CHAPTER 6

2138 Words
AGATHA'S POV Isang nagkakagulong mga boses ang nagpagising sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mga kaklase ko na nagkakagulo na sa pagkuha ng kani-kaniyang almusal. Muli naman akong napapikit dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Ito na yata ang aftermath ng pag-inom ko kagabi. And speaking of kagabi, wala na akong maalala pagkatapos kong maglangoy. Hindi ko alam kung bakit dito ako sa kubo nakahiga at hindi sa tent ni Liza. Masyado yata akong nalasing? "Mabuti naman at gising ka na." Hindi ko na kailangang magmulat ng mata para malaman kung sino ang nagsalita. Ayoko pating salubungin ang mga tingin niya dahil nahihiya ako. Wala talaga akong maalala. Nagkalat ba ako sa sobrang kalasingan? "Kumain ka muna," malambing niyang sabi sa akin. Nasaan na ba ang mga kaibigan ko? Bakit siya ang nandito para asikasuhin ako? "Sina Liza?" imbes ay tanong ko sa kaniya. "Maaga silang umuwi. Nagmamadali pa sila kanina kaya hindi ka na nila nagising pa." Wow! Iniwan ako ng mga tinuturing kong kaibigan. Nakalimutan na yata nila na nandito na rin sa probinsya ang isa pa nilang kaibigan. Iminulat ko ang mga mata ko at pinilit na bumangon. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kean. Sa mesa ay may mga pagkain nang nakahain. Inilibot ko ang paningin ko at marami pa naman kaming nandito. Abala sila sa pagkain ng almusal at hindi nila napapansin na nandito kami sa may kubo. "Nagkalat ba ako kagabi?" mahina kong tanong kay Kean. "Lasing na lasing ka kagabi. Sandali, baka okay na 'yong kape mo. Kukunin ko lang." Nagmadaling umalis si Kean upang pumunta sa may kusina nila. Napailing na lang ako. The typical Kean na maalaga at maasikaso. Nakita ko ang gamit ko sa may tabi ng mesa kaya agad ko iyong dinampot. Kinuha ko ang phone ko na magdamag kong hindi chineck. Agad kong dinial ang number ni Celine. Agad naman niyang sinagot ang tawag ko. "Bakit niyo ako iniwan?" punong puno ng hinanakit na bungad ko sa kaibigan ko. Narinig ko naman ang buntong hininga niya. "Pasensya ka na. Alam mo naman na family day kapag Sunday. E 'yong dalawa, sumama na rin sa akin. Hindi ka na namin nagising dahil lasing na lasing ka kagabi. Sabi naman ni Kean, siya na raw ang bahala sa' yo." Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niyang iyon. Nakakatampo lang kasi talaga na nagawa nila akong iwan dito. "Mag-usap na lang tayo kapag nagkita tayo." Ibinaba ko na ang tawag. Alam ni Celine na nagtatampo ako sa kanila ngayon. Sunod sunod na text ang sinend niya sa akin at nagso-sorry siya. Ayoko muna siyang kausapin dahil masama ang loob ko. In-off ko na lang ang cellphone ko at saka nagpalabas ng buntong hininga. Paano ako uuwi ngayon? Paniguradong busy na si Papa sa resto at ayoko na siyang abalahin pa para sunduin ako. "Ihahatid na lang kita mamaya. Sa ngayon ay kumain ka na muna. Walang laman ang tiyan mo dahil isinuka mo na lahat kagabi." Inilapag ni Kean ang isang tasang kape sa mesa. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sumasakit na naman ito. Umiikot din ang paningin ko at hindi maganda ang pakiramdam ko. Ito na ba ang tinatawag na hang-over? "Sorry. Naabala pa kita," nahihiya kong sabi. Kinuha ko ang kape at tinikman iyon. Napangiwi akong muli dahil sobrang tapang ng kape. "Alam kong hindi ka masyadong mahilig sa kape, pero kailangan mong uminom niyan ngayon." Naaalala pa pala niya? Hindi na lang ako nagsalita pa. Nagugutom na rin ako kaya sinimulan ko nang kainin ang pagkain na nakahain sa mesa habang siya ay nakatingin lang sa akin. Tumingin ako sa kaniya na nakakunot ang noo. "Ikaw, hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kaniya. "Kumain na ako kanina. Sige na, kumain ka lang diyan." Tumango na lang ako at nagsimula na uling kumain. Pero hindi pa man ako nangangalahati sa kinakain ko ay nakakaramdam ako ng pagsuka. Mabilis akong tumayo at tumakbo sa CR. Isinuka ko ang lahat ng kinain ko. Sh*t. Kung ganito pala ang hang-over, hindi na ako iinom ulit. Ayoko nang magpakalasing. Paglabas ko ng CR ay nandoon si Kean. May dala siyang isang bote ng tubig. Ibinigay niya sa akin iyon na tinanggap ko naman. Halos maubos ko ang laman ng bote. "Ganiyan talaga kapag naparami ang inom ng alak. Minsan tumatagal pa ang hang-over ng 24 hours," sabi pa niya sa akin. "Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko. Bumalik kami sa kubo at hindi ko na ginalaw pa ulit ang pagkain. Baka isuka ko lang ulit, sayang lang. Isang mahinang tawa naman ang pinakawalan ni Kean. Halos naningkit pa ang mga mata niya dahil sa pagtawa. Napairap na lang ako. Pinagti-tripan na lang yata ako ng lalaking ito. "I just want to go home," bulong ko sa sarili. Gusto ko na lang munang mahiga sa kama ko at matulog maghapon. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. "Let's go. Ihahatid na kita." Napatingin ako kay Kean na seryoso nang nakatingin sa akin. Masyado bang malakas ang pagkakasabi ko? Tiningnan ko ang itsura ko at maayos naman. Naka-dress na ulit ako kaya okay na siguro ito. Ayoko na kasing maggagalaw pa dahil pakiramdam ko ay nasusuka pa rin ako. Tumayo na si Kean kaya tumayo na rin ako. Hindi na ako aangal na ihatid niya ako dahil ayoko nang pasakitin pa ang ulo ko kung paano ako makakauwi ngayon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makauwi at makatulog sa bed ko. Nagpaalam na ako sa mga kaklase namin at hindi naman na nila ako pinigilan pa. Halatang halata siguro na wasted ako. "Marco, kindly assist the rest of them. Mabilis lang ako, babalik ako agad," sabi ni Kean sa staff na naka-duty ngayon. "Okay sir." Naglakad na ulit kami papunta sa parking lot ng resort ni Kean. Isang Ford Ranger na kulay blue ang sasakyan niya. Sa tabi nito ay mayroong isang BMW R 1250 RT na kulay black. Hindi ko alam kung sa kaniya rin ba iyon o sa isa sa mga dati naming kaklase. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya at marahan akong sumakay doon. Isinandal ko agad ang ulo ko sa upuan habang siya naman ay sumakay sa driver's seat. "Okay ka lang?" May pag-aalala sa tono ng boses niya. Iminulat ko ang mga mata ko at na-estatwa ako dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Halos pigilin ko ang hininga ko dahil sa gulat. Pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa niya hanggang sa maikabit niya ang seatbelt ko. Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya sa akin at nagsimula na siyang mag-drive. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa kalsada. Mahaba habang biyahe pa ang pauwi kaya mahaba habang oras ko pang makakasama ang lalaking ito. And take note, may isang linggo pa kami na magkakasama at magsisimula na 'yon bukas. "Saan mo pala gustong gugulin ang isang linggo natin?" biglang tanong niya sa akin. Lumingon ako sa kaniya at naka-focus lang ang tingin niya sa kalsada. Medyo mabagal din siyang magpatakbo ng sasakyan. "I don't know. Busy ka yata sa resort mo. So paano ang schedule mo?" balik tanong ko naman sa kaniya. "Well, may manager naman ako na pwede kong iwanan. Kapag may mga big event lang, doon ako nag-stay para ma-monitor ang takbo ng lahat," seryoso niyang sagot sa akin. Napatango naman ako. "Okay lang naman na mag-stay ako sa resort mo para may picture tayo na mai-send sa group chat. Wala namang problema sa akin na magpabalik-balik from your place. I can write on your place, then you can manage your business and at the same time, nagagawa natin ang dare. Less hassle at hindi ka na maaabala pa sa resort mo," suhestiyon ko sa kaniya. "What about your resto?" "Papa can manage it. Tututukan ko na lang iyon after ng dare natin. Hindi naman ako masyadong nagmamadali na makapag-open agad ng branch sa ibang municipality," sagot ko naman. Tutal naman ay picture lang ang habol ng mga ka-batch namin, then bibigyan namin sila ng mga picture. Iyon nga lang ay sa iisang place lang kami magpi-picture, sa resort ni Kean. Hindi naman na siya nagsalita pa so I guess, okay na siya sa ganoong set-up. Isinandal ko na lang ulit ang ulo ko sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata ko. Sumasakit na naman ang ulo ko. "Agatha, we're here," narinig kong sabi ni Kean sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at nasa tapat na nga kami ng bahay. Tanda pa rin pala niya ang address ko. Tinanggal ko ang seatbelt ko habang siya ay mabilis na bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagpasalamat naman ako. "Nandito ka na pala anak." Sabay kaming napalingon ni Kean kay Mama na nakatayo na pala sa may gate ng bahay. Malawak ang ngiti niya nang makitang kasama ko si Kean. Agad namang lumapit si Kean kay Mama at nagmano. "Kumusta po Tita?" magalang na tanong ni Kean. "Mabuti naman. Hala, pasok ka muna sa bahay at mag-meryenda," nakangiting paanyaya ni Mama sa kaniya. "Ah Ma, inihatid lang po ako ni Kean. I think kailangan na niyang bumalik sa resort dahil busy siya," alanganin kong sabi kay Mama. Ayokong magkaroon ng oras na makapag-usap silang dalawa dahil paniguradong tatadtarin ni Mama ng tanong si Kean. Ayokong malagay na naman sa alanganin si Kean kaya iiwas ko na siya kay Mama. "Ganoon ba? Sayang naman," sabi naman ni Mama. Ngumiti naman sa kaniya si Kean. "Sa susunod na lang po Tita. Sige po, mauna na po ako." Susunod? Wala nang susunod. Rude man ang dating pero hindi ko papayagan na makausap ni Kean ang pamilya ko. Ayokong tadtarin siya ng tanong tungkol sa nakaraan namin. "Mag-iingat ka hijo," nakangiti pang pahabol ni Mama. Ang mga ngitian ni Mama, alam kong may ibig sabihin. "Opo Tita, salamat po. Agatha, i-message na lang kita mamaya." Tumango na lang ako sa sinabing iyon ni Kean. Sumakay na siya ng sasakyan niya at nag-drive pabalik sa resort niya. Naramdaman ko naman ang pagsundot ni Mama sa tagiliran ko. "Mama!" saway ko sa kaniya. "May magandang nangyari sa reunion niyo 'no? May paghatid pa sa 'yo ang ex mo. At ime-message ka pa raw niya mamaya," kinikilig na sabi sa akin ni Mama. Parang teenager si Mama kung kiligin. May paghampas pa sa braso ko. Kaya mabilis akong tumakbo papasok ng bahay at agad naman akong hinabol ni Mama. "Ang baho mo Agatha. Hindi ka man lang nahiya kay Kean," sabi pa niya sa akin. Amoy alak pa nga pala ako dahil hindi pa ako naliligo. Ang lapit pa naman sa akin ni Kean kanina kaya paniguradong naamoy niya ako. Mabilis akong nagderetso sa kwarto ko para maligo. Gusto ko na kasing mahiga at matulog. Sumunod naman sa akin si Mama hanggang kwarto ko. Mabuti na lang na wala dito ang mga kapatid ko at si Papa kaya si Mama lang ang mangungulit sa akin. "So ano na? Anong nangyari sa reunion?" pangungulit sa akin ni Mama. "Wala Mama," maiksi kong sagot. Naghahalungkat na ako sa cabinet ko ng pantulog habang si Mama ay nakaupo sa may bed ko. "So ano nga 'yon? Nagkataon lang na si Kean ang naghatid sa 'yo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. "Nauna na po kasing umuwi sina Celine. E walang maghahatid sa 'kin kaya siya na ang nagprisinta. Alam mo naman si Kean, dakilang mabait," kaswal na sagot ko naman kay Mama. Pero ang Mama mukhang ayaw maniwala sa sinabi ko. Iba pa rin kasi ang ngiting ibinibigay niya sa akin. Paano pa kaya kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa dare? Baka isipin ni Mama na magkakabalikan na kaming dalawa ni Kean. Aasa na naman siya katulad noon. "Mama, huwag ka na pong mag-isip ng kung ano ano. Wala lang po 'yon," dugtong na sabi ko pa. "Alam mo anak, nang makita kita kanina, iba ang kinang ng mata mo. Kaya alam kong masaya ka sa reunion niyo. Sana lang ay magtuloy tuloy ang sayang iyan. Sige na. Magpahinga ka na." Hinalikan ako ni Mama sa pisngi ko bago siya lumabas ng kwarto ko. Agad naman akong pumasok sa CR at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Iba ang kinang ng mga mata ko? Parang wala namang pinagbago ang mata ko. Ganoon pa rin naman. Sa sobrang tuwa siguro ni Mama kanina ay kung ano ano na lang ang sinasabi niya. Hindi naman ako masaya sa reunion e. Lalo na ngayon na umaatake na naman ang hang-over ko. Naligo na lang ako ng mabilisan at saka nahiga sa malambot kong kama. Wala na akong ganang mag-check pa ng cellphone ko kaya hinayaan ko na lang na naka-off ito. Ipikit ko na lang ang mga mata ko. I let myself drown into sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD