Basang-basa ng ulan ang kanilang mabibigat na katawan at di alintana ang sagad hanggang butong lamig na kanilang nararamdaman. Nagluluksa ang paligid sa kadiliman ng gabi at tanging mga pagbuntong hininga ang kanilang pinakakawalan para maibsan ang bigat ng kanilang kalooban sa pagkawala ng isang kaibigan. Hindi pansin ni Odessa ang bigat ng walang buhay na katawan ng kanyang matalik na kaibigan na si Calisha. Buhat-buhat niya sa kanyang mga kamay habang sila'y naglalakad kung saan ihihimlay ang mga labi ng babaeng mortal na nagligtas sa kanilang mga buhay. Sa kanyang likuran ay naroroon si Randy na umaalalay sa kanya. Si Sagaway at Demetria naman ay nakasunod din at nakikidalamhati sa sinapit ng kanilang bagong kaibigan. Si Alimog naman ay kasalukuyang lumilipad sa himpapawid at

