CHAPTER 5

2110 Words
AGATHA'S POV "Hoy! Hinay hinay lang kayo sa pagpapatagay kay Agatha. Ayaw naming mag-alaga ng lasing," pagrereklamo ni Nancy sa mga dati naming kaklase. Napatawa na lang ako. Nakakailang tagay na rin kasi ako ng whisky at nagsisimula na namang umikot ang paningin ko. Ang iba naming kaklase ay nagsisimula nang bumuo ng kani-kanilang tent. Kami namang apat ay sama sama sa tent ni Liza na binuo na agad kanina. Sa totoo lang, umabot ako sa edad kong ito na hindi ko pa nararanasan ang malasing ng todo. Baka ngayong gabi ay maranasan ko na. Sabi kasi nila ay nakakalimot daw ang paglalasing. Let's see kung totoo nga iyon. Naiinitan na rin ako dahil yata sa alak na iniinom ko. Lakas loob kong tinanggal ang robe ko upang mapreskuhan kahit kaunti ang katawan ko. Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa mga kaklase ko. Tanging ang malakas na music na nagmumula sa speaker ang maririnig. Tiningnan ko naman sila at lahat sila ay nakatingin lang sa akin. "May problema ba?" alanganin kong tanong sa kanila. Hindi pa rin ba talaga nila alam na ayoko ng masyadong maraming atensyon? Sa ginagawa nilang pagtingin sa akin ngayon ay parang gusto ko na lang na matunaw sa kinauupuan ko. Kanya kanya naman silang iwas ng tingin at bumalik sa mga ginagawa nila. Tumingin ako kay Nancy na nasa tabi ko. "May problema ba sa itsura ko?" bulong ko sa kaniya. "Wala naman. Nagulat lang sila sa katawan mo. Ang sexy mo kasi girl! Nakakainis ka," sagot naman sa akin ng kaibigan ko. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa kaya napatingin rin ako sa katawan ko. Suot ko pa rin ang black two-piece ko at ngayon lang ako nakaramdam ng hiya. Medyo expose pala ang katawan ko dahil sa suot ko. First time ko lang kasing sinuot ito at si Natalia pa ang bumili nito para sa akin. "Masagwa ba? Magpalit na lang kaya ako?" bulong ko pa kay Nancy. "Ano ka ba? Okay nga ang itsura mo 'no. Masyado ka na namang nag-ooverthink e," iiling iling na sabi pa niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. At hindi ko sinasadyang mapatingin kay Kean na katapat ko lang ang upuan. Nakatingin din pala siya sa akin at heto na naman ang mata ko, na-magnet na naman sa kaniya. Hindi ko alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin pero nakaramdam ako ng pagkailang. Mas lalong uminit din ang pakiramdam ko kahit na dumadampi ang malamig na hangin sa balat ko. Ganito siguro talaga kapag napapadami ang inom ng alak, ang init sa pakiramdam. "Mag-CR lang ako," bulong ko kay Nancy na kasalukuyang nakikipag-kwentuhan sa iba naming kaklase. Tumayo ako at tahimik na umalis sa umpukan. Hindi naman talaga ako nakakaramdam ng pag-ihi. Gusto ko lang munang lumayo at lumanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam ko kasi ay maso-suffocate ako kapag nanatili lang akong nakaupo doon. Medyo takas din ako sa pagtagay upang hindi ako malasing agad. Masyado pang mahaba ang gabi para magpakalasing agad. Dinala ako ng mga paa ko sa isang kubo malapit sa dagat. Maliwanag pa rin naman sa part na ito dahil napapalibutan ng mga solar lights ang buong resort. Wala ring ibang guest ang resort ni Kean kaya solong solo namin ngayong gabi ang buong lugar. Dapat pala ay kinuha ko sa bag ang cellphone ko bago pumunta dito. Ang ganda kasi ng ambiance ng lugar at nakaka-engganyo ang magsulat. Isa ito sa dahilan kung bakit pinili kong manatili na dito sa probinsya. Maraming mga magagandang spot na pwede akong magsulat ng mga novel ko. "Lumayo ka na naman sa crowd." Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang may magsalita mula sa likuran ko. Inis akong lumingon sa nagmamay-ari ng boses ngunit natameme ako nang makilala ko kung sino siya. Nakangiti siya sa akin at may bitbit siyang dalawang bote ng beer. Iniabot niya sa akin ang isa at saka umupo sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya. "Nabanggit sa akin ni Celine kanina na iniisip mo raw 'yong sa dare," seryoso niyang sabi. Napairap naman ako. Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Celine dahil ang daldal niya o matutuwa dahil pinahatid niya ang nararamdaman ko sa lalaking katabi ko ngayon. Pero mas maganda na rin siguro na pag-usapan namin ito ngayon. "Honestly, ayoko talagang gawin 'yong dare. Ang daming bagay na dapat isipan na maaaring maapektuhan ng dare na 'yon," seryoso kong sabi. Nice. Hindi na ako nauutal sa harapan niya. Normal lang din ang t***k ng puso ko. Mabuti rin pala ang may impluwensya ng alak sa mga ganitong pagkakataon. Nagkakaroon ako ng lakas ng loob. "Like my girlfriend? Trust me, wala kang magiging problema sa kaniya," sabi naman niya sa akin sabay lagok sa beer niya. "I don't get it Kean," naguguluhan kong sabi sa kaniya. Kanina ay umiikot ang paningin ko dahil nalalasing na ako. Pero ngayon ay kitang kita ko ang bawat detalye ng mukha ni Kean. Those pair of chocolate brown eyes, thick eyebrows, pointed nose and thin redish lips. Parang bigla ring nawala ang pagkahilo ko nang maamoy ko ang perfume niya . "We're not in good state, well lagi naman. Actually, hindi na talaga kami okay. Gusto ko nang makipag-break sa kaniya pero ayaw niya. Kaya huwag mo nang masyadong intindihin si Crista." Bahagya akong napatawa dahil sa narinig. Ininom ko ang beer na iniabot niya sa akin kanina at halos makalahati ko iyon. "You know Crista right? Ang babaeng pinagselosan mo noon," natatawa niyang sabi sa akin. "Oh please, don't recall the past," iiling iling kong sabi. Ayoko nang maalala ang mga childish act ko dati noong kami pa. Medyo nawawala ang pagkailang ko sa kaniya at ayokong mailang na naman dahil lang sa pinag-uusapan namin ang nakaraan. "Bakit? Matagal na naman 'yon so sa tingin ko naman ay okay lang pag-usapan," sabi pa niya habang deretsong nakatingin sa akin. Umiwas naman ako ng tingin dahil sa takot na baka mabasa niya ang mga nasa isip ko. "Well, okay lang naman. Pero ayokong pag-usapan si Crista. Ang sinabi mo noon na hindi ko dapat pagselosan pero ngayon ay girlfriend mo na." Dapat ay pabiro ang boses ko habang sinasabi iyon kay Kean. But to my surprise, it came out in a bitter tone. Hindi naman ako bitter nang malaman na si Crista ang girlfriend niya ngayon pero hindi ko maintindihan itong boses ko. Hindi marunong maki-coordinate sa sinasabi ng utak ko. "Well, gano'n talaga. Ultimate crush niya ako to the point na siya na ang nanligaw sa akin," mayabang na sabi naman niya. Hindi na nakakataka sa word na "ultimate crush". Highschool pa lang kami ay crush na crush na siya ni Crista. Noong hindi pa ako nililigawan ni Kean noon ay lagi siyang binibigyan ni Crista ng mga pagkain at dinadala pa sa classroom namin. "Seryoso ka? Niligawan ka niya kaya naging kayo?" tatawa tawa kong tanong naman sa kaniya. Hindi na rin naman ako magtataka kung totoo ang sinabi niya. Nagtanong na lang ako para mapahaba ang usapan namin. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat pang sabihin sa kaniya. "Masyadong mahaba ang one week para pag-usapan ngayong gabi ang buhay buhay ko. We have plenty of time Agatha. So ikaw, kumusta ka naman? Tagal mong walang paramdam." Iniba niya ang usapan. Ibig sabihin ay ayaw pa niyang pag-usapan totally ang lovelife niya. Wala namang problema sa akin iyon dahil katulad ng sinabi niya, we have plenty of time. "Well, ano pa bang hindi mo alam sa mga nangyari sa akin? I worked in Manila for how many years, then heto, balik probinsya na ako dahil self-sustainable na ang business namin," sagot ko naman sa kaniya. For sure naman ay alam na niya ang mga naging buhay ko dahil napapag-usapan ako minsan sa group chat namin. Hindi nga lang ako ganoon ka-active doon dahil sa pagiging abala ko. "Masaya ako na nagagawa mo na talaga ang gusto mo, 'yong pagiging writer mo." Bata pa lang ako, mahilig na akong magbasa ng mga libro hanggang sa magsimula akong magsulat noong highschool. Si Kean ang isa sa mga naging saksi kung gaano ko kahilig ang pagsusulat noon. Siya ang numero uno kong reader sa mga nobelang nagagawa ko. Natigil lang akong magsulat noong nag-kolehiyo na ako at naghiwalay na ang landas naming