BISITA

1542 Words
VIRGO's P O V " Saan naman tayo tutuloy roon? Himala yata at naisipan mong mag bakasyon ngayon? Samantalang noon ay ayaw na ayaw mong mag- absent sa mga trabaho mo!? " bulalas na gulat ni Mama nang banggitin kong mamasyal nga kami sa probinsya ng mga magulang niya. " Mahigpit po kasi noon ang Manager namin e ngayon po bumait na kaya binibigyan po ng one week vacation ang bawat isa sa amin. " palusot ko na lamang sa aking Ina " Tatawagan ko muna ang Tita Myrna mo para alam nilang darating tayo. " wika pa niya " Sige po! " magalang ko namang tugon tsaka ipinag patuloy na namin ang aming pagkain ng hapunan. Pagkatapos ko nga kasing makapag- isip ng mabuti kanina sa k'warto ko ay lakas loob ko na ngang inaya siya. Para nga lamang makalayo kay Brent pansamantala. Kaya siguro lumalakas ang kabog ng aking dibdib dahil nasa panganib na pala ang grupo namin at mismong buhay namin. " Ako na po ang maghuhugas ng mga 'yan at paki tawagan na lang po si Tita Myrna. " wika ko pa nang makatapos kaming kumain. Kahit masakit pa ang balikat ko ay kailangan kong kumilos ng normal sa harapan niya dahil katakot- takot na sermon na naman ang aabutin ko tsaka suguradong hindi na siya papayag na hindi mahilot itong parte ng katawan kong iniinda ko nga ng sakit. " Ano ho ang sabi ni Tita Myrna? " usisa ko agad nang i- end niya ang cellphone ibig sabihin ay tapos na silang mag- usap ng bunsong kapatid " Wala pala sila sa bahay, nasa bakasyon din sa side ng Tito Ador mo. " tugon ni Mama kaya nakaramdam naman ako ng lungkot kahit papaano, " Sa ibang lugar na lang tayo mamasyal, anak kung gusto mo? " dugtong pa niyang wika " H'wag na lang po kapag hindi roon sa probinsya n'yo, Ma. Bigla ko rin kasing na- miss ang mga pinsan ko roon e! " wika ko naman, " Tsaka balak ko nga po na isang linggo ang maging bakasyon natin para ma sulit naman sa tagal na hindi tayo nauuwi roon. " dagdag ko pang saad " Oo nga! Miss ko na rin naman ang mga kapatid ko, paano ang gagawin natin? Na sabay na wala sila sa bahay? " bakas din sa may wrinkles na mukha ng aking Ina ang kalungkutan pero masasalamin pa rin ang kanyang kagandahan na minana ko. Mula kasi nang mag hiwalay sila ni Papa ay hindi na ulit kami nauwi roon sa kanyang bayang sinilangan. Dahil nagka sakit nga siya ay kailangan ko namang dumoble kayod para sa aming gastusin dito sa bahay at pambili niya nga ng gamot. " Sa ibang araw na lang po. " saad ko naman at pilit na ngumiti para hindi na rin siya malungkot " Iyon nga rin ang suhestyon ng Tita Myrna mo, ang sagot ko naman ay baka hindi ka na pwede sa araw na 'yon? " pahayag naman ni Mama " Tanungin ko muna po ulit ang Manager namin kung pwedeng re- schedule ang leave ko. " naka ngiting tugon ko naman para hindi na siya mag- alala pa Hindi ko nga lang masabi sa kanyang ako lang naman ang may gawa niyong pinayagan akong mag- bakasyon sa trabaho. On leave naman talaga ako sa bar dahil nga sa sugat ko sa balikat. At may kailangan lang akong iwasan na tao kaya balak kong umalis muna rito sa aming bahay. " Ganoon naman pala, sana nga ay payagan ka pa sa ibang araw. Madalang ka namang mag- absent sa trabaho mo. " turan pa ni Mama Gulat naman kaming nagka tinginan ng may marinig kaming nag- doorbell sa labas ng aming gate. " Sino 'yon?! May inaasahan ka bang darating na bisita? " kunot ang noong usisa niya " W- Wala po! " mabilis ko namang tugon, " Sino naman po ang pupunta rito ng gabi na!? " natatawang sambit ko pa, pero dinaan ko lamang sa tawa ang aking kaba. " Tingnan mo na nga at baka importante! " utos pa niya kaya tumayo ako subalit kinapa ko naman sa hita ko ang armas na nakatago roon. Mahirap na kasing mag tiwala sa panahon ngayon at dahil na rin sa uri ng trabaho namin. Lihim pa akong napabuga ng hangin at sinilip ko sa CCTV na naka- connect sa aking cellphone kung sino ang nasa labas ng aming bakuran. Napa awang ang aking labi at nanlaki ang mga mata nang maaninaw kong tila pigura ni Brent ang nasa labas ng aming gate. Kaya naman mas lumakas ang kabog ng aking dibdib, baka kasi may nalalaman na ito tungkol sa trabaho ng aming grupo at huhulihin na niya ako? " Virgo! Ayaw mo pang buksan iyong gate!? Inuna mo pa iyang pakikipag- cellphone mo! " bulyaw ni Mama kaya naman bigla kong binuksan ang aming pinto kaya lamang na hinto ang pagtunog ng doorbell, ilang beses pa kasi iyong tumunog dahil sa aking pagka bigla nga sa hindi inaasahan bisita namin. " Magandang gabi, Magda! " bati niya nang mabuksan ko ang aming pintuang bakal, " Ahm, naka- leave ka pala sa bar kaya ilang gabi na kitang hindi nakikita roon. Kaya naman sumadya na ako rito sa inyo. " kakamot- kamot sa batok na bungad niyang sambit sa akin. " B- Bakit? " lakas loob na usisa ko naman kahit halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Nasa likod ko ang isang kamay at hawak ang baril para maging handa kung sakali mang may hindi inaasahang mangyayari. " W- Wala naman! G- Gusto lang kita ka kwentuhan sana, you know! Naiinip kasi ako sa apartment ko. " tugon naman niya sabay kibit balikat " Marami namang pwede mong kausapin sa bar para hindi ka mainip. " tugon ko naman at dahan- dahan ko nang isinusuksok sa likod ng suot kong maong short ang hawak kong armas dahil na sigurado ko ng normal naman ang paligid. " Iyon pa nga ang isa kaya ako umalis na roon! " ang kilay naman niya napag diskitahang kamutin. " Bakit? " takang tanong ko ulit at bahagyang tawa naman siya " Nag- o- offer din pala ng ibang service iyong bar, kung hindi ko lang naisip na marami kayong mawawalan nang trabaho. Pina- raid ko na 'yon e! " naka ngiwing saad na niya na tila disappointed kaya mahina na lang din akong natawa at ako naman ang napa kamot sa aking sintido " Oo! Alam mo na! Pang hatak ng customer. " balewalang tugon ko naman sabay kibit balikat din, na tila ba hindi big deal iyong natuklasan ni Brent " Virgo! Sino ba 'yang dumating at ayaw mong papasukin muna hindi iyang diyan pa kayo sa labas nag- uusap! " singit na sambit ni Mama habang nasa pinto siya ng aming bahay kaya naman nabitin ang iba pa sanang sasabihin ni Brent, napalunok naman ako ng laway dahil nag- umpisa na naman akong kabahan. " O- Opo! " Tugon ko naman, " Tara, pasok ka muna. " ngiting aya ko sa alagad ng batas na kaharap ko na nauwi sa pagka ngiwi " Kuhanin ko lang ang binili kong pizza. " paalam muna niya sabay talikod at may kinuha sa likuran bahagi ng kanyang kotse at sumunod na sa akin na pumasok sa aming kabahayan. " Magandang gabi po! " bati naman niya sa aking Ina nang makarating na kami sa aming living area " Magandang gabi rin naman! Maupo ka! " ganting bati ni Mama sabay alok pa " Ahm, Ma, s- si Brent, customer namin sa bar, Brent si Mama ko si Jacklyn. " pakilala ko naman sa kanilang dalawa Nakipag- handshake pa si Brent na tinanggap naman nimg aking Ina. " Eto nga pala snacks natin habang nagkwe kwentuhan! " ipinatong niya ang box sa center table " K- Kukuha lang ako nang maiinom natin. " kiming paalam ko naman at mabilis kong tinungo ang kusina " Ggrrr! Virgo! Ano itong nagawa mo!? Pinapasok mo pa ang kalaban sa pamamahay n'yo! " panay ang tampal ng palad ko sa aking noo dahil tila naging lutang na naman ako sa sandaling ito at hindi nag- iisip. Kung sabagay, nakialam nga pala si Mama. Kung hindi ko naman papapasukin si Brent ay siguradong magtataka silang dalawa sa akin. Kaya naman habang nagti timpla ako ng inuming may kulay sa pitcher na malamig ay panay buga ko ng hangin. Naibalik ko na rin sa hita ko ang baril na nasa likod ko kanina. Tsaka tila walang nangyari sa kusina na bumalik ako sa sala habang bitbit ang tray na may lamang pitcher na namamawis sa lamig at tatlong baso. Inilapag ko iyon sa center table katabi ng box ng pizza. Naabutan kong masaya silang nag- uusap na dalawa. Nag salin agad ako ng juice sa baso ko tsaka ko tinungga. Hindi pa rin kasi nawawala ang malakas na kabog ng aking dibdib. At sapantaha kong hindi ito mababalik sa normal hangga't kaharap ko ang lalaking kausap ni Mama. Napa usal tuloy ako nang panalangin kahit madalang ko iyong gawin na hindi sana ako madulas o mahuli nito tungkol sa aming grupo na siyang balak nitong hulihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD