MISS MIRASOL? Nang tawagin ako ng babaeng iyon sa ganoong pangalan ay parang may nag-flash sa utak ko. Nakasuot daw ako ng magandang damit. Sinisigawan ko ang isang babae at binabatukan pero tumatawa lang siya. Biglang sumakit ang ulo ko kaya naman napahawak ako doon at napapikit. Bahagyang nanlalabo ang paningin ko pagmulat ko pero bumalik din naman agad iyon sa normal. “Who the hell are you? B-bakit mo ako tinawag na Miss Mirasol?” Nagtataka kong tanong. “OMG! Hindi niyo ba talaga ako natatandaan? Ako ito, si Shelley! Ang personal assistant niyo, Miss Mirasol!” Bigla niyang ginagap ang dalawa kong kamay at may lumaglag na luha sa mga mata niya. “Ang akala ko po ay iniwan niyo na ako. Bigla na lang po kasi kayong nawala ng araw ng wedding ng kakambal niyo.” Mas lalo akong naguluhan sa

