C9

1914 Words
Maganda at malawak ang University ng Santo Birhen. Dahil nga nasa probinsya ay maraming mga malalaking puno ang nakapaligid doon. Hindi tulad sa Metro Manila na puro building na lang ang nakikita niya. Sa katunayan, parang nakaka-refresh sa isipan niya ang nakikita niya sa pagilid niya, Malawak din ang field na nasa loob ng university. Mayroon din iyon mga benches sa mga malalaking puno kung saan tumatambay ang mga estudyante habang nag-aabang ng klase. Peaceful ang buong para kay Elara. It's not that bad. usal niya sa sarili niya habang nakaupo lang sa bench. Hinihintay niya ang Angkol Lorenzo niya. Gusto nito na siya na daw ang mag-enroll sa kanya para hindi na daw siya mapagod nang husto sa pagtayo. Mukhang nag-aalala ang angkol niya mapagod siya. Mukhang walang ideya ang angkol niya na independent woman na siya sa edad niyang iyon. Maganda ang nagawang pagppalaki ng mommy niya sa kanya. Ayaw nito na lumalaki siya na umaasa dito at sa pera kaya naman sa murang edad niya ay malaki na talaga ang pera niya sa bangko. "Hi." Tumingin si Elara sa lalaki na ngayon ay nakatayo sa harapan niya. "Hello." sagot niya dito. "Friends?" Bago siya sumagot ay pinagmasdan muna ni Elara ang lalaki na gustong makipagkaibigan sa kanya. That man in front of her was freaking tall. Sa tingin nga niya ay six footer ito. Maputi at may kulutong buhok ang lalaki. Pansin din ni Elara ang cute nitong dimple kapag ngumingiti. In short, gwapo ito at malakas ang dating. Dahil muka naman mabait ay tumango siya. "Sure, why not." sagot niya dito. Wala naman masama kung makahanap na siya nang magiging kaibigan sa university, ayaw naman niyang maging outcast sa huling taon ng college life niya. Umupo ito sa harapan niya. "I'm Ken Saavedra." Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. Out of respect ay kinuha niya iyon sabay shake hands. Tumaas ang kilay ni Elara nang maramdaman niya ang marahan na pagpisil nito sa kamay niya. "Stephanie Elara Masarigan. But call me, Elara, Ken." wika niya sabay tingin sa kamay na hindi pa din nito binibitawan. "Baka gusto mo ng bitiwan ang kamay ko, Ken." He laughed. Mas lalo itong naging gwapo habang tumatawa. Pero sanay naman na si Elara na makakita ng gwapo sa University niya dati sa Metro Manila. Some of them are feeling entitled, dahil lang alam ng mga ito na gwapo ito at hinahabol ng maraming babae. "Sorry, Elara. Ang ganda mo kasi." Nagkibit-balikat lang siya. "Okay lang, Ken." "Bago ka dito? Second year?" "Nope, fourth year. Business Ad." Kumunot ang noo nito. "Really? You look young, Elara. Ang akala ko second year ka lang." "Ikaw? Anong course mo?" "Civil Engr, graduating na this year. Late ka yata nag-enroll? Tatlong months na nag-start ang semester, ah?" Imbes na magpaliwanag ay nginitian niya lang si Ken. "Special case siguro." Napansin niyang saglit na natigilan ito habang nakatingin sa kanya. "Ang ganda mo, Elara." "Elara!" Sabay silang napalingon ni Ken nang tinawag siya ng Angkol Lorenzo niya na hindi na naman maipinta ang mukha nito habang salitan ang tingin sa kanilang dalawa. Malalaki ang hakbang ang ginawa nito para lang makarating agad sa bench na kinauupuan nilang dalawa ni Ken. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang inabutan nitong eksena nilang dalawa ni Ken. Nagseselos ba ang Angkol niya? Hindi niya napigilan na mapangiti. Dapat hindi ito mag-selos dahil alam ni Elara sa sarili na ito lang naman ang gwapo sa paningin niya mula nang umapak ang paa niya sa Santo Birhen. "Anong ginagawa mo?" tanong nito, masama ang tingin kay Ken na ngayon ay napatayo mula sa pagkakaupo. Halata na nasisindak ito sa kalse ng tingin na binibigay ngayon ng Angkol niya. Habang siya ay natatawa lang. "Wala akong ginagawa, Angkol." sagot niya dito. Tumingin sa kanya si Ken. "Tito mo?" "Oo," sagot niya. "Hindi." madiin na sagot naman ng Angkol niya. Halos sabay nitong sagot sa tanong ni Ken. Natatawa siya habang si Ken naman ay nalilito na nakatingin lang sa kanilang dalawa ni Lorenzo. "Elara, umuwi na tayo." Hinawakan nito ang braso niya para itayo siya sa bench. "Ang bilis naman, tapos na ba?" "Oo, Elara. Kaya umuwi na tayo." "Pero gusto ko pang libutin ang school, Angkol." "Gusto mo ako na ang mag-tour sa'yo sa university, Elara?" si Ken, may magandang ngiti sa labi. Samantalang ang angkol naman niya ay lalong nagsalubong ang kilay. "Kailangan ng umuwi ni Elara, bata." Natawa siya sa sinabi ni Lorenzo. "Hindi na po ako bata, Angkol." "Huwag mo akong tawagin Angkol, hindi kita kamag-anak." Napakamot ng ulo si Ken, kahit nasisindak ay pilit nitong nilalabanan ng tingin si Lorenzo. Halatang hindi marunong sumuko si Ken, magkakasundo silang dalawa. "Sige na, Ken. See you next time na lang." nakangiting sabi niya kay Ken. "Elara, wait. Pwede ko bang makuha number mo? O f*******:? Para madali kitang ma-reach out." Tumango siya. Kinuha niya ang cellphone ni Ken na inabot nito sa kanya para ibigay ang number niya at social media account niya. Nang magpaalam na siya dito ay napansin niya na wala na sa tabi niya ang angkol niya. Nag-walk out na. Tanging malapad na likod na lang niya ang nakikita niya. Agad naman niyang hinabol ang angkol niyang pikon at seloso. "Angkol, wait for me. Ang bilis mo maglakad." Hinawakan niya ang braso nito para pigilan sa paglalakad. Tumigil naman ito sabay tingin nang masama sa kanya. "Mukhang nag-enjoy ka sa pakikipag-usap sa lalaki na iyon. Binigay mo pa number mo sa kanya." Hindi mapigila ni Elara na matawa. Tama nga siya, selosa pala ang angkol niya pagdating sa kanya. "Jeling yarn?" Lalong nagsalubong ang kilay nito sinabi niya. "Hindi." mariing sagot ni Angkol Lorenzo. "Weh? Halata ka, angkol." nakangising wika niya. "Ika-two days pa lang natin, ha? Nagseselos ka na agad. Don't worry, ikaw lang ang gwapo sa paningin ko." Kumapit siya sa braso nito sabay hilig. "Huwag ka na mag-jeling." Dahil badtrip pa din sa kanya ay tinanggal nito ang pagkakahawak niya sa braso. "Pwede ba, Elara. Ang dami nakakakita sa atin dito." "Ano naman? Hindi pa nga tayo, takot kana agad, Angkol. Tatagan mo naman loob mo." "Elara." Natawa ulit siya. Mukhang stress na naman ang gwapong angkol niya. "Bye, Elara!" wika ni Ken sabay kaway sa kanya. Akmang kakawayan din niya ito nang bigla siyang hinawakan ni Lorenzo sa kamay sabay hila papalayo sa bench, palayo kay Ken na halatang pinagseselosan nito. Hinayaan na lang ni Elara na magpahila sa angkol niya. Sa katunayan nga ay kinikilig pa siya sa inaakto nito. "Sakay." utos sa kanya ni Lorenzo. Madilim pa din ang mukha habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan nito para sa kanya. Kung ito ay madilim ang mukha at halatang gustong manakal ng tao, siya naman ay nanatiling malawak ang pagkakangiti. Gusto niya talaga na nakikitang nagseselos ang angkol niya. Ibig sabihin ay epektibo ang ginagawa niyang panlalandi dito. Nang makasakay siya sa passenger seat ay agad itong umikot para sumakay sa driver seat. Si Lorenzo na din ang nagsuot ulit ng seat belt niya. Mayamaya ay mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan paalabas ng university niya. Pinili muna ni Elara na tumahimik muna, hinayaan muna niya ito na magmaneho. Halos sampung minuto ng umaandar ang sasakyan nang balingan niya ito. "Angkol.." Tawag niya dito ngunit hindi pa din nagsasalita ang angkol niya. Kung ano ang ekspresyon ng mukha nito kanina ay hindi pa din nagbabago. "Uy, galit ka?" untag niya dito. Sinundot niya ang matigas na braso nito. "Angkol.." muli niyang untag dito. "Bakit ka ba nagagalit?" "Hindi nga ako galit." "Eh, ano lang?" "Wala." "Anong wala? Pwede ba iyon? Hindi nga maipinta mukha mo, eh." Saglit