dalawa. "Totoo pa rin pala talaga ang 'yong babalik at babalik ka pa rin sa una mong minahal at unang kinahiligan. Isa na lang talaga ang hindi pa natutupad, ang sumikat ang mga nobela ko at ma-publish. Pangarap ko pang bumuo ng library na puro libro ko ang laman," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Gusto mo bang magpatayo ako ng publishing company para ako na ang bahala sa pangarap mo na iyon?" nakangiti niyang tanong sa akin. Bahagya naman akong napatawa. Isa sa katangian ni Kean ay ang pagiging palabiro. Sa likod ng seryoso niyang mukha ay ang pagiging kengkoy niya minsan. Kaya nga noong hignschool kami, nang magtapat siya sa akin ay akala ko ay pinagti-tripan niya lang ako noon. Hindi agad ako naniwala na seryoso siya sa akin noon. "Being one of the richest man in the island, sige. Ipagpatayo mo ako ng publishing company. Hindi ko tatanggihan 'yan," pabiro ko namang sabi. Ininom ko ulit ang beer na hawak ko at halos maubos na iyon. Ang sa kaniya naman ay nangangalahati pa lang. "Seryoso ako Agatha. But give me some time. Maybe a year, may publishing company na ang mag-ooffer sa 'yo na i-publish ang mga novels mo sa kanila. I will just fix some things." Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Kean. Nakatingin siya sa dagat kaya hindi ko makita kung seryoso ba talaga siya sa sinabi niya o hindi. But his voice, wala akong makitang bakas ng pagbibiro o kung ano pa man. Ipinilig ko na lamang ang ulo ko to wash away my crazy thoughts. Nalalasing na yata talaga ako. Baka wala naman talaga siyang sinabi at baka nagha-hallucinate na lang ako. "I think we need to go back. Baka hinahanap na nila tayo," imbes ay sabi ko na lang. Ayoko na yatang makasama siya ng solo nang matagal dahil baka kung ano ano na ang imbentuhin ng isipan ko. Baka akala ng utak ko ay gumagawa ako ng story kaya nakakapag-imagine na siya ng mga scenario na akala ko naman ay totoo. Tumayo na ako habang siya naman ay nanatiling nakaupo pa rin at nakatitig lang sa dagat. "Hindi mo naman siguro ako igo-ghost sa dare, 'di ba?" tanong pa niya sa akin. "How come? Dare ko 'yon so wala na akong lakas ng loob para hindi ka siputin," natatawa ko namang sabi. Wala naman na akong choice. Baka itakwil ako ng batch namin kapag hindi ako tumupad sa dare. "That's good to hear. I'm looking forward for the one week with you Agatha." Ngumiti na lang ako at tumalikod na sa kaniya. Kahit na nanghihina ang mga tuhod ay nagawa ko namang humakbang palayo sa kaniya. Dere-deretso lang ako sa paglalakad habang tumatambol na ang puso ko sa dibdib ko. Ramdam ko rin ang pamamawis ng mga kamay ko. Hindi ko rin maiwasan ang ngumiti kaya kinagat ko na lang ang labi ko. Baka kapag nakita pa ako ng iba na mag-isang nakangiti ay isipin pa nilang nababaliw ako. Nababaliw na nga yata ako. Hindi na ako makapag-isip ng tama. Hindi ko na makontrol ang sarili kong katawan at kusang ngumingiti ang labi ko. "Nandito ka na pala. Akala ko na-flush ka na sa bowl e," tatawa tawang bungad sa akin ni Nancy. Napatingin din sa akin sina Liza at ang iba pa naming mga dating kaklase. "Lasing na yata itong si Agatha. Pulang pula na ang mukha o," puna naman sa akin ni Allan. Sana nga lasing na lang ako. Sana totoong may epekto pa rin sa akin ang alak na ininom ko kanina. "O ayan na rin pala si Kean. Aba teka, magkasama ba kayo ni Agatha? Sabay kayong nawala at sabay kayong bumalik," biglang sabi ni Micah na nakatingin sa may likuran ko. Unti unting gumuguhit sa mga labi ng mga dati naming kaklase ang mga mumunting ngiti nila. Huminga naman ako ng malalim dahil kusa na ring gumuguhit ang ngiti sa labi ko. At para walang makakita sa akin at walang sabing tumalon ako sa infinity pool. Wala akong balak maligo pero dahil sa mga nangyari, kailangang malapatan ng malamig na tubig ng pool ang katawan ko. Inilubog ko ang buo kong katawan sa pool at naglangoy ng pabalik balik hanggang sa kusa nang mapagod ang katawan ko kakalangoy. Please Agatha, come back to your senses!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD