"Tama na 'yan, Bestie. Baka marinig ka ni Skeet." Pinilit kung pigilan ang hikbing kumakawala sa'kin. Nandito kami ngayon sa apartel. Hinatid kami ni Bestie pagkatapos ko silang puntahan ni Skeet sa eskwelahan. "Masakit pa rin pala, Bestie. Ang akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya. Ang akala ko nakalimutan na siya ng puso ko pero hindi pa pala, isang halik lang niya bumigay ako. Bumigay ako Bestie!" "Shh. Tahan na Bestie. Kailangan mo lang aminin sa sarili mo na mahal mo pa rin pala siya. Diba nagsorry naman siya sa'yo at gusto niyang bumalik ka sa kanya?" Umiling-iling ako kay Bestie. Hindi. Hindi ko siya hahayaang tibagin ang pader na ipinalibot ko sa puso ko. Pagkatapos niya itong wasakin at gawing pira-piraso ay ganoon lang ang sasabihin niya? He wants me back! "Hindi, Be

