C8

1380 Words
Dahil ayaw naman niyang pag-antayin nang matagal ang kanyang angkol ay mabilis na ang ginawang pagligo at pag-aayos niya. "Good morning, Anak." bati sa kanya ng Daddy niya na ngayon ay nasa sala kasama ang Angkol Lorenzo niya na nakakunot noo na naman at walang kangiti-ngiti. Nandoon din ang step-mother niya niya at si Criselda. Napataas ang kilay nito nang makita ang suot niya. She's wearing a mini-skirt and crop top. Kitang-kita ang maputi at makinis niyang kutis sa legs. "Morning, Dad." wika niya sabay halik sa pisngi nito. Hindi niya pinansin ang mag-ina na nakataas lang ang kilay habang hinahagod siya ng tingin. "Akala ko ba alas-otso ng umaga ang alis niyo ng Angkol mo?" "Sinabi ko ba iyon?" aniya habang inaayos ang mabaha at straight niyang buhok. "Wala akong maalala, Dad." "Anak, 7:30AM pa lang nandito na sa bahay si Lorenzo." Binalingan ni Elara si Lorenzo na matiim ang tingin sa kanya. Wala naman siyang nakikita na pagkainis sa mukha nito, iyon nga lang seryoso na naman at walang ngiti pa din. Nilapitan niya ang angkol niya sabay yakap ulit sa braso. Pa-simple niyang inamoy ito. Tulad pa din dati—mabango pa din. "Galit ka ba sakin, Angkol?" malambing niyang tanong kay Lorenzo na may kasamang isang magandang ngiti. Napansin niyang salit itong napatulala sa mukha niya na para bang nabibighani sa angkin niyang ganda. Well, maganda naman talaga siya. Walang duda sa bagay na iyon. Ewan lang niya sa dalawang mag-ina na kung makatingin sa kanya ng mga sandaling iyon ay parang ang pangit niyang nilalang. Imbes na si Lorenzo ang sumagot ay si Criselda ang umentra. "Nakakahiya ka naman, Elara. Ang tagal mong pinag-antay si Lorenzo, alas-diyes na kaya!" Kumunot ang noo niya. Hindi niya nagustuhan na first name basis ang tawag nito sa angkol niya. At dahil ayaw niyang ipahalita na affected siya ay binigyan niya lang ito nang isang mapang-asar na ngiti pero kung siya ang tatanungin malamang ay hinampas na niya si Criselda ng throw pillow. Iyon ang gagamitin niya para burahin ang makapal na make up at lip stick nito. "Have some respect in your blood, Criselda. Mas matanda sa'yo si Angkol Lorenzo." malumanay na sabi niya dito. Tinaasan lang siya ng kilay nito. Halata ang disgusto sa mukha ni Criselda sa binanggit niya. "Respect? Assistant lang siya ni Daddy, no. Itatawag ko sa kanya kung ano ang gusto kong itawag." Akmang magsasalita siya ay naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Angkol Lorenzo niya sa braso niya. Nang balingan niya ito ay umiling lang ito sa kanya kaya pinigilan na lang niya ang sarili niya na mag-salita. Isa pa, ayaw din niyang ma-stress ang Daddy niya. Second day pa lang niya sa poder nito, hindi rin naman niya gusto makalbo si Criselda. Siguro next week na lang niya sasabunutan ang step-sister niya, sa ngayon ay hindi muna. "Walang problema sa akin kung late nagising si Elara." Awtomatikong napangiti siya sa narinig sa Angkol Lorenzo niya. Bakit parang ang sarap sa pandinig niya na kinakampihan siya nito laban sa mga pangit na nilalang sa mundo? Hindi niya mapigilan ang sarili. Kinurot niya sa tagiliran si Angkol Lorenzo niya. "Elara." mariing wika nito. Mahina siyang natawa. Bukod sa matigas na braso nito, mas matigas pala ang tiyan ni Angkol. Mukhang banat talaga ang katawan sa work-out. Sarap siguro haplusin ang abs nito. Di bale, darating din sila sa bagay na iyon. Sa ngayon, dapat makuntento muna siya sa kurot-kurot lang. Baka bukas nga, talagang mahahawakan na niya ang tiyan nito. She felt excited, kahit siya ay hindi niya ma-explain kung bakit parang ang weird na ng trip niya sa buhay. Si Lorenzo lang talaga ang nagpaparamdam sa kanya nang kakaibang excitement ngayon. "Bakit pala kasama mo si Lorenzo, Elara? Hindi mo ba kayang mag-enroll mag-isa?" tanong ng madrasta niyang pangit. "Trip ko lang, Tita." Akmang magsasalita si Tita Amy nang biglang tumayo ang Daddy niya. "Ang mabuti pa ihatid mo na ang anak ko, Lorenzo." pigil ng Daddy niya sa mamumuong sagutan na nila ng asawa nito. "Ako na ang bahala sa anak mo, Mayor." sagot ni Lorenzo dito. Tumango ang Daddy niya sabay baling sa kanya. "Balitaan mo ako, Elara. And go home early, Anak." muli siya nitong hinalikan. "See you, Daddy." Tinaasan lang niya ng kilay si Criselda bago umalis sa sala habang kasunod si Lorenzo. Ramdam pa din ni Elara ang inis sa malditang mag-ina. "Elara." tawag sa kanya ni Lorenzo na ngayon ay nasa gilid na niya. "You're late." Natawa siya. "Sorry na, Angkol. Na-late kasi ako ng tulog. Saka ang bilis ko kaya naligo at nagbihis, gusto ko sana magpa-ganda sa'yo kaya lang baka iwanan mo ako." "Anong oras ka ba natulog?" naiiling na tanong ni Lorenzo sa kanya. "Four in the morning." "Hindi maganda ang nagpupuyat, Elara. Pwede ka magkasakit." Kumislap ang mga mata niya. "Hindi ako makatulog, Angkol. Lagi kitang naiisip." "Elara." banta nito sa kanya. Natawa ulit siya. Hinila na niya ang kamay nito papunta sa sarili nitong sasakyan. "Alis na tayo, Angkol. Gusto ko makita ang university na papasukan ko." kunwa'y wika niya dito. Pero may kapilyahan na pilit na pumapasok sa isipan ni Elara. Naiiling na na binuksan ng Angkol niya ang pintuan para sa kanya. Nang makaupo na ito sa driver's seat ay mabilis ang mga kilos na umupo siya sa lap ni Lorenzo sabay yakap sa leeg nito. "Elara!" She giggled. "Di ba sabi ko sa'yo cuddle tayo, Angkol?" Punong-puno ng kapilyahan ang kislap ng mga mata niya ng sandaling iyon. Muli niyang tinitigan nang diresto ang mga mata ni Lorenzo. Kita niya doon ang pangamba at pagkalito pero siya? Rinig na rinig niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung dahil sa excitement o sa ibang dahilan. Basta ang alam lang niya ay nakikita niya first time lang niya makaramdam nang ibang klaseng excitement sa buhay niya. Kay Angkol Lorenzo lang. Mula sa pagkakayakap niya sa leeg nito ay gumapang ang kanang kamay niya sa mukha ng angkol niya. Ginawa niya ang gusto niyang gawin dito kahapon pa—ang hawakan ang mukha nito na may bigote. Marahan niyang pinaraan ng daliri niya ang gwapong mukha ni Lorenzo habang pinagmamasdan niya ito. "Elara.." mahinang tawag nito sa kanya. Napansin niya na gumalaw ang adam's apple nito ng ilang beses. Halata naman na nagpipigil lang ito sa ginagawa niya dahil hindi ito gumagalaw sa kinauupuan. Para itong na-estatwa. Mukhang malaki ang epekto niya kay Lorenzo. Napangiti siya. Amininado naman kung ano ang ginagawa niya dito, inaakit niya ang angkol niya. Hinalikan niya sa pisngi ang angkol niya. Mariin at puno ng init ang binigay niyang halik sa pisni nito. She could feel the heat of his body pressed against hers. "Thank you, Angkol." sabi niya sabay alis sa kandungan nito. Inayos muna niya ang pagkakaupo bago niya muling binalingan si Lorenzo. Kita niya ang mga matiim na tingin nito sa kanya na para bang gusto na siyang sunggabin. Ngumiti siya dito. "Pakabit ng seat belt ko, Angkol." Kita niya na gumalaw ang mga panga nito habang nakatingin lang sa kanya. Mayamaya ay sinunod naman nito ang utos niya, tulad nang una niyang pagsakay sa kotse nito ay ito ang nagkabit ng seat belt niya. "Malayo ba ang university sa bahay?" tanong niya sa Angkol Lorenzo niya habang umaandar na ang sasakyan. Tumikhim ito bago sumagot. "Thirty minutes din ang byahe, Elara." Tumango siya. Balak niyang bumili ng motor para hindi na siya kailangan pang alalahanin ng Daddy niya. Tutal, may lisensya naman na siya pagtuntong niya ng eighteen. "Itutuloy mo ba ang course mo?" "Oo, sayang, eh. Graduating na sana ako kung hindi ako na-kick out." "Ang bata mo yata naging fourth-year?" "Accelerated ako, Angkol." nakangiting binalingan niya ito. "Nasa akin na kaya ang lahat. Beauty and brain." Hinawakan niya ang braso ni Angkol Lorenzo sabay kurot. "At talented din ako sa ibang bagay, Angkol. Gusto mo pakita ko sa'yo?" "Elara!" Kita niya na napahigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Angkol sa manibela. Halata talaga na malaki ang epekto nito sa karisma niya, nagpipigil lang talaga ito. At siya? Natatawa lang habang nakatitig sa mukha ng Angkol Lorenzo niya. Kahit siya gusto niyang tanungin sa sarili kung hanggang saan sila aabot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD