Nakarating na sa Lungsod ng Angeles sina Alex kasama ang magkakapatid na sina Adrian, Margaux at ang isang-taong gulang na si Jhayvee. Buti na lamang at nakahanap sila ng kotse na sinakyan nila at dumaan sa bahagi ng Megadike at lumabas sa maliit na barangay ng Del Rosario. Doon ay di na makadaan ang kotseng sinakyan nila sa sobrang dami ng mga nagkalat na abandonadong sasakyan sa kalsada kaya napilitan silang maglakad uli. Halos papalubog na ang araw at patuloy sila sa paglalakad sa kahabaan ng Sto. Cristo. May mga iilang tao silang nakikita sa kalsada na naghahanap rin ng makakain. Lahat ay nakatingin sa kanila, minamasdan ang bawat kilos. Pero imbes na matuwa sila sa kanila ay itinuturing silang kaagaw. Masama ang tingin sa kanila ng mga tao dahil batid nila na magiging kahati sila

