong." Sinugod nila ako kahit kita sa mga mata nila na labag sa ito sa kanilang loob. Kaya kinuha kong itong pagkakataon, ang awa nila sa akin, they look down me cause I look weak, fragile and specially I'm woman.
I attacked weakly at nang mahawakan nila ako sa magkabilang kamay ko. Mabilis kong tinadjakan ang tuhod ng may hawak ng kutsilyo saka hiblot ito sa kaniya. Sinaksak ko gamit ang kutsilyong nakuha ko sa kamay na nakahawak sa akin. Pinasadahan ko ng kutsilyo ang braso ng nasipa ko sa tuhod.
Nainis sila sa ginawa ko, buong loob nila akong nilaban, dahil dalawa sila hindi ako makatyempong sumugod puro ilag na lang ang nagagawa ko. Pinaghandaan ko ito ng ilang taon. Dahil malapit sila ay nahablot ko ang isang baril at binaril ko silang dalawa.
Napaupo ako sa sakit ng ulo at kalam ng sitmura. Kinuha ko ang bag nila, sana may dala silang pagkain. Halos maglaway ako ng makita kong apple sa bag ng isa. Pwede na pantawid gutom, may nakakabit na speaker sa bawat sulok ng gubat para palalahanan kami sa oras at rules. Announcements at kung ano ano pang gusto nilang sabihin samin. Thirty minutes na lamang ang natitirang para makabalik ako sa kampo.
Tumakbo ako pabalik sa kampo, may lakas at nakapagpahinga na. Maraming nagulat ng makita akong bumalik sa pwesto ko. Hindi lang marami lahat sila. Ako na lang ang natirang babae dito, napauwi na ang isa. Hindi na hinintay ng iba na ubusin ang oras ng pahinga nila, tuluyan ng umatras.
Alas dos na. Isang oras naman kaming magpapabalik balik sa isang cliff, baba gamit ang lubid at aakyat gamit ang lubid, nasa sampung palapag na building ang taas. Ito na daw ang pinakamababa, marami pang masmatataas na masusubukan namin.
Dahil magaan lang ako, hindi naman ako takot sa height kaya mas ayos nato kumpara sa push up. Nagpabalik balik kami hanggang 4pm, 5 nagsimula na naman ang push up, talon, at ulo sa lupa kamay sa likod na katuwad, ilang minuto bago kami pinatigil.
Alas syeti, binigay na samin ang mga bag namin at sa gubat kami matutulog, kami na daw maghanap kong saan.