#8

2360 Words
Chapter 8 "Do you want to talk about it zeph?" "Leave me alone. Please. I want to be alone" i said bitterly. Narinig ko ang pagbuga ng marahas na hininga ng kaibigan kasabay ng pag-uga ng kama. I felt him sitting sa paanan ko. Hindi ko makita dahil nakatabon ang buong kumot sa mukha ko. "Kahapon ka pa matamlay. Nag-aalala na si tito sayo." Aniya sa mahinahon na boses. Hindi ako nagsalita. Wala akong gana makipag-usap kahit kanino ngayon. "I just want to rest. Don't i deserve to rest?" I whispered at hinarap ang kaibigan, he looked down at me emphatically. "Please. Sabihin mo na lang sa daddy na okay lang ako. Wag kako siya mag-alala" Bumuntong hininga siya at tumayo. "Okay. Sasabihin ko. Magpahinga ka na lang diyan. Don't think too much okay? Bawal yan." Naglakad na siya papalayo pero nang nasa pintuan na ay tumigil at nilingon ako. "Zeph?" Matamlay kong siyang tiningnan. "Wag kang sumuko. Laban lang" he raised a fist and smiled before heading out. Ilang minuto na pagkatapos siyang lumabas ay nakatoon pa din ang mga mata ko sa nilabasan niya. Nakaramdam ako ng konsensya. Pinag-alala ko na naman si daddy. Marahas na napakamot ako sa batok. Aakmang tatayo na ako nang may masagi akong malamig na bagay sa aking leeg. Kaagad akong nagpanic nang maalala kung ano iyon. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at hinalughog ang aking kama. I tried finding it under my sheets pero wala kaya tumayo ako sa sahig at kinuha iyong kumot. I wiggled it and i just heard something fall on the floor. I picked the thin chain necklace on the floor at halos manlumo ako nang makitang nasira iyon. The chain broke, but the ring on it is still in good shape though. Wala akong nagawa kundi isuot na lang iyon sa aking daliri. It was slightly loose on my finger since i lost a lot of weight pero hindi naman iyon siguro malalaglag. I will just check it from time to time. I looked at it fondly on my finger. Ngayon ko kang ito ulit nasuot dahil bawal noon. Pinahubad sa akin so i just kept it in chain. In my drawers. It still has a value for me, still worth keeping like a rosary. Slowly, i planted a soft kiss on it as i smiled, still fond of it like the first time kage gave it to me. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko ang ama na nag-aayos na ngayon papuntang opisina. Si van naman ay prenteng nakaupo sa sala namin habang nagbabasa ng kung anong magazine. Tumikhim ako at nilingon naman nila ako. Bahagya pang unawang ang kanilang labi ng makita akong bumaba. "Mabuti naman lumabas ka na. Nagutom ka ano?" It was van. "What do you want to eat anak? Sandali, magpapahanda ako sa mga katulong" Hinayaan ko lang ang ama. Tiningnan ko si van at nakita kong nakatuon ang tingin nito ngayon sa aking daliri. Sinundan ko ang tingin niya at nakatingin pala siya sa singsing na suot. "Ano bang iniisip mo ngayon?" He asked seriously. "I'm not giving up my man van" "Tapos kung pagsasalitaan ka niya ng masama, Magmumokmok ka na naman." Irap niya. "Nakita mo ba ang itsura ng dad mo nang makita ka niyang umuwing tulala kahapon?" "I know that you consider my dad as your second father van. Because i already consider you as my brother too" "Ano na namang drama 'to zephyrine?" He rolled his eyes. "Wala. What I'm saying is, both of us don't want dad to see me hurt. Kaya pumayag ka na sa alok ko." "And that is?" Taas kilay niya. "s**t this is heavy! Ano ba ang laman nito zeph? Bakal?" Rinig kong reklamo ni van sa likod ko. Nauna na akong pumasok sa loob like i own the place. Once i got in, i inspected the room. "Totoo nga ang sabi nila no? Kapag doktor, malinis sa katawan." i commented. "Saan ko ba ito ilalagay madame?" Sarkastiko niyang tanong sa akin. "Doon lang" turo ko sa sofa niya. Umirap siya pero sinunod din naman ako. "Saan ba kwarto ko?" Masigla kong sabi. "Doon ba?" Turo ko sa isang pintuan na nasa gitna. "Bakit? Gusto mo bang matulog diyan? Sakto! Kompleto na mga gamit diyan." "Talaga?" I smiled widely. "Oo! May shower na diyan. Bath tub, tsaka inidoro" Sarkastiko ko siyang ngitian. Ganon din ginawa niya. "Doon ka! Sa kabila. Doon ako" turo niya sa dalawang pintuan. "So...what's your plan? Share mo naman!" "Kompleto ba mga gamit mong panluto dito?" Tingin ko sa kaniya. "Hmm! Ang bango naman niyan! Pahingi!" Aniya at aakmang kukuha ng niluto ko nang hampasin ko