IS THIS for real? Hindi lang kapangalan ng asawa ko ang may-ari ng Japanese restaurant na ito kundi ka-apelyido rin! Napatulala na lang tuloy ako hanggang sa umalis iyong waiter. Siyang dating naman ni Logan. “Pasensiya ka na, asawa ko. Medyo masama ang tiyan ko, e. Bilisan na lang natin ang pagkain para makauwi na tayo.” Pawis na pawis siya at nakangiwi ang mukha. “Are you okay?” sincere ang pag-aalala na naramdaman ko sa kaniya. “M-medyo hindi kaya bilisan na natin ang pagkain.” “Okay. If you want, ipa-take out na lang ntin itong foods at sa bahay na lang natin kainin.” “Mabuti pa nga. Ah… Babalik lang ulit ako sa CR tapos ipa-take out mo na.” Isang mabilis na halik sa noo ang iginawad niya sa akin. Binigyan niya ako ng perang pambayad at nagmamadali siyang bumalik sa CR. Itinaas k

