Chapter 22
Wala na akong pakialam kung nakita niya man akong umiiyak. Atleast he would know how much pain he put into me. On how a jerk he can be!
I was gonna fully burst kung hindi pa ako makaalis doon. The moment my feet step foot on the aisle, i already felt shivers. But i was dumb enough para tumuloy pa. Sana ay hindi na lang. Now I'm fully regreting it. I just feel like this whole wedding thing is not for me. Now i know how much anxiety Weddings can give me.
I ran and ran, bitibit ang sapatos ay walang tigil akong tumakbo paalis doon. I let my feet tell me where to go. I didn't care less kung malayong malayo na ako doon. Gusto ko lang makapunta sa isang parte ng isla na walang tao.
And when my feet step foot on the slightly wet sand, tuluyan na akong napaluhod at hinayaan ang sarili na humagolgol. I let myself be since No one can hear me.
Ang sakit, sobrang sakit. In hopes that i can make my dream come true, i broke myself, in hopes that i can gain back my man, in hopes that..that i can have my own dream wedding...
It's just unfair! Kung noon ay ayoko pang maikasal, pinilit niya ako! He made me believe that i would be happy once i marry! Now, I'm the only one left believing. I'm the only one left hoping for a second chance. And unfair niya!
"Ang unfair mo kaden gageeee!!" Sigaw ko sa dagat. "Ang unfair mo" i sobbed. "Bakit? ikaw lang ba nasasaktan? Ikaw lang ba ang nahirapan? Nahirapan din naman ako ah?" Bulong ko sa sarili habang umiiyak pa din.
If i can't be a bride, then what am i? What is my purpose? Bakit pa ako binuhay para saktan lang ng ganito? Hindi ako nagpumilit na mabuhay para patayin lang ng ganito.
"If I can't have him..why did i even keep this?" Dumako ang tingin ko sa kamay na puno ng buhangin. The ring was still on my finger. Sinuot ko ito nung mga araw na paunti-unti kaming nagiging okay ni kage. Ngayon na nagkalabuan na naman...
I harshly slid the ring off my finger at nilapag iyon sa isang gilid. My eyes searched on the sand then grabbed a big and sharp shell, 'yon ang ginamit ko para maghukay.
Minutes later, tumayo na ako at pinagpagan ang sarili. Tinitigan ko ang parteng iyon ng buhangin na kung saan ay nakalibing ang engagement ring na binigay ni kage. I dropped the shell on top at naglakad na paalis doon.
"Oh my God zephryine kanina ka pa namin hinahanap!" Salubong ng pinsan sa akin. "Saan ka ba nangga--oh my God! What happened to you?" Napatabon siya sa bibig. Kaagad niya akong dinaluhan.
"Zephyrine linnet! Where have you been--oh damn!" Napaatras ang bagong dating lang na si van.
"What's wrong?" Kunot noo ko. This two are acting weird.
"Anong what's wrong? What wrong with your face!" My cousin gasped.
Napahawak ako sa mukha. "Bakit?"
"You look like you've gone through hell" ani van.
"I did, i just faced satan himself" i said with a straight face.
"I have to go, Tawag na 'ko." Ani van ng may lumapit na sa kaniyang staff. "do me a favor sumn, pwede mo ba siyang bantayan? Baka saan saan nanaman magpunta" he glared at me.
"Sure, no problem"
"Tsaka pakiayusan na din, she looks like a salvaged ghost"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mag-uusap tayo mamaya" aniya at umalis na. Hinarap ako ni sumner atsaka humalukipkip.
"Why is your mascara and lipstick smudged! And your dress—your dress is full of sand! Ano bang pinagagawa mo! Saan ka ba nagsusuot?!'' Sumner exclaimed habang pinapagpagan ang suot ko. "halika, let's get you cleaned up'' akmang hila niya pero pinigilan ko siya.
"can't i just skip the reception?"
"Bakit? Masama ba pakiramdam mo?"
"yeah"
"Okay ka lang? May lagnat ka ba?" Sapo niya sa noo ko.
"Itutulog ko na lang 'to"
"O sige. Ihahatid na lang kita sa kwarto niyo" aniya at tumango na lang ako.
Hindi naman na nagtanggal ang pinsan dahil kailangan niya ng bumalik sa reception ng kaibigan. I entered the room at pagod na ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi na ako nag-abalang magbihis dahil sa tinamad na at sobrang bigat na din ng talukap ko kahit na wala naman akong masyadong pinagagawa.
Ilang minuto pa ay nakatulog na lang din ako. Umaga na ng makagising ako. Bumangon ako at nakita ko si van na kakalabas lang ng banyo.
"Morning" aniya at hinarap ako. "Hindi ka man lang nag-abalang magbihis. And you have smudged make up on your face." Tinapunan niya ako ng tuwalya. Napatawa siya ng sakto iyong tumama sa aking mukha.
"f**k you" malutong kong mura. Imbes na magalit ay tinawanan lang ako.
"Go take a shower. You look like you have hangover" aniya. I cussed at him once again bago siya sinunod.
"Tapos na ba ang kasal?"
"Malamang. Umaga na e"
If we weren't in public, kanina ko pa 'to nahampas, kaya na kuntento na lang ako sa pag-irap.
"Ayusin mo vasilius, nangigigil ako sa'yo" mariin kong sabi. Bahagya siyang tumawa.
"Totoo naman kasi e. Tapos na. And the newly weds aren't here anymore. They already left for their honeymoon"
"Where?"
"I don't know. Hindi naman ako chismoso para pati iyon ay alamin ko diba?...But i heard it's abroad" kibit balikat niya.
"Hindi ka pa chismoso sa lagay na 'yan?" Iling ko. "So, uuwi na tayo?"
"Oo"
"Great." Ani ko at kumain na lang din. Hanggang aa may maalala ako.
"By the way, sinong nakasalo ng bouquet?"
Napataas ng kilay si ang kausap.
"Why do you wanna know?"
"Bakit? Bawal ba malaman?" I said in an attitude tone.
"It was the girl kage was with" aniya.
"Ahh" I remained my gaze on my plate, nagkukunwaring walang pakialam kahit na baliktad ang nararamdaman.
"Charmaine?" I drank straight from my glass. "Let me guess, si kage ang sa garter?"
Van looked at me for a couple of second like he was testing my reaction.
"Kung bumalik ka lang sana sa reception kagabi, di sana ay ikaw ang nakasa—"
"Wala din namang silbi, so bakit pa?" I said bitterly but tried enough to maintain a straight face. "Hindi ako gano'n kasabik sa hawak niya no"
Natahimik na kaming pareho ng ilang minuto bago siya nagsalita ulit.
"I'm just kidding, it was sumner"
"Ang ano?" Kunot noo ko.
"Ang nakasalo ng bouquet" aniya sabay tawa.
Napasimangot ako.
"Asshole" i murmured looking at him.
"You're face is priceless though." He chuckled.
"So assume tavis was the one who caught the garter?"
"Yeah, he did. Paanong hindi ay halos lahat ng nakatipon doon ay sinasamaan niya ng tingin."
"Talaga? Pati ikaw sinamaan niya ng tingin?" I looked at him.
"Oo"
Napatawa ako.
"So inaamin mo na nag-abang ka din nang makitang ang pinsan ko ang nakasalo ng bouquet?"
Natigilan siya na tila ngayon niya lang na realize ang sinabi niya.
"Iba din" i said in a teasing tone sabay tawa ng malakas.
Papalabas na kami ng resto nang makasalubong namin ang pinsan kasama ang kaniyang kasintahan. Nakahawak ito sa kaniyang beywang na tila walang balak na pakawalan siya. Doon pumirmi ang tingin ko hanggang sa magsalita siya.
"Tapos na kayong kumain? Sayang naman. Sana nagsabay na lang tayo" nguso niya.
I just smiled slightly.
"Next time na lang sumn" ani ng katabi ko. Napatingin ako sa kaniya.
"Sure!"
"What next time?" Nagulat ako nang magsalita si tavis. Mariin ang tingin nito kay van. Pinandilatan ko ang pinsan.
"Ano kasi trav, pupunta din naman ako paminsan minsan sa bahay nila zeph, at since magkaibigan sila nitong si van, expected na nandoon din siya minsan, at hindi maiiwasan na magbreakfast kami ng sabay" she explained in a low voice.
"Ah oo." Tanging ambag ko bilang back up. "Ano, ah..aalis na kami. Aalis na tayo" hila ko sa damit ng kabigan.
"Uuwi na kayo sa maynila ngayon?" Tanong ng pinsan bago pa kami tuluyang makaalis.
"oo. Mamaya"
"Bakit naman? Why won't you guys stay for another two days? Nag extend din kasi kami, tapos sabay na lang tayong umuwi. It'll be fun. Maga-island hopping tayo"
Lihim akong napangiwi. "Will kage be staying too?"
"I think so"
"I think i'll pas—"
"Sure." Napatingin ako sa kaibigan nang bigla itong sumabat. Lihim ko siyang siniko.
"We already have tickets" mariin kong sabi kay van.
"It's okay. I'll just get you guys another one" ngiti ng pinsan.
"Magastos" ani ko.
"Since when did you start caring about how much you spend cuz?" She chuckled.
"Baby, if your cousin doesn't want to. 'Wag na natin siyang pilitin" i could actually thank tavis right now for standing up obliviously for me.
Nagulat ako nang hawakan ako ni sumner sa kamay. "Please zeph? I want to bond with you, ilang taon din tayong hindi nagkita" she puppy eyed.
Tinitigan ko siya ng ilang minuto.
"Bakit nga ako ulit pumayag sa hiling ni sumner?" I asked van while unpacking my things and putting it back to the room cabinet.
"Because you love your cousin that much that you can't decline her"
"Fair point. Pero pwede pa bang bawiin?" I grunted. Ngayon ko lang naalala ang consequences ng pag stay ko dito.
I heard him chuckle. "Nope" he said popping the 'p'
"Your kage and charm will be extending their stay" van informed na tila hindi ko narinig iyon kanina kay sumner. Tiningan ko siya at nang humarap siya sa akin ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Kaya.nga" mariin kong sabi at hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin. He looked away like he was guilty of something then breathed harshly.
"Look, if you want, i could just tell your cousin to cancel our extend." He said in a guilty tone.
"It's okay. Naka oo 'ka' na" Ani ko kahit kating-kati na akong umalis dito.
"You're making me feel guilty"
"Don't be, sadyang nagpapalakas ka lang talaga sa pinsan ko" i grinned to make him feel better.
"Stay here. Tatawagan ko lang ang daddy mo. I'm just gonna inform him na hindi tayo makakauwi ngayon" ani ni van tsaka lumayo na ng konti.
Umupo ako sa may sun lounger. Nasa tapat kami ngayon ng beach. Sumner texted me na dito daw kami magkikita-kita dahil nag-aya siyang mag swimming na naman. She just can't get enough. Palibhasa hindi umiitim.
"Can i seat here?" Napataas ako ng tingin nang may magsalita. It was none other than the silent clover.
"Sure! Bakit hindi" ani ko sabay tawa ng bahagya. Umupo naman siya sa tabi ko.
Ilang minuto din kaming tahimik lang dahil nahihiya naman akong kausapin siya. Our short talk last time didn't lessen the awkwardness whenever we're alone together.
"Are you okay?"
Napabaling ako sa kaniya nang magsalita siya.
"Oo naman" ngiti ko. "Ikaw?"
Hindi siya tumugon kaagad. Saglit niya akong tinitigan ng malalim, like she was looking straight on my soul. Bahagya naman akong nailang.
"I know you're not okay" mahinahon niyang sabi.
"Huh?"
"You seem to be fine on the outside, but from the inside, i know you're not." Bulong niya at tumingin sa harap. "I know because I've been there. I still am."
"Why..are you telling me this?"
"that man kage hurt you, am i right? Don't deny it, tahimik lang ako pero nakikinig ako sa tuwing nag-uusap ka'yo ng mga kaibigan natin" humarap siya sa'kin. "He said something hurtful, that's why you're forcing yourself to hate him even though you feel otherwise"
How can someone as silent talk more sense than any normal person?
"If you want to hate him, then feel free to do so. Sana lang ay 'wag kang matulad sa'kin." She whispered then stared at something on her arm. It was a chain bracelet. She stared at it then smiled lightly but eyes with pure loneliness.
"You must be miserable because of your lover's death" ani ko.
"Death is not the greatest loss in life, the greatest loss in life is about dying inside while living." Tumaas ang gilid ng kaniyang labi. "Yon ang mas masakit"
"How did you manage to hold on?" I stared at her bracelet that she holds unto like it was her lifeline.
"It's easy. I just think of him. On the memories we shared together." She smiled as if she's imagining the past scenarios in her mind.
"Hanggang kailan? Wala 'kang balak na bumitaw?"
"Give up? Who? Me? Giving up on the person that loved me at my worst? Never" iling niya. "Hindi siya madaling kalimutan. And as much as possible, i think of him every single day. I'm afraid that i'd wake up one day forgetting his face"
Ilangg minuto ulit kaming natahimik. Tanging ang hampas lang ng alon ang nagsisilbing ingay. I looked at her and she looked like someone who can be trusted. So i ended up telling her what happened to me, starting with me sickness and up to the present.
"I had a chance for another life. Away from life of grief.. from despair. He was my motivation. Now I'm starting to doubt, is he really worth the fight?" I whispered.
Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo.
"I'm not forcing you to hold on like what i'm doing zeph. At the end of the day, nasa iyo pa din ang huling desisyon. But mind you that you didn't fought yet. Do you really want to give up on someone who became your reason for living? Gusto mo bang matulad sa akin na nagsisi sa huli dahil hindi man lang nagawang lumaban para sa ikakaligaya ko?"
Saglit akong natigilan. Then i came to my senses.
"Can you do me a favor? Pakisabi sa lalaking kasama ko na may pupuntahan lang ako saglit. I'll be back" mabilis kong sabi at tumakbo na.
Minutes later, i just found myself looking for the exact spot where i buried my ring at. I was walking here and there, looking down trying to remember. Ilang minuto din ang tinanggal ko doon bago ko nahanap ang isang shell, this was the same shell na ginamit ko sa paghukay ng buhangin kahapon. Mabuti na lang ay wala talagang masyadong pumupunta dito kaya hindi man lang nagalaw.
My long nails were getting sand because of all the digging. Marahas kong hinahawi ang puting buhangin. Bahagya na din akong hinihingal. Sa pagkakaalala ko ay hindi iyon masyadong malalim. Pero may pagka malalim na 'yong nahukay ko, wala pa din 'yung singsing.
"Nasaan na 'yon?" Naiiyak kong kausap sa sarili. I was starting to panic. "Nasaan na 'yon!!" My voice cracked.
Naghukay pa ako ng naghukay. Wala na akong pakialam kung anong iisipin ng makakita sa akin. Kung may makakita man. I was desperate to find the ring, my ring!
I was cursing at myself repeatedly. Kung bakit kasi ay nilibing ko pa iyon dito e! Baka nadala na ng alon o ano!
"Pero imposible kasi e! Yung shell nga ay hindi naalis sa pwesto niya e!" Hagulgol ko.
Nanghihina akong napaupo. Pinahiran ko ang pisngi gamit ang kamay na puno ng buhangin. I didn't want to give up. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita ang singsing ko!