Napaawang ang kanyang bibig at parang hindi makapaniwala. Kumurap-kurap pa ito ng ilang beses na parang naniniguradong hindi siya nanaginip. Pero mas nabigla ako nang sabihin nito ang pangalan ng anak ko. "S-Skeet Alvan?" "How did you know we live here, big man?" Kilala nila ang isa't isa? "Mommy? He called you mommy?" Naguguluhang tanong nito na hindi tinatanggal ang tingin kay Skeet. "Jesus! H-he's my...He's my son!" Hindi patanong at may pinalidad niyang sabi na animo'y siguradong sigurado siya. "Are you alright, big man?" Pagkuwa'y tanong ni Skeet. Natauhan ito at biglang lumuhod at pinantay ang kanilang mukha. "I knew it! You really have something, kiddo." "What are you talking about big man?" nakakunot noong tanong ni Skeet. Pakiramdam ko biglang tumigil ang pagdaloy ng dugo

