CHAPTER II

3289 Words
GIOVANNI     “Shhh,” iyon ang unang salitang narinig ni Gio kay Dean. Wow, sa isip-isip ni Gio. Mas malaki at ang boses ni Dean sa personal kaysa sa naririnig niya sa pelikula at TV. Nagtataka si Gio, ano namang ginagawa ng award-winning teen actor sa lugar na ito? E, ‘di ba, pang mga baguhan lang ang mga ganitong auditions?     “Sabihin mo munang ikaw si Dean Valli,” may kaunting pahiwatig ng pagbabanta sa boses ni Gio. “Kung hindi--”     “Oo na. Ako nga ‘to.” sabi ni Dean habang lumilingon sa paligid, sinisigurado na walang nakarinig sa maliit na insidente. “‘Wag ka na lang maingay, please.”     Mabagal ang usad ng pila at habang tumatagal mas dumadami pa ang tao sa paligid. ‘Di pa rin makapaniwala si Gio na kasama niya si Dean Valli. “Idol ko po kayo,” bulong niya kay Dean. Mas matangkad ito ng ilang pulgada sa kaniya. Siguro nasa 6’ ang height nito.     Kumunot ang noo ni Dean. Kahit naka suot ito ng shades at face mask na may kasama pang pekeng facial hair o balbas nakikita pa rin ni Gio ang ekspresyon nito. Hindi siya makapaniwala na may kasama siyang artista na malapitan niyang nakikita at nakakausap pa niya.     “Bakit naman?” nagtataka ang tono ni Dean na para bang walang bilib sa sarili.     “Of course, award-winning ka. Napanood ko na lahat ng tatlong pelikula mo.” unti-unting nagiging komportable si Gio kay Dean. Hindi niya inasahan na magiging ganito kagaan ang kanilang interaksyon, lalo na niya sa isang artista. “‘Di ba nga ‘yung dalawa doon sumali sa mga international film festival, sa Busan saka sa Cannes?”     “Uhh, yeah.’ Nakita ni Gio na gumalaw ang suot niyang face mask, napangiti siguro.     Marami din namang nag-uusap sa paligid. Halos nagkakagulo na nga ang mga tao. Sa ‘di kalayuan naririnig ang pagtawag sa mga numero ng mga auditionees. Abala ang ilan sa pag-aayos ng sarili, pagsasaulo ng kani-kanilang mga linya at ang iba naman ay kumakain. Mahirap na rin kasing iwanan ang linya kahit may numero ka na.     “So, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko,” pagpupumilit ni Gio. Sa loob-loob niya sana ‘di na lang nag-disguise si Dean para makita na niya ang buo ang mukha nito na nakikita niya lang sa mga pelikula at TV. Panigurado, surreal moment na naman iyon para sa kaniya.     “Uhm, I just want to try something new,” makahulugang sambit ni Dean.     “Anong ibig mong sabihin? Social experiment ba ‘to?” pagbibiro ni Gio kay Dean.     “Kinda,” sabi ni Dean.      “Para saan? Nga pala, tagal din kitang ‘di nakita sa pelikula at TV parang mga isang taon na? Sabi sa mga tsismis nag-live in na raw kayo sa France ng french producer na si Red Hairiseff sa pelikula mong Palahaw kaya nawala ka,”     Biglang natawa si Dean sa sinabi ni Gio. Nakatitig lang si Gio sa binata, pilit inaapuhap ang mga mata nitong nangungusap sa likod ng suot ng shades.     “That’s not true. Red is a good man and he’s my friend. Hindi gano’n ang tingin niya sa akin. After I come out as gay sa public before Palahaw mas lalong dumami ang mga kontrobersya at mga pangalan ang ikinakabit sa akin,” napabuntong hininga si Dean. “I don’t even know if I made the right decision to come out. It’s really exhausting.”     Halong simpatya at pagkabilib ang naramdaman ni Gio para kay Dean. Simpatya kasi ngayon lang nakikita ni Gio ang ganitong side ng isang artista, na sa kabila ng glitz at glamour na hatid ng pagiging nasa spotlight, mayroon at mayroon pa rin talagang mga ganitong bagay na hindi napag-uusapan sa harap ng kamera. Bilib, kasi sa tapang ni Dean na aminin ang kaniyang gender sa publiko lalo na sa ganitong klase ng lipunan na laging may nakabantay sa bawat kilos sa mga katulad nilang public figure. Sa edad na 20, matapang na niyang natanggap ang sarili at hind natakot sa kung anong maaaring maging konsekwensya ng desisyong ito.     “I think I’m here to prove something to myself,” sabi na lang ni Dean.     Ilang minuto ‘di makapagsalita si Gio sa mga sinabi ni Dean. May halong pagka-starstruck at sa parehong pagkakataon magaan ang loob niya sa binata. Napag-isip-isip na kaya rin niya pala nagustuhan ang aktor na si Dean Valli ay dahil sa pagiging unapologetic nito. May pagka-arogante man ang imahe nito sa local show business, hindi na niya ito iniisip dahil maaaring ito’y parte lang ng kaniyang imahe.     Malapit na sanang sumalang sina Gio at Dean nang biglang magkaroon ng cut-off para sa lunch break. Kita ang dismaya sa mga nakapila ngunit naisip ni Gio na ayaw naman niyang mag-audition sa mga pagod nang mga direktor. Mamaya,  mainit pa ulo no’n. Isa pa, nagugutom na rin siya.     “Uhm,” si Dean. “May kasama ka ba ngayon?”     “Ah, wala naman. Ba’t mo natanong?”     “Wala rin akong kasama, e. Maybe we can have lunch together if you want.” sabi ni Dean.      “Ha, wala kang kasamang assistant or manager?” pagtataka ni Gio.     “‘Di nila alam na nandito ako.”     “Ah, kasi Social Experiment?” may halong sarkasmo sa boses ni Gio.     Natawa muli si Dean sa mga salitang iyon. Sabay na silang lumabas ng audition hall. Sa paglabas nila napansin ni Dean na lumalayo si Gio sa kaniya. ‘Di sumasabay sa paglalakad niya.     “O, ba’t ‘di ka sumasabay sa ‘kin,” tanong ni Dean kay Gio.     “Nanliliit ako sa ‘yo, e! Ang tangkad mo kasi,” pagbibiro ni Gio.     “Oh, don’t worry about that,” saka biglang hinablot ni Dean ang balikat ni Gio upang tumabi ito sa kaniya. Napalakas kaya nagkadikit ang kanilang mga balikat. Nakita ni Dean na nagbago ang ekspresyon ni Gio.     “Oh, sorry.”     Napatingin sa balikat si Gio. Nararamdaman niyang nag-iinit ang mukha niya. s**t, ‘di pwede. Napayuko na lang siya habang pinipigilan ang nararamdaman.     Nagpunta sila sa kalapit na cafe-restaurant. Sa unang tingin mukhang sosyal ang paligid. Kaunti lang ang tao sa loob.      “Uhm, ‘di yata ako pang-dito,” sabi ni Gio. Nagtitipid din kasi siya. Nag-iipon pa siya para din kung sakaling may emergency na gastos ‘di siya mauubusan. Hinihintay pa kasi niya ang bonus niya sa amerikanong boss.     “Oh,” sagot ni Dean. “No worries, it’s on me.”     Nakahinga ng maluwag si Gio saka nagpasalamat kay Dean. Hinid na rin siya tatanggi, ‘no? Pumasok na sila sa restaurant at iginiya ni Dean si Gio sa pinakasulok na parte ng restaurant. Naisip na lang ni Gio na baka umiiwas na lang din sa atensyon ng publiko si Dean at naiintindihan naman niya. Pagkatapos kuhanin ang order nila ng waitress tinanggal na rin ni Dean ang head wrap, shades at face mask na suot..     Tumambad kay Gio ang mukha ni Dean na napapanoond niya lang dati. Hindi niya maiwasang isipin na talagang genetically-gifted si Dean. Mas maliit ang mukha nito sa personal. In proportion ang lahat ng kaniyang features . Makinis. He’s nearly flawless. Kahit sinong tao ang makita si Dean kahit ