#9

3491 Words
Chapter 9 "Zephyrine, anak" nakasalubong ko ang daddy pagkapasok ko pa lang ng bahay. He was ready to go to work. "Hi dad." I kissed his cheek. "Where's van?" Tingin niya sa likod ko. "He's at the condo. Pumunta ako dito para kunin yung iba ko pang mga gamit" "Why? Will you be staying there for good?" Kunot noo niya. "No, of course not daddy. For the mean time lang. Tsaka yung gamit na kukunin ko is para yun sa trip namin sa coron. I guess i already told you about that right?" "Oh yeah, your first client's wedding" Tumango ako. Tatalikod na sana ako nang tawagin niya ako "Siya nga pala anak. May nagpadala ng sulat sayo, kaninang umaga lang dumating" aniya at may kinuha mula sa counter. He handed me the white thin envelope at nagtataka ko naman iyong tinitigan. I looked at the back for some informations but the address and sender was unknown. Binuksan ko iyon at bahagya akong nagulat nang makita kung ano iyong nasa loob. "A note?" Ani ng ama na hindi ko alam ay nandito pa pala. "It's my note" It's the same sticky note na nilagay ko sa ibabaw ng bento box ni kage kahapon. "I guess I don't have any business here anymore so i gotta go." He kissed me on the top of my head at lumabas na. "Bakit niya naman isinauli sa akin 'to?" Bulong ko sa sarili. The notes that i wrote was still there kaya alam ko na iyon talaga yung exact sticky na nilagay ko kahapon. Unconsciously, i flipped the pink paper at nagulat ako nang makitang may nakasulat doon. It was in a cursive form of words at hindi ko alam kung si kage ba talaga yung nagsulat noon but it nade my heart drop. Especially the informal word he described me as. Stop bugging me. You're just a random b***h that left me 5 years ago. No effort could change that. "Sigurado ka bang yung bebe mo ang nasgsulat nito? I mean, sulat kamay niya ba 'to?" "Hindi ko alam" "Hindi mo alam?" Taas kilay ni van. "Hindi ko nga alam!" I snapped frustrated. "In my whole stay in his condo hindi ko pa nakita na nagsulat siya" amin ko. "You got to be kidding me" he threw his head back on the sofa. "Baka nagalit? Dahil nakita niyang magkasama tayo?" Isip ko. He looked at me like i was a joke. "Seriously zeph? Okay ka pa? Mukha ba siyang may pakialam sayo? More like sa'tin?" "I don't know. Kasalanan mo 'to eh!" Pambibintang ko. "Ano!? Paano naging kasalanan ko 'to aber!?" Hindi makapaniwala niyang sabi. "Tinawag mo kasi akong babe! Kaya tuloy ayan!" Nguso ko. "Saan ka naman pupunta?" Tanong ko nang tumayo siya. "Sa kwarto! Titingan ko lang kung tama yung dosage ng nireseta sayong gamot, Ang lala ng epekto eh! Nakakapag assume!" Tuluyan na nga siyang pumasok sa kwarto niya. Naiwan naman akong mag-isa dito sa sala. Kung si kage nga ang nagsulat no'n. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Na malaki talaga ang galit at hinanakit niya sa'kin. He wouldn't call me a b***h if he doesn't. I mean, hindi naman talaga masakit na tinawag akong bitchesa dahil totoo naman yun. I can be a b***h sometimes. Ang nakakasama lang ng loob ay yung fact na siya yung nag address sa'kin no'n. He used to be so gentle, and caring, and sweet. He was even aware sa mga salitang binibitawan niya sa'kin. Could pain really transform someone as sweet to an ass? To a cold-hearted d**k? Three weeks straight, hindi ko siya pinuntahan o di kaya lumabas lang ng bahay. Not because sumama yung loob ko sa sulat na pinadala niya kundi dahil kailangan kong tapusin yung wedding gown ni cali. At dahil wala pa akong katulong sa pagtahi no'n, ako pa mismo yung naghanap ng tela at mga iba pang beads at rhinestones. I spent almost weeks trying to sue the gown. At dahil nga rush, wala pang isang buwan ay natapos ko na iyon. No need for the final fitting, dahil kahit isang fitting man lang ay wala din namang naganap dahil yung bride...how can i say this? She's an abnormal one, i mean...Hindi siya katulad ng ibang bride na mas pinagtutuonan ng pansin ang kaniyang susuotin. Sumner said, mas tutok pa nga daw siya sa magiging venue at foods kaysa sa magiging gown. Which was a good thing, i guess. Dahil it only means that she trusts me, that I won't let her down. I just provided her a picture of it. And without any questions asked. She approved. Mas ako pa yung kinakabahan para sa kaniya dahil baka hindi mag fit o ano. Now, I'm already packing my clothes na dadalhin ko sa coron. Bukas na yung flight namin papunta doon. Magkasama kami ni van. I don't know pero nung tinanong ko siya kung pamilyar ba siya sa lugar, he said not to worry dahil hindi niya naman daw ako ililigaw. Ang gago lang! The next day, van and i woke up five in the morning. Seven pa yung flight namin pero siguro alam naman na ni van kung gaano ako katagal magbihis kaya ayun. We just took a cab dahil nga wala naman kaming bibilinan nung sasakyan namin kung saka-sakali. Bago sumakay sa eroplano ay tumawag muna ako ng saglit sa ama at nagpaalam na. And after that nag check in na kami. The flight to Coron was shorter than expected, we arrived there at exactly an hour and a half after. Nilingon ko yung kabigan at malakas na tinulak ang kaniyang ulo na nakasandal sa aking balikat. Minulat niya ang kaniyang mata while groaning, annoyed. "Nandito na tayo bakla" pa alam ko sa kaniya. "Lika na, tumayo ka na diyan!" "Eto na" he groaned at bahagya pang inunat ang kaniyang katawan na tila siya lang ang taong nandito. nakakahiya! "Saan ka pupunta?" Kunot noo niya nang papalabas na kami ng exit ng airport. "Kukuha ng taxi" i stated. Umiling siya at hinila ako sa kamay. "Dito tayo" Bahagya pa akong nagtaka nang tumigil kami sa harap ng itim na bmw. "Bakla? Kanino 'to?" Bulong ko. Napaawang ang labi ko nang may lumabas galing sa loob ng sasakyan na isang naka itim na lalaki. Mas lalo akong nagtaka nang kunin niya ang bagahe galing sa kamay ko. "Uhh?.." "Pasok na" ani ni van at pinagbuksan ako ng sasakyan. "Ang sosyal naman pala dito! Akalain mo, yung grab car nila bmw!" Nahihiwagaang sabi ko sa kaibigan. Nalolokang tiningnan niya ako pabalik at binatukan. "Gaga! Hindi 'to grab car tanga!" "Ah hindi ba? E bakit—" napatigil ako sa pagtatalak ng subuan niya ako bigla ng buong tinapay sa bibig. Gusto ko siyang sigawan pero puno yung bibig ko. I just groaned. "Kumain ka na lang. Ang ingay mo" he mumbled. "Okay na po sir? Kayo lang po?"tanong nung driver. Tumango si van at pinaandar na nung manong yung sasakyan. "Believe it or not, yung hotel na tutuluyan na'tin. Kay dad yun." "Talaga? Ang yabang mo naman" biro ko kahit na nagulat din ako. "Gaga ka ba? Pinapaalam ko lang" ani nito. Ngumuso lang ako at tumingin sa bintana. All i can see were all greens and blue. Walang masyadong building dahil halos lahat ng dadaanan mo ay bangin, dahil puro dagat yung nakapaligid. I totally need this place. I totally need the rest. Matagal na din na hindi ako nakakita ng dagat o nakapag relax. Dahil unang uwi ko pa lang dito ay puro sama ng loob na yung natanggap ko mula sa mala chicks na si kage! "Nandito na po tayo" said by the driver after a 15-25 minutes ride. I looked out and i saw this very fascinating and high end hotel. Ang cute kasi nung architectural design, mukhang inspired by Greece. All white and blue! Tapos ang relaxing pa sa mata tingnan. Hindi katulad nung ibang hotel na puro glass, kulang na lang pati yung bubong iga glass! "So what do you think?" "Impressive" tango-tango ko. "Uhuh" he made a sound, bragging. "Mayaman ka?" Lingon ko sa kaniya, "pautang. Mayaman ka pala eh" tawa ko nang mag face palm siya. "Bayaran mo muna yung isang milyong dolyar na inutang mo" napatuptop ako ng labi. Sana pala hindi na lang ako nagsalita. I faced the entrance at nakita kong nakatayo na yung mga employees doon. They have this neat formation pababa ng stairs. It was cute! Yung isa naman dito sa likod ko, feeling niya prinsipe na siya nang batiin siya ng mga empleyado niya in a synched tone. Van let the employees get our bags while we were being shown at our room. At sinabihan ko naman sila na ingatan yung bag garment doon na naglalamang gown ni cali. Patay ako kay sumner pag nagkataon. Isa lang ang kinuha naming kwarto ni van. Wala naman akong nararamdamang awkwardness o ano. Same to him. Walang malisya dahil ang turing namin sa isa't-isa ay talagang magkakapatid lang talaga. He even sit on my lap sometimes, that's how wholesome we are. Kakapasok pa lang ng kwarto, ang unang namataan ko na ay yung higaan, it was like it has a magnet on it, unti-unti akong hinihila palapit sa kaniya. I felt the urge to lay there and sleep kahit ilang minuto lang. ngayong lang talaga ako nakaramdam ng antok. Aakmang ibabagsak ko pa lang ang sarili sa kama ay tumunog na yung cellphone ko sa loob ng bag. I groaned loudly pero inabot pa din naman iyon. "Whoever the f**k this is, i swear—" "My God zephy! Ang bunganga mo!" Reklamo ng pinsan sa kabilang linya. "What do you want? Matutulog ako. Ang istorbo mo" irap ko. "Matutulog? It's broad daylight! Sandali, nasa resort ka na ba? Nakarating na ba kayo ng friend mo?" "Uh yeah, obviously" "Great! Sakto! Pababa na din kami ni cali, kasama yung ibang friends namin. Come on, get up! Don't be lazy! Meet us at the shore after 10 minutes" "You do know na pinapalibutan tayo ng dagat ngayon diba? Which shore?!" "Oh uh...sandali lang!" Narinig kong may kinausap siya sandali bago tumatawa na nagsalita ulit. "Malapit daw sa mga floating cottages?" "K" was all i said before lazily getting up. Might as well get out, nawala na yung antok ko nang marinig ang energetic na boses ng pinsan! Ang saya lang! Mark the sarcasm. "Saan ka pupunta?" Tanong ni van nang makita akong hinahalughog ang aking maleta. Kinuha ko galing doon ang isang maong shorts at isang knitted lace bralette. I wore my shades and flipflops. Nilugay ko din ang buhok na kagagaling lang sa pag braid. I smiled when it turn into a slight mermaid curls. If only my hair was long, mas magmumukha iyong maganda. "Magbihis ka na. Lalabas tayo. Nangyaya ang pinsan ko" mabuti naman at hindi na siya nagtanong pa ang nagbihis na lang din. I looked weirdly at the people nang mapansing halos lahat ng empleyado doon ay binabati si van nung dumaan kami sa hallway. Van seems to like the attention though, laki ng ngisi eh. Hindi ko na sinita pa. "Saan ba ang floating cottages dito?" Lingon ko sa kaniya. Nauna na siya sa paglalakad habang ako ay panay ang ayos sa buhok dahil nagugulo dahil sa lakas ng hangin sa dalampasigan. Ilang minuto pa ay namataan ko na ang cottages. It was luxurious it kinda gives me a Maldives vibes. Sana pala dito na lang ako nag check in, mas peaceful pa. Imagine waking up with the pristine blue waters surrounding you? The sea salt air and the euphoric feeling of the splashing waves? "Sila na ba yun?" Turo ni van sa grupo ng babae hindi kalayuan sa'min. Pinaliit ko ang mata at tumango nang matantong isa nga doon sa kanila ay si sumner. "Oo. But wait" pigil ko. "Bago tayo lumapit sa kanila, heads up lang, my cousin, sumner, she's quite loud, sobrang tinis ng boses niya kaya baka mairi—" "Who?" Kunot noo niya. Nagulat din ako nang hawakan niya ako sa pulsuhan. Like he was so eager to know something. "Sumner, my cousin. Teka nga.." i shook his hand away. But before i could further say anything ay narinig ko na ang nakakairitang boses ng pinsan. "Zephyyyy!! Mabuti naman nandito ka na. Sino itong kasama m—" kumalas siya sa yakap at bumaling sa katabi ko, nanlaki ang kaniyang mga mata nang Dumako ang tingin kay van. Ganon din ang reaction ng kaibigan kaya kumunot yung noo ko. "Van?" Sabay-sabay na sabi ng mga kasama ni sumner. "Vasilius! Ikaw ngaaaa!!" She shouted and energetically clung her arms on van's neck. Strangling him on a tight hug. Van's hand was in mid air, like he was afraid to let it touch her back. Umawang ang labi ko sa ginawa ng pinsan. "S-sumner? Anong ginagawa mo dito!?" Gulat ni van. "Wait! You two know each other?" Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Napabaling ang tingin ko sa kaniyang mga kaibigan nang bahagyang tumawa ang mga 'yon. I turned to them and i saw them looking at someone inside the restaurant. "Teka, sinong ikakasal sa inyo? Ikaw ba liya?" Turo ni van doon sa isang morenang babae. Umiling ito. "Not me" "Ikaw chaz?" Baling niya sa isang walang emosyon na kasama nila. She looks lifeless though. "How i wish" she almost whispered and looked away. Kumunot ang noo ni van. Bumaling siya kay cali na malapad ang ngiti. "Carolina, don't tell me..." he chuckled. "Ako nga! Finally diba!" Malakas na tili ni cali. "Congratulations!" ani ni van and hugged her. "You finally got your man" "Thank you. Mabuti naman nandito ka. It's been too long since we've saw you." "Almost seven years" "Right! For no apparent reason, umalis ka" I don't know, but i think i saw cali looking secretly at sumner who was clueless. Nakangisi si cali kaya alam kong may tinatago sila. "Van! You should talk to sumner! Alam mo bang na miss ka niya?" Ani nito at hinila si sumner sa braso. "Huh?" My cousin obliviously asked. Van just chuckled and scratched the back of his neck. "Vasilius bryant! The f*****g hell! Are you blushing!?" I exclaimed when i saw his cheeks reddened. WHAT THE f**k!? Is this true? What I'm seeing? Is he really?...Fucking blushing? "I'm not. Ang init lang dito sa labas" kunwaring payapay niya pa sa sarili. "So ikaw pala yung sinasabi nitong pinsan ko na isasama niya dito? So tell me, how did you two met?" "At the states. She was my patient" my cousin looked at me when she got her answer. Tumango-tango siya. "Kayo? Pano kayo nagkakilala?" Tanong ko naman sa kanila. "We studied at the same school back in the province. We were in college while vasilius here was in his med" sagot nung liya. "Wow! What a coincidence. kaibigan mo din pala itong si van" exclaimed the girl called liya? "Indeed. Kaya nga nagtaka ako na hindi niya man lang naikwento sa akin yun" i glared at van. "For your information, hindi mo pa sinasabi ang pangalan nitong pinsan mo sa'kin. You never mentioned her name kaya how would i tell you?" "Oo na lang" napangisi ako nang makita kong nagnanakaw siya ng tingin kay sumner. Looks like my friend isn't as gay as he claim he is. Nag-aya na silang mag breakfast kaya sumama na lang din kami dahil nagutom na din kami. Nauna silang maglakad samantalang kami ni van ay nasa likod nila nakasunod. Hindi pa din nilulubayan ng tingin ni van si sumner kaya tinapik ko siya. "Stuy! Baka matunaw ah?" Lapit ko tsaka bulong. Pasikretong sinamaan niya naman ako ng tingin na nagpatawa sa akin. "I don't know what you're talking about" "Baka nakakalimutan mo? Halos kapatid na kita. Saulado ko na lahat ng galaw at tingin mo. Kahit nga hininga mo nakikilala ko." "Tumahamik ka zephyrine dahil kung hindi—" "Does she even know?" Hindi niya na sinalubong ang tingin ko pagkasabi ko no'n. I smirked. Bingo! "Isusumbong kita" Nauna na ako sa paglalakad at aakmang tatapikin ang pinsan nang maramdaman ko ang paghapit ng malakas na kamay sa aking beywang kaya napaatras ako. "Stop it! Hindi nakakatawa" seryosong sabi ni van na ngayon ay nakahawak na sa beywang ko ng may kalakasan. Mukhang walang balak na pakawalan ako sa takot na tumakbo muli papunta sa pinsan. "Wow. Serious" nguso ko at tumahimik na lang ng samaan niya ako ng tingin sa ikalawang beses. Ngayon lang ako natakot sa kaniya ng ganito. Minsan lang kasi siya magseryoso. And you know what they say, kung sino pa yung tahimik at mapagbiro, sila pa yung mas nakakatakot kapag nagagalit. "Not a single word to her zeph. Do you understand?" Mariin niyang sabi. I looked at his face. "Hindi niya alam no?" Umiwas siya ng tingin. Ngayon ko lang nakita ang kaibigan na ganito, nakakapanibago. "Kaibigan lang ako para sa kaniya." Aniya. Bahagyang naawa naman ako. "How long?" Seryoso kong tanong. "Ano?" Kunot noo niya. "How long have you been acting all gay for her?" "Seven years." Tumikhim siya. "Since the day i met her. Since i knew that someone had already owned her heart" "That sucks. E bakit pati sa'kin nagkukunwari kang bakla?" "I already told you. You look like her. You remind me of her" "What the—So you're not really gay?!" Awang ng labi ko. This is so shocking! Ibinuka niya ang bibig at may sasabihin sana nang may bumangga sa kaniya sa likuran, dahilan ng muntikan niya ng pagsubsob. Nagsalubong ang aking mga kilay lalo na't marinig ang pag-igik ng kaibigan, bahagya kasing tumama ang kaniyang binti sa corner ng lamesa malapit sa amin. Kaagad akong dumalo sa kaniya. "Okay lang ako" aniya. "Baka magkapasa? Patingin ako" bahagya kong hinawakan ang kaniyang binti at narinig ko siyang nagreklamo sa sakit. Tiningnan ko iyon at namumula nga. Angrily, i looked back on the man na bumangga sa kaibigan. Sinadya man o hindi, dapat siyang humingi ng tawad! "It's his fault. He was on my way" Natigilan ako sa boses na iyon. Tinaas ko ang tingin ko sa mukha nung lalaki at umawang ang aking labi nang matantong si kage iyon. What is he doing here?! Then i remembered. Oo nga pala, kahapon ang schedule niya papunta dito. How can i forget? Wait! I secretly looked at his back at bahagyang tumaas ang gilid ng aking labi ng matantong walang charm na nakasunod doon. Nice work mia. "Good" ani ko nakangiti pa rin pero nang makitang nakataas ang kaniyang kilay ay gusto kong batukan ang sarili. "I mean, what the hell is your problem?" "This is a public restaurant. What do you expect me to do? Pave a way while you two couple flirt freely in the middle?" "Hindi kami naglalandian!" "Really? Then explain to me why that boy's hand is on your waist huh?" "Because!" I looked away nang maalala na hindi ko pala pwedeng sabihin sa kaniya ang rason, "well anyways, the damage is done, wala na tayong magagawa. All you have to do know is to apologize to my friend. Because of your jealous remarks, nasaktan siya." halukipkip ko. He scoffed. "Jealous? Who? Me?" He pointed at himself unbelievably. Tumango ako. "Nice imagination sweetheart and I'm sorry to burst your bubble but I'm not jealous" he grinned. "Uhuh." Bahagya akong natawa nang makitang sumama ang mukha niya, mukha siyang napipikon na. "I'm not apologizing to your boyfriend missy. And I'm glad that i caused him a bruise." His eyes landed at van na sapo-sapo pa din ang masakit na binti. "Serves him right" He mumbled the last words kaya hindi ko na masyadong narinig. "Ano 'yon?" Bahagya ko pang nilapit ang aking mukha at tenga para marinig siya. Napalunok ako nang nilingon ko siya ulit. Natanto ko kasi napasobra yung paglapit ko dahil ilang inches na lang ang layo ng mukha namin. My breath hitched as my heart starts to thump faster than normal. Ako yung unang nagbaba ng tingin at lumayo while he was still staring at me. Napalunok ako. "I-i'm not gonna force you then. Just don't do that again. Ako talaga makakalaban mo kapag sinaktan mo pa si van" I saw how his jaw tightened bago ako tumalikod. Pinuntahan ko na ang kaibigan at bahagya pa akong nahirapan sa kaniya kaya lumaput na din si sumner para alalayan din siya. Noong una ay nahihiya pa si van pero hinayaan din naman kaming alalayan siya. Once na napaupo na namin siya sa table namin ay nilingon ko ulit si kage at wala na siya doon sa pinag-iwanan ko sa kaniya. Nilibot ko yung tingin ko at nakita ko siyang nakaupo na doon sa isang grupo ng kalalakihan sa kabilang table. I looked away hastily nang matantong hindi niya pa din inaalis ang tingin sa akin, kasama yung isang lalaki na nakatingin din dito sa banda namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD