MAAGA pa lang ay nagluluto na ako ng daing na bangus. Piniprito ko siyempre. Hindi nman pwedeng gawing nilaga o adobo `yon, `di ba? Ewan ko ba. Kahit hindi ko maalala na asawa ako ni Logan ay pinapanindigan ko na lang ang pagiging Logan’s wife. Kusa na lang kumikilos ang kataan ko bilang asawa ni Logan. Katulad na lang ngayon. Nagising ako ng maaga para magluto ng almusal. Gusto ko kasi na bago magising si Logan ay kakain na lang siya. “Ang bango naman! Anong niluluto mo?” Muntik ko nang mabitawan ang siyansi nang may biglang magsalita. Napasimangot ako nang pagtingin ko sa may hagdan ay naroon si Kikay. Nakatanghod siya doon na akala mo ay pusang naghihintay na mahagisan ng tinik. “Daing na bangus. Bakit?” Walang gana kong sagot at binalikan ko ang pagluluto. Narinig ko ang pag-ingit