ang kamay niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko. "Luhh! Ang damot mo naman! Pahingi ako!" Aniya at pilit na inaabot ang plato na nilalayo ko naman. "Kaden gage ba pangalan mo?" "Hindi" sagot niya, "Edi hindi pwede!" Strikto kong sabi. "Doon ka nga! Tsupi! Alis!" Masama ang mukha siyang umaalis while ranting kung gaano ako kasama at ka bully. Hinayaan ko lang siya. Nakangiti kong nilagay ang last na Tupperware sa paper bag. Yung isa ay binigay ko na lang kay van dahil mukhang kawawa naman. Tutal, libre naman ang pag stay ko dito sa condo niya so... "Magtataxi lang ako. Sunduin mo 'ko mamaya huh?" Bilin ko kay van na busy sa pagkain ng niluto ko. He just hummed. "Wag mong kalimutan. Bye!" "Ms zeph!" Gulat ni mia nang makita akong papunta sa kaniya. "Umalis po" aniya na kinatawa ko. "Hindi ko pa nga naitanong" She chuckled. "Alam ko naman po kung sino pinunta niyo eh" Saglit ko siyang tinitigan hanggang sa madapo ang tingin ko sa kaniyang computer. May naisip ako. "Mia? We're friends right?" "Ah-eh. Oo naman po! Bakit niyo naitanong?" "Can you do me a favor mia?" "Sure po! Anything" ngiti niya. Saglit akong natigilan. Naghahanap ng lusot sa magiging favor ko. "You see mia, kage and i, we're tied in this kind of relationship na walang gaanong taong nakakaalam. And he doesn't seem to value our relationship kaya ganon niya na lang ako kung baliwalain" pinalungkot ko ang mukha. Kumunot ang noo ng sekretarya. "Akala ko po mag ex na kayo?" Oh..i totally forgot na sinabi ko iyon sa kaniya. "Ah yes! But we got back together again ...last week! Kaya hindi ako masyadong nakakapunta dito dahil nagalit siya" i looked away. "Oh! Talaga?" Her mouth was shaped in an "o" now. "Yeah. See this?" Tinaas ko ang kamay at pinakita sa kaniyang singsing sa daliri. She seems beguiled of it. Nanlaki pa ang mata niya. "It's—you're—" pabalik-balik ang tingin nito sa akin at sa singsing. "Yes. We're getting married. Kaya sana may ipakiusap ako." Hindi agad siya nakatugon dahil pumirmi pa ng ilang segundo ang tingin niya sa singsing ko. "Mia?" Bawi ko sa kamay ko. "Po? I mean. O-of course ms. Mapapangasawa ka ng boss ko kaya boss na din kita. I would be more honored to serve you ms zeph" tango-tango niya. Amazed pa siya hanggang ngayon. Tumaas ang sulok ng aking labi. I didn't know this ring would be powerful to even fool someone. "Sure ka? Hindi ba nakakahiya. Malaking bagay kasi itong hihingin ko" paawa kong sabi. "No! Not at all ms." "Okay" tinaas ko ang tingin tsaka ngumiti ng malapad. "Is it possible if i could see your boss' schedule. I mean his whole month schedule?" "Ah-eh. Sure po" nagdadalawang isip man ay mabilis siyang humarap sa kaniyang computer at nagtipa doon. Ilang minuto pa ay lumapit ako sa kaniya at nakita ko sa screen na napakadami nga naman ng appointments niya doon. But what really caught my attention is.. "He will have a honor speech at a conference in Coron?" I said shocked. Doon din kami pupunta! Cali, my client's wedding will be held in westown! "Yes po. He will be staying there for 3 days." "Three days lang? Which hotel in palawan?" "Westown po" aniya na nagpangisi sa'kin. Bingo! Now I'm starting to believe in destiny. Biruin mo 'yon? Looks like he can't be able escape me now. And when i thought of some witch of a girl, I automatically frowned. "Yung babae niya—este! Si charm. Sasama ba?" "Sa tingin ko po hindi. Hindi niya naman alam ang mga schedule ni sir" May naisip ako. "Mia?" "Po?" "I want you to do something for me" i grinned devilishly. Sinabi ko sa kaniya ang plano ko and I'm shocked na hindi man lang siya nagtanong. Which was a good thing of course. "I gotta go mia. Thank you so much, at siya nga pala, Pakibigay na lang sa kaniya ito" i said at binigay sa kaniya ang paper na naglalamang pagkain. Tumango siya. I thanked him at sumakay na sa elevator para makababa. Kanina, nang makitang wala naman pala si kage dito ay nag send na ako ng text kay van, na magpapasundo ako. Baka nga nasa baba na 'yon naghihintay kanina pa. I stepped out and readied myself sa sermon ni van nang mamataan ko si kage papasok ng building. Ngumisi ako at binilisan ang paglalakad habang nakababa ang tingin. "f**k!—oh hell! I'm sorry ms" he groaned nang nagkabanggaan kami not knowing na sinadya ko iyon. Bahagya niya akong inalalayan at hinawakan pa sa siko. Napangiti ako pero nabura din kaagad nang maisip na kung ganito din ba siya ka touchy sa ibang babae. Narinig ko pa ang mahinang bulungan sa paligid. "Are you okay ms?" Tanong niya. Natatawa ko pang pinaglandas ang kamay ko sa kaniyang tiyan. Hmm..rocky abs! I love it! He took a step back awkwardly because of my move. Tinaas ko na yung mukha ko at nang matanto niya kung sino ako ay nawala ang pag-aalala sa mukha niya. Napalitan ng dilim. "I'm okay baby. But thank you for your concern" mapilyo kong ngiti. "I though we agreed to—" huminga siya ng malalim na tila nauubusan na ng pasensya. "Diba sinabi ko na sa'yo. Na wag ka ng magpakita sa akin? Ang tigas talaga ng ulo m—" "Yes. Matigas nga ang ulo ko. Kasing tigas ng abs mo" tawa ko at aakmang hahawakan na naman ang tiyan niya ng umatras na naman siya. Napanguso ako. Isa lang eh. "Don't test my patience woman. You haven't seen the whole of me just yet, baka magsisi kang bumalik ka pa." "Oh i had seen it alright. Mind you na ilang araw akong hindi nagpakita sayo dahil doon." "Then go away. Hide just like you ever did" "But baby, kahit anong gawin mong p*******t at pagtutulak sa akin, whenever i dig deep under your flaws, i would always end up remembering the days when we were so happy. Those days that you took care of me. And that's what makes me want to get you back" "I don't need your dramas zephyrine. Wala akong panahon diyan." "Pero kay charmaine may panahon ka? Bakit ako, kapag sa akin, feeling ko nauubos ko yung panahon mo sa simpleng pagtitig mo lang sa'kin?" I stated bitterly. Saglit niya akong tinitigan. I felt like he was looking deep into my soul sa uri ng titig niya. "You need to move on woman" iling-iling niya sabay talikod. "How can i move on knowing that i once had the best?" I took a deep breath. "That I once had you baby" "Had, that's the key word there lady. It only means that what we had is just a small fragment of the past, and it would be best if it stays that way. Ayoko nang maging parte ka ng buhay ko ngayon. You understand me?" Aniya at tumalikod na. "LADY! WOMAN! WHY CAN'T YOU JUST CALL ME BABY AGAIN! YOUR QUEEN!" Buong lakas na Sigaw ko at nag-echo iyon sa buong building. Napatingin na ang ibang empleyado niya sa amin. Sinalubong ko ang nanlilisik niyang mga mata. If looks can kill, i'd sure be dead by now. "Goddammit! Stop making a scene woman! You're making me the talk of my own building!" Nangigigil niyang bulong. "Tell me, anong meron si charm na wala ako? Is it because she's there for you? Or is it because she pleasures you in a lewd way? Tell me, are you sleeping in the same bed together?" Matapang kong sabi kahit na gusto kong tabunan yung tenga ko, natatakot sa magiging sagot niya. "If we are, what is it to you? For years anong gusto mong mangyari? Na maging loyal ako sayo? That i will stay f*****g faithful to you?" "Yes! Dahil sinabi ko sayong babalik ako!" I shouted at his face. He looked away, frustrated. Hinilamos niya ang kamay sa mukha. "Saan! Kelan ka bumalik! Diba ngayon lang zeph!? Ngayon ka lang bumalik! Kung saan maayos na ako! Two...two years after, bakit nung dalawang taon na yun hindi ka bumalik? O nung tatlo, o di kaya apat! Mababaliw na ko sa kakahintay zeph pero hindi ka pa din nagpakita! So what the f**k do you expect me to do!? I HAD TO SEEK FOR LOVE IN ANOTHER STRANGER'S BED TO f*****g FORGET YOU!" "Hindi kita binuo para mapunta sa iba kaden gage!" Sigaw ko pabalik. "Talaga ba zephyrine? Binuo mo ko? Winasak mo 'ko." Walang lakas niyang sabi. At sa loob ng ilang linggo kong kita sa kaniya. Ngayon ko kang nakitaan ng emosyon ang kaniyang mukha bukod sa galit. Exhaustion, and pain. That's what I'm seeing. Umiwas akon ng tingin nang lumabo na naman ang mga mata ko. Bakit ba kapag nakikita ko siyang nasasaktan at nahihirapan, bakit mas doble ang sakit nun sakin? "You said i should move on but where would i go?" Bulong ko. "Far away. Far away from me. O di kaya magtago ka, because that's what you're good at." aniya at dumako ang tingin nito sa likod ko at nakita kong tumalim ang tingin nito. "Zeph" ani ng lalaki sa likod ko. "Come on babe, let's go home" ani ng kaibigan at giniya na ako palabas. Pero bago iyon. "Kage" tawag ko. "Heads up, 'cause I'm not giving you up that easily. Magiging akin ka 'din."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD