Chapter 31: Jed's Peruse
"Ayos ka lang?" Matamlay akong napangiti kay ate Gina.
"Oo naman, ate. Malalate na pala ako." Sinuot ko ang nameplate ko at tinungo ang pinto para lumabas.
"Pansin kong matamlay ka ngayon, may problema ba?" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.
"Babalik na daw kasi ako sa Cabin ko." Pagsisinungaling ko, ang totoo ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa namin kay Kyle. Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, dapat hindi na ako mismo ang nagbigay nito sa abogado.
"Mabuti kung ganon, hindi ka na mahihirapan dito." Ngumiti ako ulit, at mahina na natawa.
"Late na ako, ate. Mamaya na lang." Saka ako tuluyang lumabas, lumulutang ang utak ko sa inis, bakit ganon? Mas lalong dumadami ang tanong ko? Ano bang gustong mangyari ng eskuylahang ito. Ano bang silbi namin sa lipunan kung ganoon naman ang ginagawa namin?
"Sige, mag-ingat ka." Sagot nito at bumalik na sa tindahan niya.
"Queen!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang mata nito, nadala ako nito sa ibang lugar at napapalibutan ako ng paru-paro. Iba-ibang kulay at nagsimula akong maubo. Napapikit ako sa inis pagdilat ko ay nakabalik na ako sa hallway papunta sa classroom at nakatingin si Jed sa akin.
"Paru-paro? Takot ka sa paru-paro?" Tanong ni Jed sa akin kaya masama ko siyang tiningnan. Malapad itong ngumiti at umakbay sa akin. "That's weird, ikaw lang ang kilala kong takot sa paru-paro." I was caught off guard, masyado akong lutang kanina para paghandaan ang pagtatagpu ng mata namin.
"Get off, hindi ako takot sa paru-paro, allergic ako."
"Ganon na din yon, ayaw mo sa paru-paro kasi allergic ka, ibig sabihin takot ka sa paru-paro."Natawa lang ito at sabay kaming pumasok sa classroom. So Jed can peruse your weaknesses, allergies, fears. That's why he's the Knight. That's cool. Nauna ulit ako ng konti at halos magkapantay lang kami.
"It doesn't matter, and it doesn't make sense." He chuckled at let go of me.
"It does." He acts differently from his appearance. He seems playful when he smiles but without those smiles on, he seems extremely dangerous. Ngayon ko lang napansin ang mga tattoo niya sa braso.
"Akala ko babalik ka na sa Cabin?" Sa malalaki nitong braso at maugat na kamay, ano kayang pagsubok ang dinaanan niya para makuha ang titulo. Nabangit sa akin ni Red sa akin na lahat sila ay pinatunayan muna ang sarili bago makuha ang posisyon hindi kagaya ko.
"Pag-uwi ko, doon ako babalik." Sagot ko rito at nagpatuloy lang sa paglalakad. Pagkatapos kung patunayan ang sarili ko.
"Pag-uwi?" Nagtataka nitong sa akin.
"From training, up on the surface. "Natigil ito sa paglalakad pero hindi ko na siya nilingon. Pumasok ako sa first period class ko. Nakita ko si Jill na nakaupo sa pinakadulo ng upuan, katabi ng nag-iisang bakanteng upuan.
"Hi," I greeted her and she just gave me a small smile.
Lumipas ang buong araw ng hindi ko namamalayan, hanggang nakita ko si Zid. Naglalakad ito dala ang isang libro. Mabilis akong humabol sa kanya.
"Zid!" Bumabagal ang paglalakad nito ngunit hindi ito huminto o lumingon man lang. "Can we talk?" I breathlessly spoke.
"Hmm, "
"Privately," napalingon lang ito sa akin at ninyasan akong pumasok sa elevator. Nauna akong pumasok at sumunod ito good thing we chessmasters have our own elevator.
"Since your the king, you must know something we don't. "
"What exactly do you want? "
"Sino ang nag-utos ng mission?" Bumukas na ito at lumabas agad si Zid, dumiretso sa conference room kaya mabilis akong sumunod. Matapos kong isarado ang pinto ay humarap ako kay Zid.
"Where did this come from?" Walang emosyon itong nakatingin sa akin. Nagkibit balikat at at sinalubong ang tingin niya, sinigurado kong wala siyang mababasag.
"From unfairness of information. " I boldly spat, napauling ito at umupo sa upuan niya.
"Mr. Molina, nandito ka noon hindi ba? Noong sinabi niya dito mismo." Sagot nito, alam niyang hindi ito ang ibig kong sabihin.
"Sino ang tagalabas na nagbayad na idiin si Kyle imbes na si Mika?"
"Abogado ni Jhon." Simpleng sagot nito.
"Nakilala mo na ba sila? Ang mga nakatataas? Ang may-ari ng School?"
"Bakit mo kailangang malaman?" Walang buhay na tanong nito, tila ba wala lang sa kanya ang tanong.
"Bakit hindi? Estudyante ako rito, siguro dapat ko silang makilala."
"Hindi, hindi ko pa sila nakita."
"Paano ninyo natatanggap ang mga impormasyon?"
"Mr. Molina?" Bakit nga ba niya ibibigay ang sagot hindi ba? Bakit ko pa kasi tinanong, nagsasayang lamang ako ng laway.
"And you work for someone you haven't met?" I unbelievably looked at him.
"I work for Perusal Society. Desperate to know them, aren't we?" Napabuga na lamang akong ng hininga at na upo sa pinakamalapit na upuan.
"Hindi ako makatulog sa ginawa ko kay Kyle. Gusto kong malaman kung sino ang nasa likod nito. Hindi lang kinakaya ng konsensya ko ang ganito." Taimtim itong nakatingin sa akin, kinalaunan ay nag-iwas rin ng tingin.
"Masasanay ka rin." Marahas akong tumayo at tinungo ang pinto. Walang may pakialam kung kaya ko o hindi. Masyado akong nakakalimot, hindi ako si Vale na nirerespeto, ako ngayon si Veil, the Queen among chess pieces. Just a piece of their game.
Sa labasan ay naabutan ko si Jed na papasok sa conference room. Nilagpasan ko lang ito at umalis. Mabilis akong tumakbo papunta sa tinitirahan ni ate Gina. Pagpasok ko sa kwarto ay agad ko itong ni lock. Dumiretso sa loob ng bathroom at napasandala ako sa pinto.
Parang may pumupukpok sa ulo ko. Mariin akong napapikit, and I hold my breath to bare the pain. Dahan dahan akong napaupo sa sahig sa sakit.
"Ahh!" Napahawak ako sa leeg ko dahil hindi ako makahinga. Impit akong napasigaw sa sakit bago ko maramdaman ang lamig ng sahig sa muka ko.
Sa pagdilat ko, bumungad sa akin ang puting kisame. Nakahiga ako sa lapag na lagi kong hinihigaan at malalim na ang gabi. Sa isang tabi doon si ate sa maliit na kama. Mahimbing itong natutulog. Napalingon ako sa bintana ng kwarto.
It happened again.