Chapter 70

1079 Words

Kahit pa hindi alam ni Ymir ang dapat niyang gawin ay nagkusa na lang siyang humarap kay Yuki. Ito na nga ba ang panahon upang malaman kung sino ang magwawagi? Pumusisyon ang batang lalaki at unti-unti siyang naglalakad paikot kay Yuki na nananatiling nakatayo lang sa lupa. “Kahit anong gawin mo, hindi mo ako matatalo. Wala kang kapangyarihan, bata… Wala. Hindi mo ako madadala sa pagpapanggap mo na mayroon kang abilidad dahil alam ko... ang sikreto mo,” pahayag ni Yuki na ipinagtaka ni Ymir. “Anong sikreto ang sinasabi mo? Wala naman akong naaalalang bagay na tinatago ko sa kahit na sinong Mirage,” tugon ni Ymir sa mga sinambit ni Yuki. “Totoo namang wala akong kapangyarihan o kahit na ano, sadyang malakas lang ang pakiramdam ko sa mga maaaring mangyari sa aking paligid, kaya may mga pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD