"Anong ginagawa mo dito'ng mamatay tao ka?!" Napapiksi ako sa paglakas ng kanyang boses. Para niya akong pinapatay sa pinupukol niyang tingin. "Anong pinagsasabi mong babae ka?" buong tapang kong tugon at sinalubong ang kanyang tingin. "Anong pinagsasabi ko? Ikaw! Ikaw pumatay sa anak ko!" "Wala akong pinatay. At hindi ko kasalanan kung bakit namatay ang anak mo. Baka nakakalimutan mo kung ano talaga ang nangyari noon, Andrea..." mahinahon ngunit madiing sabi ko. Lalong dumilim ang kanyang mukha at sasampalin na sana ako ngunit napigilan ko ang braso niya. "Kasalanan mo kung bakit namatay ang sarili mong anak." Mabilis ko siyang tinulak pagkatapos kong sabihin 'yon. Lalo itong nagalit at susugudin na sana ako nang dumagundong ang baritonong boses mula sa hagdan. "STOP!" Nagsilabas