siyang natahimik saka muling binalingan ang angkol niya. "Dahil ba kay Ken, Angkol? Mukha naman siyang mabait at harmless." Lalong umaasim ang mukha ng Angkol Lorenzo niya. "Huwag ka masyadong magtiwala sa ibang tao, Elara. Hindi mo pa masyadong kilala ang lalaking iyon, binigay mo na agad na number mo sa kanya pati social media mo. Paano kung pagsamantalahan ka no'n? Kahit naman probinsya ito, may mga krimen pa din na pwedeng mangyari. Pino-protektahan lang kita, binilin ka sakin ng Daddy mo, Elara. Ayokong may mangyaring masama habang personal assistan mo ako. Hindi pwedeng masira ang tiwala sa akin ni Mayor." Sa narinig ay napa-ingos siya. Buong akala pa naman niya ay nag-seselos ang angkol niyang ito dahil nakipag-usap siya sa ibang lalaki. Iyon pala ay nag-aalala lang ito sa sasabihin ng daddy niya. Tumahik na lang siya. Isa pa ay nawala na din siya sa mood para makipag-usap dito. Bahala na ito kung saan man siya nito dalhin. Minabuti na lang ni Elara na ilabas ang cellphone nang tumunog iyon. Galing kay Ken ang message na nakikipag-kita sa kanya sa unang raw ng klase niya. Nang i-check niya ang social media niya ay nakita niya na nag-friend request na din ito sa kanya. At dahil mabait naman ito, she confirmed his friend request. "Sino iyan ang text sa'yo?" Hindi siya sumagot. Wala pa din siya sa mood makipag-usap dito. Siguro kung i-cuddle siya ng angkol niya ay baka malaki ang posibilidad na mawala ang inis niya. Nagulat si Elara nang biglang ihinto ng Angkol Lorenzo niya ang sasakyan sa tabi. Noon lang niya napansin na halos walang kotse o tricycle na dumadaan kung nasaan lupalop man silang dalawang ngayon. Nang balingan niya si Lorenzo ay matiim ang tingin nito sa kanya. Kita din niya ang kakaibang kislap ng mga mata nito. Awtomatikong napasinghap siya nang hawakan nito ang balingkinitan beywang niya. Ilang beses na napalunok si Elara nang salubungin niya ang tingin ng angkol niya. Kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito sa kanya lalo na kapag sinusulyapan nito ang mapupulang labi niya. "Answer me, Elara." Mariin nitong pinisil ang beywang niya. "I'm warning you," "S-Si Ken ang nag text—" Hindi pa niya natatapos ang salita niya nang bigla nitong tanggaling ang seatbelt niya. Napatili si Elara nang bigla siya nitong buhatin habang hawak pa din ang maliit na beywang niya papunta sa kandungan nito. Pakiramdam nga niya ay para lang siyang isang magaan na bagay na binuhat. "A-angkol.." usal niya dito nang nasa kandungan siya. Inayos pa nito ang pagkakaupo niya sa kandungan, marahang ibinuka ang kanyang mga hita at ipinasok sa pagitan ng sariling mga hita nito. Nang muli niyang tignan ang mukha ni Lorenzo ay natigilan siya ulit. Hindi niya magawang magsalita habang nakatitig lang siya dito. "Hindi mo alam kung anong ginagawa mo sakin, Elara." Hinawakan ng Angkol Lorenzo niya ang beywang niya. Ramdam niya ang bawat pagpisil niyon. Napaka-sensual na para bang nababaliw na agad siya sa simpleng hawak lang nito at sa pagkakadikit ng katawan nila. Kumabog ng husto ang dibdib ni Elara. Ilang beses din siyang napalunok habang nakatingin lang kay Angkol Lorenzo. Hindi ba't iyon naman ang gusto niyang mangyari sa pagitan nilang dalawa? Ang mas maging close sila physically? Nilandi niya ito kaya dapat panindigan niya. Nang hawakan niya ang magkabilang mukha nito ay narinig niya ang mahabang ungol ni Lorenzo. Halata na pigil na pigil na talaga nito ang sarili. "Angkol.." "Binabaliw mo ako, Elara." Mas lalo nitong hinapit ang katawan niya papalapit dito. "Pwede naman." He growled. Tumalim ang mga mata nito, mas lalong lumitaw ang pagnanasa sa mata niya. "Bakit mo ginagawa sa akin ito, Elara?" Bago pa siya sumagot ay inilapit na niya ang mukha. "I want you, Angkol." Then she kissed him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD