THIRD PERSON's P O V
" Ay! Kabayong bundat! " bulalas na wika ni Magda nang may kumalampag sa lamesang nasa harapan niya. " Ano ba!? Bakit ka nanggugulat? " inis naman niyang sambit sabay himas sa tapat ng dibdib dahil kinabahan siya.
" Hala! Magdalena, mahirap iyang pagiging magugulatin mo ngayon ha! Ano nangyayari sa'yo!? Kanina ka pa kasi namin kinakausap ang layo nang tingin mo at tila hindi ka nakikinig! " hindi naman makapaniwalang saad ng kanilang Bossing
Sa uri kasi ng kanilang trabaho ay dapat alerto sila lagi, mata, isip, galaw at pang- amoy, lalo na at nandito sila sa kanilang tinatawag na 'opisina'.
Nakita naman niya ang makapal na librong ibinagsak sa harapan niya kaya siya nagulantang kanina at natauhan.
" S- Sorry, Bossing! M- May . . g- gumugulo lang kasi sa isipan ko. " hinging paumanhin naman niya tsaka napabuga ng hangin para mawala ang kanyang nerbyos
" Tsk! Inlove ka na 'no!? " tuksong sambit naman ni Ernesto
" Yuck! Hindi ah! " tila nandidiri namang sambit niya at parang nasusuka pa
" Nalaman na ba ng Mommy mo ang tungkol diyan sa sugat mo? " may pag- aalalang usisa naman ni Fatima, silang tatlo ang naiwanan sa opisina samantalang iyong iba ay kasalukuyang nasa task na.
Kakabalik lamang nila pagkaraan na mag- out of town ni Bossing dahil doon nag- celebrate ng birthday ang anak nito.
Humugot muna siya ng malalim na buntong- hininga bago sumagot. " Hindi pa! " tugon niya sabay dugtong, " Ang gumugulo lang sa isipan ko iyong lalaki na nakilala ko sa bar no'ng isang gabi. "
" See!? See!? Inlove ka na nga! Ganyan na ganyan ako noon kay Luisa! Nangingiti pa nga akong mag- isa kapag naaalala ko siya at para akong mababaliw kapag hindi ko siya nakikita! " bulalas na wika pa ni Ernesto, " Aray ko! Masakit 'yon, ha! " kamot naman nito sa ulo nang batukan siya ni Magda kaya naman natawa na lamang si Fatima at ang Bossing nila sa kanya
" Ayaw muna kasing makinig e! " pairap na sambit naman ni Magda kaya natameme na lamang si Ernesto at itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko sa laban.
Nag- umpisa na ngang mag kwento si Magda nang walang kumibo sa tatlo niyang kaharap na tila curious din sa kanyang ibabalita.
" Naku! "
" Hala! "
Nasambit na lamang nila Ernesto at Fatima samantalang seryoso naman ang mababakas sa mukha ng kanilang Bossing pagkatapos ngang mag kwento ni Magda sa kanila.
" Kaya nga mula noon hindi na talaga ako pumasok sa bar muna para makaiwas, mabuti na lang at hindi ako pinupuntahan sa bahay namin. " dagdag pa niyang pahayag
" Dobleng ingat na lang ang gagawin mo. " payo naman ni Fatima
" Pwede ring makipag- close ka sa kanya, baka sakaling malaman mo kung saan- saan siya pumupunta para magmanman. Maarri tayong mag- ingat kung matutuklasan niya itong 'opisina' natin. " malumanay na utos naman ni Bossing
Nahulog naman sa malalim na pag- iisip si Magda at tila inaanalisa ang tinuran ng kanilang Bossing
" Susubukn ko, pero hindi ko maipapangako na kaya kong protektahan ang grupo natin kapag nahuli ako. Kung ako lang ang masusunod, iiwasan ko na lamang siya! " tugon naman niya
" Paano mo maiiwasan e alam na niya kung saan ka nakatira!? " wika naman ni Ernesto
" Iyon na nga e! Bakit ba naging b0b0 yata ako no'ng madaling araw na 'yon kaya nakalimutan kong mag- ingat! " paninisi pa ni Magda sa sarili
" Gwapo ba? " usisa naman ni Fatima
" Hmm! " kunwaring nag- isip muna siya bago sumagot, " Hindi naman! Malaki pa nga ang tiyan e! Tsaka dark ang kulay na parang nasunog sa sikat ng araw! " pag- describe pa ni Magda kay Brent daw
" Ahh! Kaya hindi ka na- inlove! Pero kung iyon ay gwapo, naku! Baka nagpahuli ka na agad para makulong sa matipuno niyang mga bisig! " pahayag pa ni Ernesto kaya natawa ulit sila Bossing at Fatima samantalang ang sama nang tingin ni Magda sa kanya
" Ano naman ang palagay mo sa akin!? Easy to get!? Excuse me! " taas ang kilay na sambit pa ni Magda kay Ernesto, mahina lamang natawa ang nag- iisang lalaki na kasamahan nila ngayon.
" Oh! Sh!t! Umalis na kayo riyan, may papalapit na mga alagad ng batas! " bulalas na utos ni Fatima sa mga kasamahan nilang nasa task, natanaw kasi niya mula sa CCTV footages na kanilang na- hacked na may paparating na patrol car ng mga Pulis.
Kaya naman sa kanya nabaling ang atensyon nila Magda na nagtatalo pa rin.
Napa ayos pa sila nang upo sa harap ng computer monitor para pagmasdan kung makaka layo ba ang mga kasamahan nila sa bahay na balak ng mga itong pasukin.
Nawala na nga sa isipan nila na kailangan nga pala nilang bantayan kung nasa panganib pa ang mga kasamahan nila. Kaya lamang ay nawala sa loob nila dahil sa kinwento ni Magda. Kaya ngayon ay labis ang kanilang pag- aalala, dahil kung may malagay sa panganib isa man sa nga ito ay tiyak na kanilang pagsisisihan. Kaya nga hindi pwede sa uri ng kanilang trabaho ang hindi naka- focus kahit isang segundo.
Seryoso na nilang pinapanood ang mga kasamahan na nagmamadaling tumalilis palayo sa bahay na balak sana ng mga itong pasukin. Na bulilyaso tuloy pero ang mas importante ay ang buhay ng bawat isa.
" Kasalanan mo ito Magda kung may nangyari sa my love ko! " paninisi pa ni Ernesto sa kanya nang makalayo ng tuluyan ang mga kasamahang nasa task sa bahay nga na papasukin sana ng mga ito.
Kaya naman nakahinga na sila pare- pareho ng maluwag.
Hindi na natuloy sapagkat natugunan agad ng mga alagad ng batas kaya zero income sila ngayon.
" Anong ako!? Ikaw nga itong sumabat agad no'ng sabihin kong may gumugulo sa isipan ko! Kami ni Bossing ang magka- usap kanina! " pairap pa ulit na tugon ni Magda
" Tama na nga iyan! " awat naman ni Bossing sa kanila, " Ang importante ay ligtas ang mga kasamahan natin! Alam naman nating once na sumabak tayo sa task nasa bingit na talaga ng kamatayan ang isa nating paa. Kaya kailangang focus at alerto lagi! " sambit pa nito
" Kaya nga iiwasan ko muna iyong customer namin habang pinapagaling ko itong balikat ko. Ayain ko muna si Mama na mag bakasyon kami sa probinsya nila at baka makalimutan na ako no'n kapag ilang araw niya akong hindi makikita sa bar. " mahabang pahayag pa ni Magda
" Bahala ka! Magsabi ka lang agad kung kailan at kung sigurado ka na ba talaga sa plano mo. " sambit naman ni Bossing, tango lang naman ang naisagot niya
" Sige! Mauna na ako, banggitin ko muna kay Mama ang binabalak ko tsaka kita tatawagan. " paalam na nito at hindi na hinintay ang mga kasamahan na dumating
Kung sabagay, wala naman silang bibilangin at pag papartihan na pera kaya pwede na ngang umuwi. Pero iyong sila Fatima at Ernesto ay hihintayin na raw ang gumawa nang task na makarating dito sa opisina nila para sabay- sabay silang uuwi.
Tinapik lamang niya sa balikat ang mga ito bago lumabas ng pinto.
" Tawagan mo ako kung ano ang plano mo! " pahabol na wika ni Bossing sa kanya kaya ngumiti lamang siya tsaka tumango bilang tugon
Naka ilang ulit din siyang napa buga ng hangin bago umalis sa parking lot ng kanilang opisina. Bumalik kasi sa kanyang balintataw ang paninisi ni Ernesto kanina.
Sad to say ay may katotohanan naman iyon na dahil sa kanya kaya muntik ng malagay sa panganib ang kanilang mga kasamahan. Pero sana hindi na lamang ito nakisali sa usapan nila, alam naman nilang kasalukuyang nasa task ang kasamahan nila at nobya nito. Kung bakit usyosero rin kasi.
Kaya ngayon ay mas naging malikot na ang mga mata ni Magda at baka walang ano- ano ay bumulaga na lamang sa harapan nila si Brent. At bago siya umuwi sa bahay nila ay nililingap muna niya ang paligid at baka may naka- abang ng mga Parak o ang bagong kakilala doon ay hindi pa niya nalalaman. Kahit na ba wala pa itong nalalaman tungkol sa iba pa niyang pribadong buhay.
Nang makarating na siya sa k'warto niya ay noon lamang siya nakahinga ng lubusan. Nahiga siya at tumitig sa kisame dahil sa rami nang gumugulo sa kaniyang isipan. Idagdag pa iyong binabalak niyang pagpapalit ng motorcycle niya. Baka nga naman kasi nahahagip na iyon ng mga CCTV footages kapag may task sila, mahirap na nga naman. Bakit kasi rito naisipan ni Brent mag manman sa lugar nila?
" Aaahhhh! " gigil niyang mahinang sigaw, " Bakit ba kasi nakilala pa kita, Brent! Ang tahimik ng buhay ko no'ng hindi ka dumarating! Bigla mong ginulo! " bulong pa niya sa sarili sabay dapat at subsob ng mukha sa unan para hindi marinig ng Ina nasa sala sila na nanunood ng palabas sa telebisyon habang nag gagantsilyo.
Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa ganuong pwesto.