Practice

1003 Words
The Heart Of Geniuses By:b_phyxiaters Zaechy's POV Pagkapasok ko sa room namin, isa lang agad ang nasa isip ko at iyon ay kumpirmahin kung totoo bang si Heinz ang naglagay ng sulat na iyon sa bag ko "Hi Zae ang aga mo ata ngayon ahh" bati saakin ni Sheen habang nakapasak ang earphones sa tenga,malamang k-drama na naman "Maaga ako nagising eh" sagot ko "Zae pinapanood mo ba yung 'It's Okay to not be okay'??" Tanong niya "Hindi ako nanonood ng k-drama remember?" "Ayy oo nga pala noh? Sayang ang ganda kaya ng story nito. pero on going pa kasi kaya nakakainis antagal maglabas ng episodes!" Bulalas niya "Ewan ko saiyo halata ngang nagtelebabad ka na naman kagabi tignan mo yang eye bags mo kasing itim ng uling" "Grabe ka naman zae!" Angal niya Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang hinihintay kong tao. Dumiretso siya kagad sa upuan niya at nagpasak din ng earphones pagkatapos nun ,nahuli ko siyang nagnakaw ng tingin saakin pero umiwas din agad ng makita niyang nakatingin din ako sakanya "Good morning class! So ang gagawin niyo lang ngayon ay sagutan niyo itong nakapaskil sa board on 1/2 lengthwise tap-" hindi na natuloy ang sinasabi ni ma'am dahil bigla na namang umentrada si kyle "Pero ma'am! Paano yung booth namin?!" "Where's your manners Mr.Kyle?! Kita mo bang hindi pa ako tapos magsalita? Ikaw haa I won't tolerate that kind of behavior kung ganyan ka ililipat na lang kita sa kabilang chakang section!" Sabi ni ma'am morales kay kyle "Sorry po" "Eto na nga sasabihin ko naman di makapaghintay eh! Tatlong araw nalang bago mag end yung pagooperate sa mga booths kasi matatapos nadin ang foundation week" "kaya after niyo sagutan yan pwede na kayo dumiretso sa booth ninyo except kay Zaechy dahil magprapractice kami para sa painting contest" "kasi kung wala naman kayong miski isang quiz ngayon foundation ehh nganga ang record ninyo! ano ako mag mamagic para may mailagay dun?! Gets ba mr.kyle?" Sabi ni ma'am After umalis si ma'am na lagi niya namang ginagawa sinimulan na namin ang pagsasagot Ewan ko lang ha pero nakakapagtaka talaga itong si ma'am morales! wala daw siya ilalagay sa records eh halos tatlong beses sa isang linggo kaming pag sagutin niyan kahit hindi naman siya nagtuturo at puro instruction lang ang alam Naunang natapos si Heinz kayat pinasa niya agad yun sa secretary namin at nagayos na ng bag Kayat minadali ko na ding sagutan ang saakin at ipinasa na iyon. nag paalam na ako kay sheen at sinabing dapat maaga ako sa practice kahit hindi naman talaga para lang mahabol si Heinz na malamang ay pababa na ngayon. "Heinz! Uy Heinz!" sigaw ko pero patuloy lang siya sa pagbaba ng hagdan at di ako pinapansin Kayat hinabol ko siya at hinawakan sa braso hinila ko siya papunta sa gilid nitong building kung saan walang masyadong tao "Heinz ano ba bakit ba hindi ka namamansin?!" Tanong ko pagkatapos naming huminto At ang sagot niya ay ang isang malamig na poker face Kayat tinapik ko siya sa balikat "Diba sabi mo wala na dapat akong pakialam saiyo?" Sabi niya at tumalikod na naman pero pinigilan ko siya "Sandali lang pwede ba makinig ka muna!" "Eto nakita ko ito sa loob ng bag ko at ikaw lang naman ang humawak nung bag ko! Kaya nagyon sabihin mo kung ikaw ba si Joejo!!" Frustrated na sabi ko habang ipinapakita ang letter na iyon Hindi ko alam kung bakit pero wala akong makitang emosyon sa mukha niya "Hindi ako ang hinahanap mo" "Hindi ako naniniwala bakit ba ayaw mong sabihin?! Ikaw ang naglagay nito diba?!" Tanong ko Pero imbis na sagutin ang tanong ko, tumakbo na siya at nagpakalayo layo Hindi ko na talaga alam kung ano ba ang dapat kong paniwalaan Ilang segundo din akong napatulala bago ko napagdesisyunan na pumunta na lang ng faculty para mag ensayo dahil bukas nadin yung painting contest na iyon "Ohh Zae My dear andito ka na pala andun na sa gilid yung canvas at acrylic paints ikaw na ang bahala" sabi niya "Ahh ma'am sino po ang magtuturo saakin ng ibang tips?" "Ano ka ba! Alam mo na yun magaling ka diba? tsaka mag search ka nalang o kaya manood sa youtube naka open naman yang wifi diyan" Nakakinis ha! Akala ko ba tuturuan niya ako?! So pinagpipinta niya lang pala ako para masabing nag practice ako?! Ano bang klaseng coach ang mayroon ako nakakainis!! Sinimulan ko nang ipinta ulit ang ibon at butterflies na siyang subject ko para bukas sa contest "Ayy!" Inis na saad ko matapos mapaghalo ang magkaibang kulay Hindi ko na din alam kung bakit ba ako lutang at masyadong apektado sa letter na iyon kahit wala naman akong nararamdaman para kay Heinz. Pero feeling ko kasi sobrang lakas ng koneksyon namin ng joejo nayun kaya kahit nung bata palang ako ay hinahanap hanap ko siya sa tuwing maglalaro kami ni sheen sa park na yun at dahil din sa kakaisip mali mali na ang pinagagawa ko. "Ma'am tapos na po" sabi kang nang matapos ultin ang ipinpinta ko Lumapit saakin sa ma'am na may dala dalang ice cream na kanina niya pa kinakain "Wow ang galing!!" Sabi niya habang pumapalakpak "Salamat po" "Lemme Show this to my Chakang Co-Teachers" sabi niya feeling ko hindi niya naman talaga ako pinagpinta para makapag ensayo kundi para maipag mayabang yung art work ko sa mga ibang teachers juice colored ginamit pa ako sa kasamaan Pagbalik niya ay bitbit niya yun "Sabi ko naman saiyo eh! Napairap ng wala sa oras yung chakang Rolanda na yun" sabi niya Ang tinutukoy niyang Rolanda ay ang Baklang Adviser ng kabilang section na siyang mortal na kaaway nitong si ma'am morales Umuwi na ako sa bahay matapos yun. Sana lang talaga ay manalo ako bukas nang may maganda namang mangyari sa buwan na ito I don't know but it's really tedious to really show off your best and as a result you'll still lose. Nakakapagod na
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD