The Heart Of Geniuses
By:b_phyxiaters
Zaechy's POV
"Nasaan na ba kasi yung ballpen na yun?" Tanong ko sa sarili ko habang nandito sa kwarto at kinakalkal ang bag ko
Sinabog ko ang bag ko upang makita ang hinahanap ko
at ilang saglit pa nahanap ko na nga
pero nung ibabalik ko na sana ang mga gamit ko nang may makita akong isang maliit na puting envelope
Binuksan ko ito at nakita kong isa itong mensaheng sulat kamay
napakaganda ng pagkakasulat
_____________________________________
Dear Zae,
The feelings of love that I hold in my heart for you run deeper than any ocean or sea and even higher than any sky or mountain top
maybe you're wondering how I can say these things, the answer is because this feeling forced me to say I love you since I first met you.
Hindi kita kinilala bilang si Zae na Matalino kundi si Zae na tumulong saakin mula sa mga salbahe kong kalaro nung bata pa ako
don't ever doubt my feelings for you because loving you is the greatest risk I've ever take in my whole life.
Tanggihan mo ako kung gusto mo pero wag mong iisipin na lalayo ako sa tabi mo. l give you my heart and ask nothing more.
Loving you,
anonymous
_____________________________________
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos mabasa ang sulat na ito.
Kung matutuwa ba dahil may nagkakagusto saakin o kung maiinis dahil baka isa lang itong kalokohan ng isang walang magawa sa buhay
"Itutulog ko na lang ito" sabi ko sa aking sarili
Hihihiga na sana ako nang maalala ko kung sino ang ibang humawak sa bag ko bago ang araw na ito
S-Si Heinz?! May gusto saakin si Heinz?
Oo alam kong niloloko loko niya ako sa 'my luvs' na yun pero hindi ko lubos maisip na totoo nga siyang nagkakagusto saakin
Pero...Batang tinulungan sa mga sa mga salbahe niyang kalaro?!
hindi pwedeng siya si yun! Hindi siya pwedeng maging si JoeJo!Siya nga ba si JoeJo?!
=FLASH BACK=
Andito ako ngayon sa park na pinaglalaruan namin ni Sheen hindi ko nga talaga maisip magkaibigan na kami ngayon eh inaway ko kasi siya nung nakaraang linggo.
ganito kasi araw araw kapag nasa trabaho sila mommy iniiwan nila ako kay yaya para samahan ako at makipaglaro kay Sheen.
"Yaya where's my friend Sheen?" Tanong ko sa yaya ko
"Ahh I don't know baby you hintay lang ahh she will dating din" taglish na sabi ng yaya ko
"But yaya kanina pa po ako nag hihintay ehh!"
"Ganito na lang baby. You wait here and I buy ice cream para you Happy"
"Sige po Chocolate ahh!" Dagdag ko
Pagkatapos ay umalis na siya para bumili ng ice cream
Sa di kalayuan ay naaninag ko ang isang bata na parang inaaway ng mga kalaro niya
hindi ako nag dalawang isip na lumapit dun para makita ang mga nangyayari
"Madaya ka bakit ka sumisilip?! Taguan nga diba?" Sabi nung sigang bata sabay tulak sa kawawang batang lalaki
"H-hindi naman ako s-sumisilip eeh" utal utal na sabi nung bata
"Yabang mo porket maganda saranggola mo kahapon sirain ko pa yun ehh!" Sabi naman nung isa pang bata dun sa lalaki
Inambaan nang suntukin nung isang lalaki yung kawawang bata kayat tumakbo ako para pigilan yun
"Hoy!! Tigilan niyo nga yan!" Sigaw ko sa dalawang batang bully
"Baket sino ka ba?" Tanong nung sigang bata
"Di niyo ba ko kilala? Papa ko may-ari ng park na ito baka gusto niyong sabihin ko sakanya na wag na kayo paglaruin dito?"
"Pwede naman kami maglaro sa iba" sagot nung isa pang sigang bata
Nilabas ko ang kanina ko pa tinatago
"Diba kayo lalayas pag sinaboy ko sainyo ito" sabi ko tukoy sa laruang gagamba na mukhang totoo
ipananakot ko sana yun kay sheen
"Wahhhhh!! Gagambaaa!!!" Sabi nila habang nagtatakbo palayo
Inalalayan ko naman yung batang lalaki para makatayo siya
"Thanks" sabi niya
"Wala yon! By the way I'm Zaechy and you are?"
"Joejo tawag nila saakin" sagot naman niya
"Are you okay?"
"Yes I'm Fine,totoo bang sainyo itong park?"
"Hindi noh Hahaha loko ko lang yun sa mga batang yun para umalis sila kaso wala eh, pero gagamba pala ang kinatatakutan nila" sabi ko
Hindi naglaon ay dumating na din si Sheen at lumapit saamin
"Sorry bestie kung matagal ako,si daddy kasi nagpagupit pa. Hehehe" sabi ni sheen
"Okay lang"
"Joejo si Sheen nga pala kaibigan ko,Sheen si Joejo bago kong kakilala"
"Hi!" Sabi nila sa isat isa
Pero dumating nadin ang mommy ata ni joejo at niyaya na siyang umuwi
"Nakung bata ka saan ka ba nag susuot?? Napagod ako kakahanap saiyo! Oh eto na ice cream mo" sabi ni yaya sabay abot saakin ng ice cream ko
"Joejo sandali lang!" Sabi ko sabay habol sakanya
"Bakit?" Tanong niya
"Eto oh ice cream saiyo nalang. sabi kasi ni yaya pampa- happy daw yan, ingat ka see you ulit sa susunod" sabi ko
"Salamat" sabi niya sabay hatak sakanya nung babae na nansusundo sakanya
Pagkatapos nun ay naglaro na kami ni sheen
Lumipas ang ilang araw at linggo pero hindi na bumalik ang batang iyon sa park kahit kailan. ewan ko din kung bakit
=END OF FLASH BACK=
Si Heinz nga ba talaga si Joejo? Ang batang matagal kong hinintay na makalaro noon?
Bakit ba kinabahan nalang akong bigla?
Siguro dahil matagal nang lumipas sa alaala ko yun at ngayon na lang ulit bumalik dahil sa mensaheng ito
Kung totoong mahal niya ako anong gagawin ko? O may dapat ba talaga akong gawin?
Arggghh nakakainis nalilito na ako sa dapat kong mramdaman at isipin
Kayat pinikit ko nalang ang aking mga mata at hinayaan ang antok na magtagal nang lahat ng yun
para kahit saglit lang ay mapayapa ko naman ang puso kong hindi maintindihan ang kanyang nararamdaman