Chapter 32: Off to Ranger Training
Habang inaayos ang mga gagamitin ko sa papunta sa training at pansin ko ang tamlay sa kilos ni Ate Gina. Naasiwa ako sa kilos niya parang labag sa loob ang pagtulong sa akin.
"Ayos ka lang, ate?"
"Sigurado ka ba si pinapasok mo? " Nag-aalalang tanong ni Ate Gina, napaisip ako sa pinag-aalala niya. Tingin niya ba ay hindi ko kakayanin?
"Oo naman." Naiintindihan ko namang diskumpyado dahil babae ako. Pero alam ko sa sarili kong kaya ko, at kailangan ko.
"Hindi biro ang ranger Veil, alam mong iyan ang pinakadelikado na uri ng military, pwede namang magnavy ka na lang o kahit army, Marine kahit ano wag lang iyan." Napangiti na lamang ako sa pag-aalala niya at hinawakan ang kamay nito.
"Isang linggo akong naghanda para dito, alam kong ito ang gusto ko. Kakayanin ko, magtiwala ka lang."
"Hindi mo kakayanin, pahihirapan ka nila hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko, baka ikamatay mo pa." Saglit akong napaisip, bakit ganoon na lamang ang pag-aalala nito.
"Hindi, alam kong kaya ko, sisiw lang yan."Pagpupumilit ko, kahit nagkakaroon na rin ako ng kutob na posible ngang hindi biro ang mararanasan ko doon.
"Alam mo bang sa 100% sa sumubok niyan, 50 % ang umuuwi first day pa lang wala pang malay minsan natutuluyan na. At sa natitirang 50 percent ay unti unti lang mauubus at hindi na alam kong saan napunta." Nagulat ako sa sinabi niya, ganon ba kahirap ang training ng ranger? Kung ganoon saan na pupunta ang iba?
"At lima pababa palang ang nakakaligtas sa nakalipas na mga training." Lubos akong naalarma sa sinabi niya, hindi ko ipagkakaila na kinabahan ako sa binalita niya. Ngunit mas lalo ko lang gustong makita kung anong klaseng training ito.
"Hindi biro ang Scout Ranger." Malungkot na sabi ni ate Gina.
"Makakaligtas ako, ate Gina, maniwala ka." Niyakap na lamang niya ako, alam niyang hindi niya ako mapipigilan.
Dumating ako sa tagpuan ng lahat ng susubok sa training ng Scout Ranger. Kadalasan sa nandito puro lalaki, mabuti na lang at may nakita akong isang babae, pero lalaki kong gumalaw. Basically ako lang ang tunay na babae ang aatend sa Rangers Training.
Nakaabang rin sa di kalayuan ang mga Chessmasters. Nakatingin sakin, hindi ko akalaing alam nila na kasama ako. Sa bagay na banggit ko ito minsan kay Jed.
Napansin kong naglakad sila papalapit sa akin kaya sinalubong ko na siya. Agad na lumapit sa akin si Jed.
"Queen, sigurado na na ba rito delikado ito, hindi ito basta training lang." Saad nito, hindi na ako nagulat pa, ngumiti lamang ako at tumango. "Makinig ka Queen isa hanggang lima pa lamang ang nakakaligtas sa training na iyan at alam ko kung ganoon kahirap iyon." Saad nito habang hawak ako sa dalawang balikat.
"Alam ko, Jed. Wag kang mag-aalala, magiging maayos lang ako." Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko at mabilis na nilingon si Zid.
"King, " tawag niya kay Zid para humingi ng tulong.
"Hindi, let her go para matuto siya." Si Hell ang sumagot sa halip na si Zid. Walang tinuran si Zid at tiningnan lamang ako at nagbuntong hininga.
"Hindi magandang idea ito, Queen." Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko si Hell, hindi nagugustuhan ang nangyayari. Lalo na sa pagtawag nila sa aking Queen.
Lumapit si Jim sa akin at kinuha ang kamay ko, sinuot niya sa akin ang isang relo na kulay itim.
"Magaan iyan at waterproof, matibay rin. Hindi mo kailangang tanggalin." Tipid na saad niya at tumango na lamang ako. Nakita kong napatingin si Hell sa relo at nag-iwas ng tingin, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng muka nita at pagtingin sa itaas para pigilin ang luha.
Bakit ba kasi pinipilit ang mga bagay na hindi na sa kanya. Nakakagulat ang ginawa ni Jim pero napangiti rin ako kinalaunan. Nakita kong nagmagsisimula na sila kaya binigyan ko lang sila ng isang tango at tumakbo na pabalik sa mga kasama ko.
"ARE YOU READY!?"
"SIR, YES SIR? "
"ONCE WE ENTER THE MAIN ELEVATOR, THERE'S NO TURNING BACK. NOW ASK YOUR SELF, ARE YOU SURE?" Natahimik ang lahat at kanya-kanyang lingon, lalo na sa akin. Tinitingnan nila ako mula ulo hanggang paa, para bang sinasabi na hindi ako dapat nandito.
"WALANG AATRAS? " Malakas na tanong noong may hawak ng megaphone, nakatingin ito sa akin kaya nakaramdam ako ng kaunting pagkainsulto.
"BIBILANG AKO NG TATLO
ISA!
DALAWA! " Nanatili itong nakatingin sa akin kaya tumingin rin ako sa kanya. Walang niisa ang umatras, alam kong ako lang ang hinihintay nilang umatras.
"TATLO! KUNG GANON, PWEDE NG PUMASOK SA MAIN ELEVATOR." Pumasok na kaming lahat, nagulat ako ng may bumangga sa balikat ko at nilampasan ako.
"Dapat umatras ka na," bulong sakin nong lalaking bumangga sa akin. Hindi na ako nagsalita at hindi pinansin ang mga tinginan nila. Naramdaman na namin ang pag-angat ng elevator. Makalipas ang ilang minuto unti unting uminit ang loob.
"MAGHANDA, MALAPIT NA TAYO SA MAIN GROUND." Pinulot ko na ang bag ko sa lapag. May mga tumitingin sa akin at umiiling.
Ten am, iksakto bumukas ang elevator at lumabas kaming lahat, nakaabang na doon ang mga trainor namin. May mga demonyong ngiti sa mga labi, lalo na nangmakita ako, halos matawa pa ang iba. Pinatayo kami sa ilalim ng tirik na araw, sa paanan namin ang mga bag namin.
"Push up," sabi ng instructor namin kaya dumapa kaming lahat. Ito agad ang bungad, akala ko ay ihahatid kami sa pansamantala naming tutuluyan.
"Bawal ang babagal bagal."
"Down," sabay sabay kaming lahat.
"Up
Down"
"Up," paulit ulit lang hanggang bumilis ito ng bumilis. Matapos ang ilang oras ay parang hindi ko na kaya, magaan lang naman ako pero nakakangalay na.
Tagaktak ang pawis at kinakapos ang paghinga ko. Parang ramdam ko na ang buto ko, pakiramdam ko dudulas na ito sa mga joints nila, parang kumakalas na. Ramdam ko na rin ang hapdi ng lupa sa palad ko.
"Tayo," parang umikot ng kaunti ang paningin ko. Pinagjumping jacks naman kami, mabilis, walang hintoan. Dahil sa sobrang init, may nahimatay na, ako rin parang nahihilo na, maramiring nasuka, masakit na rin ang ulo ko.
Matapos noon ay pinapunta kami sa isang lugar na maraming puno, may mga tali sa mga sanga.
"Ibinitin kayo patiwarik sa mga punong yan." sabi niya at sinimulan na kaming ibitin. Nararamdaman kong bibigay na ang katawan ko, sa init, pagod at walang tubig, kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko.
Pero hindi pwede, limang oras lang kami pwedeng bigyan ng medical attention, kapag lumagpas na kami sa limang oras na ginagamot ay ibabalik na kami sa Academy. Labag man sa loob ko ay napaluhod ako sa lupa. May lumapit naman agad at kinuha ako. Kaya tuluyan na akong pumikit.