MAGDA's P O V
Sa hindi ko malamang dahilan ay kung bakit ang lakas ng kabog ng aking dibdib kahit nasa cashier lamang ako. Dahil nga hindi pa ako pwedeng mag buhat ng mabibigat ay nakiusap ako sa Manager namin na ibang trabaho na lang muna ang ibigay niya sa akin.
Kaya naman dito ako sa pwesto ng cashier inilagay. Alam naman kasi nila ang sitwasyon ng balikat ko dahil may ipinakita akong medical certificate. Naka- leave naman ang cashier namin kaya ayos lang din ang paghalili ko sa kanya.
" Hoo! Kaya mo 'to, Magda! Mas malaki pa nga riyan ang binibilang mo sa opisina n'yo! " bulong ko pa sa sarili ko, iniisip ko kasing kaya ako kinakabahan ay baka ma- short ako sa pera
Kung tutuusin nga ay sa laki ng kinikita namin sa pangungulimbat ay pwede na akong hindi mag trabaho rito sa bar. Ayoko lamang mag- isip ng kung ano- ano si Mama lalo na kapag nagtanong nga siya kung ano ang trabaho ko sa araw.
" May naghahanap sa'yo Magda. " bulong ng Bartender sa akin ilang oras na ang nakakaraan na naka- open ang aming bar.
" Huh!? Sino raw?! " takang tanong ko naman sa kanya sabay lingap sa harapan ko dahil katabi ko lamang ang bar counter kung saan makikita ang aming Bartender na nagmi- mix ng inumin.
Nahigit ko naman ang aking paghinga nang magtama ang mga mata namin ni Brent na nakaupo na sa harap ng bar counter at hindi kalayuan sa kinakuupuan ko. Naka suot lamang siya ng white shirt na pang- itaas kaya naman kitang- kita ang matipunong braso at malapad na balikat tsaka dibdib. Lihim pa nga akong napa buga ng hangin dahil mas bumilis ang t***k ng aking puso.
" Sh!t! Babawasan ko na nga ang pag- inom madalas ng kape. Nagpa- palpitate tuloy ako. " bulong ko pa sa sarili ko
" Hi! Dito ka pala nagwo- work? " bati nito kaya naman bahagya akong nagulantang dahil hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa pwesto ko.
" O- Oo! Ehem! " kiming tugon ko sabay alis ng bara sa lalamuna, " A- Actually, Waitress ako, m- masakit lang itong balikat ko kaya nag- sub muna ako as Cashier. " Paliwanag ko pa kahit hindi siya nagtatanong kaya naman bigla kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa pagiging taklesa ko
Medyo may kalakasan din ang aming pag- uusap dahil may kalayuan ang aming mga kinauupuan.
" Oh! Really!? So . . . ganoon din ang mga sinusuot mo? " tila hindi naman ito makapaniwalang itinuro ang Waitress namin na naka suot ng aming uniform na tube blouse at mini skirt
" Oo! " mabilis ko namang saad, tango lang naman ang naisagot niya sabay tungga sa boteng nasa kanyang harapan.
" Ako na muna riyan, Magda, i- entertain mo muna ang bagong customer natin. " bulong naman ng aming Manager nang makalapit sa akin
" Huh!? " naguguluhan ko namang saad dahil hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi kaya naman bumulong ulit siya, noon naman ako tumayo sa aking kinauupuan ng ma- gets ko ang ibig niyang sabihin.
" Bago ka lang dito sa lugar namin o naligaw ka lang ng pasyal dito sa bar? " kiming kausap ko na kay Brent nang magkatabi na kaming nakaupo sa harap ng bar counter.
" Both! " natatawang tugon naman niya kaya nagtatanong ang tingin ko sa kanya. " Bago lang ako rito dahil sa trabaho ko at nainip lang ako sa apartment ko kagabi kaya napag- trip- an kong pumasok dito. " paliwanag naman niya kaya napapa tango na lamang ako sabay inom ng juice.
" Wala ka bang alam na ibang trabaho at dito mo naisipang pumasok? " tanong naman niya sa akin
Kaya namang pilit akong ngumiti sa kanya bago sumagot, " Ano naman ang magiging trabaho ko e hindi naman ako nakatapos sa kolehiyo? Tsaka rito pa sa atin na kailangang may backer ka sa loob ng kumpanya para makapag trabaho ka sa kanila kahit qualified ka naman. " may katotohanang sambit ko pa
" Kung sabagay tama ka riyan. "
" Tsaka, ano naman ang masama sa pagiging Waitress, marangal naman itong trabaho. "
" Wala naman akong sinasabi hindi ito marangal, ang sa akin lang kasi dapat sa ganitong establishment ay puro lalaki ang naka- duty. Paano kapag lasing na ang mga customers n'yo? O kaya bastusin kayo? Tapos ang bihis n'yo pa wala sa ayos? Talaga bang kailangan pang maging ganyan ang suot? Dapat i- respeto rin kayo ng may- @ri nitong bar para hindi maging bastusin lalo na kapag nasa espiritu ng alak ang mga parokyano n'yo. " mahabang wika pa niya kaya naman hindi na lamang ako nakakibo
May katotohanan naman kasi ang ipinahayag niya. Tutol din naman ako noong una kong pasok dito pero dahil malaki ang sweldo ay napag tiisan ko na rin ang aming uniform. Katwiran ko na lang ay hindi naman nila nahahawakan at nakukuha. Tsaka baka raw hindi pasukin itong bar nila kapag mga lalake ang magse- serve ayon na rin sa owner nitong bar. May lalaki naman kaming kasamahan nasa kitchen nga lang at ito ngang aming dalawang Bartender.
" May bouncer naman kami tsaka gwardya, tsaka hindi pa naman nangyayari rito na may mabastos na Waitress. " wika ko naman dahil iyon ang totoo.
" Kahit na! " giit pa nito sabay tungga sa hawak na bote
Hindi na lamang ako kumibo hindi ko lang kasi masabi sa kanyang mas higit pa nga riyan ang ginagawa ng ibang kasamahan kong Waitress. Hindi lamang niya siguro napapansin pero iyong table sa aming likuran ay may dalawang kasamahan kong Serbidora na nakaupo sa grupo ng mga lalaki na customers.
Dumaan muna ang ilang minutong katahimikan sa amin bago ulit siya nag salita.
" Anong oras ang uwian mo? "
" Alas Dos. " tugon ko naman sabay inom ng juice sa basong nasa aking harapan
" Umiinom ka rin ng alak? " bigla akong napalingon sa kanya sa tanong niyang iyon, gusto ko sanang matawa mabuti at napigil ko lamang
" Occasionally lang, bawal naman sa amin e! "
" Sige, labas na ko. Balik ka na sa trabaho mo baka mapagalitan ka ng Boss mo. " paalam na nito nang maubos ang laman ng bote nang iniinom niya sabay dukot ng wallet sa likod ng bulsa ng suot niyang faded maong pants.
Naglabas ng kulay blue na papel sabay lapag sa aming harapan. " Keep the change. " natatawang saad pa niya sabay tayo at alis sa aking tabi
Matagal muna akong napa titig sa perang iniwanan niya bago ko iyon damputin tsaka lumingon sa aking likuran. Wala na siya kaya naiiling na lamang akong tumayo tsaka bumalik sa pwesto ng Cashier.
" Mukhang nabighani ng ganda iyong bago nating customer, ha!? " panunukso pa ng aming Manager sa akin
" Sus! Hindi naman! " kaila ko pa pero sa isang sulok ng aking isipan ay tila may umaasam na sana nga ay totoo. " Eto ang bayad niya. " sabay abot ng perang inilapag ni Brent
" Ikaw na ang mag- punch at bibisita lang ako sa itaas. " saad naman nito sabay tayo kaya pinalitan ko na siya sa pwesto.
Binilang ko na ang perang naroon kung tugma sa resibo at baka ma- short pa kaming dalawang mag- amo. Isinilid ko naman sa bulsa ng suot kong pantalong maong ang sukli ni Brent tsaka ko ginawa ang aking trabaho. Naging abala na ako ng sumunod na sandali kaya nawala na isipan ko ang aming bagong parokyano hanggang sa magsara na kami.
" Bye! See you tomorrow! " kaway ko sa aking mga kasamahan at nauna nang lumabas ng bar, magbibihis pa kasi ang mga babae samantalang ang mga lalaki naman ay siyang mag- aayos ng mga silya at lamesa bago isarado ang bar.
" Bye! " halos sabay- sabay naman nilang tugon
Ibang way rin naman kasi ang inuuwian ko kaysa sa kanila kaya hindi ako pwedeng sumabay.
" Sakay na, ihahatid na kita. " nagulat pa ako ng may humintong kotse sa aking harapan kaya naman napa urong ako ng ilang hakbang ng may mag salita sa gawi ng Driver
" Nakaka gulat ka naman! " bulalas kong wika sabay haplos ng kamay ko sa tapat ng aking dibdib.
Pakiramdam ko pa ay tila nahulog ang aking puso, lumakas ulit ang kabog niyon kagaya kanina.
Mahina naman itong natawa, " I'm sorry kung nagulat kita, tsaka bawas- bawasan mo rin ang inom ng kape para hindi ka ninenerbyos! " pabiro pa nitong wika kaya naman naka tikim siya sa akin nang irap.
Natawa lamang ulit siya, " Tara na! Madalang na ang dumadaan ditong sasakyan, oh!? " aya ulit niya, humugot muna ako ng malalim na buntong- hininga bago tinungo ang kabilang pinto ng kanyang sasakyan.
Iniisip ko rin kasi ang mga kasamahan kong nasa loob pa na baka kapag nakita kami ni Brent ay tuksuhin pa kami. Umiiwas lamang ako sa tsismis kaya sumakay na ako at baka sabihin pang nagpa pakipot ako.
" Saan kita ihahatid? " tanong niya nang paandarin na niya ang kanyang sasakyan.
Sinabi ko naman kung saan at nagulat pa ito.
" Talaga!? Malapit lang doon ang apartment ko! " nasisiyahang wika pa niya
" Bakit ka ba na destino rito? Ano ba ang trabaho mo? " usisa ko naman sa kanya
Magpapa hatid na nga ako sa bahay namin pero kahit kaunti ay wala pa akong nalalaman tungkol sa pagkatao nitong katabi ko.
" Alam mo naman na ang pangalan ko, di ba? " tango lang ang naisagot ko, " Isa akong alagad ng batas at may minamanmanan kasi akong grupo na kalaban namin at sa malapit lang daw rito nagtatago o nagkukuta. " pahayag niya kaya naman nahigit ko ang aking pag hinga
Mahigpit din ang naging hawak ko sa sling bag na nasa aking kandungan. Mabuti at sa daan naka- focus ang kaniyang atensyon kaya hindi niya napansin ang aking pagka balisa at pananahimik ko. Pinag pawisan din ako kahit malamig naman ang buga ng aircon sa loob ng kanyang kotse.
Hanggang sa makarating sa bahay namin ay wala nang nag salita sa aming dalawa.
" Hindi na ako bababa, madaling araw na tsaka nakakahiya sa family mo kung mang- iistorbo pa ako. " saad pa niya nang akmang bababa na ako.
" M- Maraming salamat ulit. " kiming wika ko na lamang, tipid naman siyang ngumiti tsaka tumango kaya mabilis na akong lumayo sa kanya dahil hindi pa rin ako mapakali sa kaalamang grupo namin sigurado ang target niyang hulihin.
Itinaas ko lamang ang palad ko nang makapasok ako sa aming bakuran hindi pa kasi siya umaalis. Kumaway lang siya bilang tugon tsaka pinaandar palayo ang
kotse. Noon lang naman ako naka hinga ng maluwag na kanina ko pa pala pinipigilan.
Nag pahid ng pawis sa noo gamit ang likod ng palad saka ako pumasok sa aming bahay para matulog na. Kung makaka tulog nga ba ako sa isiping tila ako ang mag lalagay sa panganib ng aming grupo.