18 - Ending

1572 Words
ILANG beses nang nakapunta sa Palawan si Bianca. Pero alam niyang hindi ang familiarity niya sa lugar ang dahilan kung bakit matamlay ang pakiramdam niya. Dahil iyon kay Rusty. Ngayong hindi niya nakikita ito, lalo siyang nakasiguro na hindi lang niya ito niligawan dahil gusto niyang mapansin siya nito. Nagdudumilat sa kanya ang katotohanan na mahal niya ang binata. “Ate Bianca, join us!” sigaw ng sampung taong gulang niyang pinsan. Nasa dalampasigan ito at gumagawa ng kastilyong buhangin. “Later,” sagot niya at pinilit ngumiti. Kahit naka-swimming attire siya na pinatungan lang ng sarong, wala siyang balak na lumusong sa dagat. Ayaw lang niyang ma-out of place sa mga picture taking kaya nagbihis siya ng ganoon. Mas gusto pa niyang magkulong na lang sa cottage nilang mag-ina o kaya ay tumambay sa mga restaurants sa resort. Tatlong araw na sila sa Palawan. Tatlong araw na rin siyang inip na inip. “Hey, lady, where are you going?” Kulang na lang ay irapan ni Bianca si Phil na humarang sa daraanan niya. “I’m going back to the cottage. I have a headache,” pagdadahilan niya. “I have a medicine that would easily drive that headache away,” anito. “No, thanks. I just need to rest.” Nilampasan na niya ang lalaki. Nang makalayo ay saka lang niya nilingon ito. Papunta na ito sa dagat para lumangoy. Binilisan naman niya ang mga hakbang at pumasok sa isang restaurant. “One piña colada, please,” aniya sa waiter na lumapit sa kanya. Ibinaling niya ang tingin sa malaking TV na naka-tune in sa HBO channel. Napanood na niya ang palabas kaya lalo siyang nakaramdam ng boredom. Nagkataong parang matatagalan pa bago maisilbi sa kanya ang order niya. “Mabuti pang mauna na akong bumalik sa Maynila,” pabulong na sabi ni Bianca. “Soon?” Bigla siyang nag-angat ng tingin. Umawang ang mga labi niya sa labis na pagkagulat nang makilala ang nagsalita. “Rusty?” Maluwang ang ngiting gumuhit sa mga labi nito. “In flesh.” “W-why are you here?” “Sinusundan kita.” “Paano mo nalamang nandito ako?” “Simple. Nagpunta ako sa inyo. Gusto ko sanang mag-usap tayo. At saka dinala ko na rin iyong pinaglagyan ng manok at lasagna, isasauli ko sana. Pero wala ka kaya si Manang ang nakausap ko. And believe me, ni hindi ako nagtanong sa kanya kung nasaan ka. Sinabi niya sa aking nandito kayo sa Palawan. Specifically El Nido. At hindi naman mahirap maghanap.” “K-kailan ka dumating?” “Kaninang umaga. Kaunti lang ang tao sa beach kaya naisip kong sa mga restaurants maglibot. Hindi nga ako nagkamali. You’re here.” “Excuse me. Here’s your order, Ma’am,” anang waiter. Ibinaba nito sa mesa ang piña colada. “I’ll order later,” maagap na sabi ni Rusty nang tumingin ang waiter dito. “I guess it’s okay to bring your drink outside,” sabi nito sa kanya. Agad niyang naintindihan ang ibig nitong sabihin. Walang tao sa labas. Mas makakapag-usap sila nang maayos doon. Nag-iwan na lang siya ng pera at dinala na ang inumin. Sumenyas siya sa staff ng restaurant na doon sila pupuwesto sa umbrella shade sa harap ng restaurant. “Bakit sumunod ka rito?” tanong ni Bianca nang makaupo na sila. Ayaw niyang gumawa agad ng konklusyon dahil ayaw niyang mabigo kung hindi ang inaasahan niya ang mangyayari. “For a busy man like you—” “I set aside everything,” mabilis na putol nito sa sasabihin niya. “I wanted to see you. I want us to talk.” “About what?” Tinitigan siya ni Rusty. “Bianca, liberal akong tao. Pero mayroon pa rin namang konserbatibong himaymay na natitira sa akin. Hindi ko malubos-maisip na magkakaroon ako ng manliligaw. Especially if it’s someone like you. You’re so beautiful. Any man would easily fall for you.” “Except you.” Bahagyang ngumiti ito. “You’re wrong. I’m included. Remember when we went to Tagaytay? That was when I decided to bring our friendship to another level. In fact, I was thinking of going to your house and bring you some flowers. And chocolates. Pero—” “Naunahan kita?” agaw niya. “Sabi ko nga sa iyo, sa reunion pa lang, attracted na ako sa iyo. At wala akong balak na maghintay nang habang-panahon para ligawan ako ng isang lalaki na gusto ko naman.” “Pero ayoko rin na ako ang liligawan,” sabi nito. “So, what now?” tanong niya. “Baligtarin natin. Ako ang manliligaw this time.” Pinigil ni Bianca ang panlalaki ng mga mata. Pinigil din niya ang isang nagdiriwang na ngiti. Pero masyado siyang masaya sa narinig kaya natawa rin siya. “That’s silly, Rustico. Sinabi ko na sa iyo ang nararamdaman ko. Useless na ligawan mo pa ako.” “Of course not. You still don’t know what I feel inside, Bianca.” Inabot nito ang kanyang kamay at pinisil. “The truth is, I’m falling for you faster than I thought I would. Let’s start this relationship right, sweetheart. Hayaan mong panindigan ko ang pagiging lalaki ko. Let me do the wooing.” Napakatamis ng ngiting sumilay sa mga labi ni Bianca. “Sure. Kailan mo gustong sagutin kita?” “Ngayon na rin, please?” Isang malamyos na halakhak ang umalpas sa mga labi niya. “Napakaloko mo, Rusty.” “I’m just being realistic, sweetheart. Alam natin ang damdamin natin para sa isa’t isa kaya bakit pa tayo magkukunwari? But I promise you, liligawan pa rin kita. Isa sa natutuhan ko sa stepfather ko ang panliligaw. Para daw mas masarap ang isang relasyon, kailangang hindi titigil sa panliligaw ang isang lalaki. Kahit pa mag-asawa na sila.” Napangiti na siya. Sinimsim niya ang piña colada habang nakatingin sa karagatan. Wala roon ang mama at tita niya. Namataan niya ang mga ito na papunta sa kanilang cottage. “Let’s go. Ipapakilala kita sa mama at tita ko.” Magkahawak-kamay na naglakad sila. Pero nakakailang hakbang pa lang sila nang huminto si Rusty at pinigilan din siya. Puno ng emosyon ang mukha nito nang tingnan niya. “I love you, Bianca.” “I love you, too, Rustico.” Tumawa ito. “I love it when you call me ‘Rustico.’ Ikaw lang ang kaisa-isang taong tumatawag sa akin nang ganyan.” “Cute naman, eh,” sabi niya. “We haven’t sealed our love with a kiss yet,” sabi nito. “Ay, oo nga,” parang batang sabi niya at siya na ang nagkusang humalik sa binata. Naging maagap naman ito at hinapit siya, saka bahagyang nilaliman ang halik. Parehong nagniningning ang kanilang mga mata nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Nang malapit na sila sa cottage ay napansin niyang seryoso ang mukha ng kanyang ina habang nakatingin sa kanila ni Rusty. Nasa tabi nito si Tita Marissa. “Madaling hulaan kung sino sa kanila ang mama mo, sweetheart. Para lang kayong magkapatid,” bulong ni Rusty sa kanya. “Hala ka, kakaliskisan ka niya,” biro niya. “I’m ready.” Nginitian ni Bianca ang ina at tiyahin. “`Ma, Tita Marissa, this is Rusty. Doctor Rusty Washington,” pakilala niya nang ganap silang makalapit sa mga ito. Hindi itinago ng Tita Marissa niya ang mapanuring paghagod ng tingin kay Rusty. Nang tumingin ito sa kanya, isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “I guess, siya ang dahilan kung bakit hindi mo pinapansin si Phil.” “So, you must be the male gynecologist,” mataray na sabi ng mama niya na hinagod din ng tingin si Rusty. “Yes, Ma’am,” mabilis na sagot ni Rusty. Parang bulang naglaho ang mataray na ekspresyon ng mama niya. Napalitan iyon ng matamis na ngiti. “I’m glad to meet you, hijo. Matagal ka nang ikinukuwento sa akin ng anak ko.” “Kailan ang kasalan?” tanong ni Tita Marissa na muntik na niyang ikasamid. “Tita, that’s... that’s...” Sa kauna-unahang pagkakataon ay walang maapuhap na sasabihin si Bianca. Nagpapasaklolong lumingon siya kay Rusty. “We want to enjoy ourselves first, Ma’am,” magalang na sagot nito. “Pero sa kasalan din po matutuloy ang lahat.” “Well,” parang nasisiyahang sabi ng mama niya. “Sana’y huwag ninyong tagalan ang pagpaplano. Gusto ko nang magkaapo.” “`Ma!” Nagtawanan ito at si Tita Marissa, pagkatapos ay bumaba na ng cottage. “Kailangan naming balikan ang mga bata. Mahirap nang wala silang kasamang matatanda sa dagat,” sabi ni Tita Marissa, sabay kindat sa kanya bago tuluyang tumalikod. “Rusty, join us at dinner later,” bilin ng mama niya bago sumunod kay Tita Marissa. “Ano na nga ang sinabi mo kanina, Rustico?” tanong ni Bianca nang sila na lang ang naroon. “Alin doon?” “The kasalan thing.” “Ah,” kaswal na sabi nito, saka siya hinapit sa baywang. “Bakit, ayaw mo ba? We’re not getting any younger, baby. Totoo ang sinabi ko. Ayoko namang patagalin pa ang lahat. We’ll get married soon.” “Nag-propose ka na ba?” nakangising tanong niya. “Later. I want to kiss you first.” Ipinikit ni Bianca ang mga mata nang tawirin ni Rusty ang pagitan ng kanilang mga labi at ninamnam ang isa pang matamis na halik. Wakas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD