THIRD POV
Matapos ang reunion ng batch nina Kean ay nakatulog na rin siya sa kaniyang kwarto sa resort. Simula nang siya na ang mag-manage ng resort nila ay dito na siya nag-stay upang mas matutukan pa ang family business nila. Sa sobrang pagod din niya ay hindi na niya nagawang sagutin ang mga tawag ng girlfriend niyang si Crista.
Alas singko na ng hapon siya nagising at nang tingnan niya ang kaniyang cellphone ay halos sumabog na ito sa dami ng missed call at text galing kay Crista. Napasabunot na lang siya sa sarili dahil paniguradong mahaba habang diskusyon na naman ang mangyayari sa kanilang dalawa.
Mahal niya si Crista ngunit unti unti na siyang nawawalan ng gana dahil sa ugali nito. Immatured pa ang dalaga at ang lagi lamang iniisip nito ay ang pansariling nararamdaman. Matagal na niyang gustong makipaghiwalay dito ngunit ayaw naman ni Crista. Lagi itong umiiyak sa harapan niya sa tuwing napapag-usapan ang break-up. Kaya hanggang ngayon ay sila pa rin kahit na lagi na lang silang nag-aaway.
Hindi na siya nagsayang pa ng oras at dinial na ang numero ng nobya. Agad naman itong sumagot.
"Mabuti naman at naisipan mo pang tumawag Kean," bungad sa kaniya ng dalaga.
"Oh please Crista. Alam mo namang kagabi ang reunion namin 'di ba?"
"Yeah. Reunion na halos taon taon niyo na lang ginaganap. Ano man lang 'yong mag-update ka sa akin 'di ba?" mataray nitong sabi sa kaniya.
Alam na alam na niya ang katatakbuhan ng usapan nila ng nobya. Siya ang lalabas na may pagkakamali at lahat ng mga nakaraang away nila ay mauungkat pa. Kean is tired of this. He wants to get free from the toxic relationship that he have.
"Alam mo ba kung gaano ako ka-busy simula kahapon pa? At alam mo bang ilang oras pa lang ang tulog ko Crista?" baritono niyang sambit sa dalaga. Ngunit sa halip na kumustahin siya nito ay mas lalo pa itong nagalit.
"At alam mo rin ba kung gaano ako nag-isip kung ano na bang nangyayari sa 'yo diyan. Tell me, umattend ba ng reunion niyo ang ex mo na si Agatha?" galit na galit na tanong sa kaniya ng dalaga.
"Yeah. She was there," maikli niyang sagot.
"Then that explains everything. Kaya hindi mo na ako naalala simula kahapon dahil sa ex mo na 'yan. How could you do this to me Kean?"
Umiiyak na ang kausap niya sa kabilang linya. Napailing na lamang siya. Hindi totoong walang magiging problema kay Crista kapag nalaman nito ang tungkol sa dare nila ni Agatha. Sa lahat kasi ng babae, si Agatha ang pinaka-pinagseselosan ni Crista kahit na ilang taon na silang hindi nagkikita o nagkakausap man lang. Ganoon ka-praning ang kaniyang nobya.
"I don't have time for this Crista. Ayoko na. Let's break up," matigas niyang sabi sa dalaga.
Punong puno na siya kay Crista. Hindi na niya kayang tagalan pa ang ugali nito lalo na ang pagseselos na wala namang basehan. Pakiramdam niya ay nasasayang lang ang oras niya sa pakikipag-relasyon dito.
"What? No! Nakikipag-break ka na sa 'kin. Bakit? Dahil bumalik na ang Agatha mo? Hindi. Hindi ako papayag Kean," umiiyak na sagot naman sa kaniya ni Crista.
Dadaanin na naman siya ng dalaga sa pag-iyak nito pero hindi na siya magpapadala. Buo na ang desisyon niyang makipaghiwalay dito dahil baka siya naman ang mabaliw kapag ipinagpatuloy pa niya ang relasyon niya dito.
"No Crista! You listen to me. Alam mo sa sarili mo na matagal ko nang gustong makipaghiwalay sa 'yo. I'm sorry. Pero tapos na tayo."
Ibinaba na niya ang tawag dahil ayaw na niyang marinig ang mga sasabihin pa ng dalaga. Ngunit wala pang isang minuto ay tumatawag na ito. Agad niyang pinatay ang tawag. Ayaw niyang maging masama sa paningin ng dalaga ngunit kailangan niyang gawin ang nasa isip niya. Iblinock niya ang numero ng dalaga sa kanyang cellphone. Pati sa mga social media ay blinock na rin niya ito. Sa ngayon ay ayaw na muna niyang kausapin ito dahil ipagpipilitan lang nito ang sarili sa kaniya.
"Anak, mabuti naman at gising ka na."
Napatingin siya sa babaeng sumilip sa kaniyang kwarto. Agad siyang lumapit dito at nagmano.
"Ano pong ginagawa niyo dito Ma?" tanong niya sa kaniyang ina.
"Nabalitaan kasi namin ng Papa mo na umuwi na pala si Agatha, at nandito rin siya kagabi sa reunion niyo," nakangiting sagot naman ng kaniyang ina.
"Ma, I told you ako na ang bahala sa business natin. Just leave Agatha and Reyes Cuisine alone," sabi naman niya sa kaniyang ina.
"Hijo, how many times I told you, malaki ang magiging ambag ng Reyes Cuisine sa resort na ito. So you need to talk to her as soon as possible," maawtoridad na sabi naman ng kaniyang ama na sumulpot din sa kaniyang kwarto.
"Hindi ko pa po alam kung open sila na makipag-partner sa atin. But I will try to talk to her," mahina niyang sabi.
Kakauwi lang ni Agatha at ayaw niya itong biglain sa gustong mangyari ng mga magulang niya. Matagal nang gustong magpatayo ng kaniyang ama ng isang Reyes Cuisine resto sa resort nila. Aniya ay malaki ang itataas ng sales nila kapag nangyari iyon. Mas maraming customer ang mae-engganyo na sa kanila magsagawa ng mga special events kapag ang catering nila ay ang Reyes Cuisine.
"Don't just try it Kean. Make it happen. Or else, mapipilitan akong ipakasal ka sa anak ni Mr. Aguirre upang mas lumaki pa ang resort na ito."
Mr. Aguirre is one of the biggest investor in the province. May isang anak ito na si Camille Aguirre. Magkaibigan si Mr. Aguirre at ang kaniyang ama at matagal nang gusto ng kaniyang ama na ipakasal siya sa anak nito. Tumututol lamang siya kaya hindi ito natutuloy. Ngunit ngayon ay mukhang mapipilitan siyang kumbinsihin si Agatha na makipag-partner sa kanila. Masyado nang seryoso ang kaniyang ama at alam niyang tototohanin nito ang mga sinabi sa kaniya.
AGATHA'S POV
Alas sais na ng hapon nang ako ay magising. Medyo nawala naman na ang hang-over ko kaya mabilis akong bumaba ng kusina upang kumain. Nagugutom na ako at kapag hindi pa ako kumain ay paniguradong manlalambot na ako.
Naabutan ko pa ang kapatid ko na si Nathalia na nanonood ng TV. Hindi ko na lang muna siya pinansin at nagbuklat ng maaaring makain sa kusina. Ang naka-agaw ng atensyon ko ay ang cake na nasa ref. Agad ko itong kinuha at sinimulang kainin.
"Hoy ate! Balita ko ay si Kean daw ang naghatid sa 'yo kanina?" tanong sa akin ng kapatid na nakatutok pa rin sa pinapanood.
Imbes na sagutin ay tinanong ko rin siya. "Nasaan si Mama at Papa?"
"Nasa resto sila. Pero maya maya ay uuwi na raw sila. So totoo nga na si Kean ang naghatid sa 'yo?"
Isa sa namana ng aking kapatid kay Mama ay ang pagiging makulit. Hindi ito titigil hanggang hindi nakakakuha ng maayos na sagot. Pero dahil involve si Kean, wala akong planong sagutin ang tanong ng kapatid ko.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at muling umakyat sa kwarto ko. Hindi naman na ako pinansin pa ng kapatid ko dahil busy pa rin siya sa panonood. Pagkaakyat ko sa kwarto ay agad kong kinuha ang cellphone ko.
Halos 24 hours ko pa lang hindi na-check ang cellphone ko. Maraming text ang na-receive ko nang buksan ko ito. Lahat ay galing kay Celine. I'm sure sabog din ng messages ang messenger ko.
Pagbukas ko ng data ay sunod sunod na nga ang pagpasok ng mga messages ko. Halos lagpas 100 ang messages sa group chat ng batch namin at gano'n din sa group chat naming apat nina Celine, Liza at Nancy. Hindi na ako nag-abalang mag-backread pa.
I'm okay na girls. Naka-move on na ako sa pang-iiwan niyo sa akin kanina.
When I hit the send button, mabilis na nag-seen ang mga kaibigan ko. Kanya kanya sila ng reply na ikinangiti ko na lang. Wala pa ako sa mood makipag-chikahan sa kanila.
Nag-scan na lang ako ng iba ko pang messages sa inbox ko. At literal na nabitawan ko ang phone ko nang makita na nag-chat din pala sa akin si Kean. Mabuti na lang na sa bed ko nahulog ang phone ko. Agad ko itong kinuha ulit at muling tinitigan ang screen ng phone ko.
Nagdadalawang isip pa ako kung babasahin ko ba ang chat niya or hindi. Pero nakita na niya akong online. Shocks! Pati ba naman pag-seen ng message niya ay pino-problema ko pa.
Kean M : Hi Agatha. How are you feeling?
Nangangamusta lang naman pala siya. Wala naman sigurong masama kung rereplayan ko siya.
Agatha : I'm okay now. Thank you for everything.
Ang pormal naman yata masyado ng reply ko? Everything? Seriously Agatha?
Pabagsak kong ipinatong sa kama ko ang phone ko at pabagsak din akong humiga. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko nang biglanh tumunog ito.
Kean M : Good. So I think ready ka na bukas for our dare.
Agatha : Yeah. 9am tomorrow. Pupunta na lang ako diyan sa resort mo.
Wala na talagang atrasan sa dare na ito. Isang linggo kong makakasama ang ex ko. Ang haba ng isang linggo at hindi ko alam kung anong mga mangyayari.
Kean M : Ok. See you.
Hindi ko na nireplayan pa si Kean dahil wala naman na akong sasabihin sa kaniya. Sa GC naman ng batch namin ay nagkakagulo na sila. Pinag-uusapan kasi nila 'yong dare ko na magsisimula bukas. Lahat sila ay excited at ang iba pa ay gustong sumama sa amin ni Kean kung saan kami pupunta. Napapatawa na lang ako habang binabasa ang mga chat nila. Para kaming bumalik sa highschool dahil para silang mga teenager kung kiligin.
Until I read the chat of Kean on GC.
Kean M : Don't worry guys! Every hour mag-update kami ni @Agatha sa inyo kung saan kami pupunta bukas.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa chat niyang iyon. Wala naman kasi kaming pupuntahan ni Kean. Buong linggo ay tatambay lang kami sa resort niya at magpi-picture lang ng magkasama kada oras para i-send sa GC namin. Parang bigla tuloy akong naawa sa mga ka-batch namin. Excited pa naman sila para bukas.
Magre-reply na sana ako sa GC nang biglang tumatawag sa akin si Celine. It's a group video call and of course, kasali ang dalawa ko pang kaibigan.
"What?" walang ganang tanong ko sa mga kaibigan ko.
"C'mon Agatha. I know you're not that really angry. Enough of that kind of attitude," sabi naman ni Celine na nasa kusina nila habang kumakain ng ice cream.
"So tell us some chika na. Anong nangyari kanina? Inihatid ka ba ni Kean?" sunod sunod na tanong naman ni Nancy na nasa kwarto niya at nakahiga.
"Yeah. Wala naman siyang choice dahil iniwan niyo ako," sagot ko naman sa kanila.
"For your information Ms. Agatha Reyes, si Kean mismo ang nagprisinta na ihatid ka. Mabuti naman at inihatid ka niya dahil kung hindi, yari talaga sa 'kin ang lalaking 'yan," sabi naman ni Liza na nasa may labas ng bahay nila. Mahina kasi ang signal sa kanila kaya kailangan pa niyang lumabas upang maka-join sa group call namin.
"So ano na nga? Kwento ka na dali!" excited na sabi ni Nancy.
"Wala akong iku-kwento okay? Inihatid niya lang ako kanina. End of story," sabi ko naman sa kanila.
"Alam mo Agatha, ang corny mo," dismayadong sabi naman sa akin ni Celine.
Tiningnan ko naman sila isa isa sa screen ng cellphone ko at saka bumuntong hininga. "Wala naman kasi talaga girls. Kumain lang ako ng almusal then inihatid na niya ako pauwi."
"E saan ang lakad niyo bukas?" biglang tanong naman ni Liza. Nagpapalo na siya sa may binti niya, marahil ay nilalamok na siya sa pwesto niya. Poor Liza.
"Wala. Sa resort lang. Alam mo naman 'yung tao, busy sa resort niya. Kaya do'n lang kami mag-stay for the sake of the dare," sagot ko naman.
"Seryoso ka girl? Ang boring naman no'n," komento naman ni Celine.
"Not at all sa kagaya kong writer na kailangang magsulat ng chapters," nakangiti ko namang sabi.
"Hay naku. Walang mangyayari sa inyong dalawa kung sa resort lang kayo ng buong isang linggo," sabi naman ni Nancy.
"Bakit? May kailangan bang mangyari? Naku Agatha, huwag kang makikinig diyan kay Nancy. Mas maganda ngang sa resort na lang kayo. Makakapag-focus ka pa sa pagsusulat mo," sabi naman ni Liza.
Being the pro-Kean and anti-Kean, ayan, laging magkasalungat ang mga sinasabi nina Liza at Nancy.
"Ewan ko sa inyong tatlo. Bakit ba big deal sa inyo ang dare na ito?" tanong ko sa kanila.
Or maybe sarili ko dapat ang tinatanong ko? Bakit big deal sa akin ang dare na 'yon? Ay ewan. Ilang araw pa lang ako dito sa probinsya pero parang mababaliw na yata ako.
"Basta girl, balitaan mo kami agad sa mga mangyayari ha?" excited na sabi naman ni Nancy.
"Kailan ba ako hindi naging updated sa inyo? O sige na. Saka na lang ulit tayo mag-usap usap. Maawa na kayo kay Liza. Baka maubos na ng mga lamok ang dugo niyan," tatawa tawa kong sabi.
"Buti naman napansin mo. Sige na girls. Bye!"
Liza dropped the call. Hindi na siguro natiis ang mga atake sa kaniya ng lamok.
"Sige na girls, bye!"
I also dropped the call. Hindi na ako nag-abalang magbasa pa ng mga messages sa group chat namin. Nakalimutan ko na rin ang ire-reply ko sana kay Kean sa GC. Pinatay ko na lang ang mobile data ng phone ko at blangkong tumitig sa kisame.