CHAPTER 73

1973 Words

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Axel. “Mabuti naman at pumayag ka na sa alok ko sayo,” wika niya. Ngumiti naman ng maliit si Dominic. Nasa living room sila ngayon ng mansyon. Nakaupo sa may single sofa si Axel habang sa mahabang sofa naman nakaupo si Dominic na kanina pa nakabalik. Kanina ay nalibot na nang tingin ni Dominic ang kabuuan ng mansyon at tunay na napakalaki at napakaganda ng tirahan ni Axel. Mas kapansin-pansin para kay Dominic ang mga ilaw na chandelier at ang hagdanan sa gitna na gawa sa marmol at tila kasing-lapad ng isang entablado. Hindi maikakailang ubod ng yaman at laki si Axel sa marangyang pamumuhay. Kumpleto sa kagamitan na pawang mamahalin ang mga presyo. Maraming tagasilbi na kanya-kanya ang trabaho dito sa loob ng mansyon. Hindi akalain ni Dominic na gan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD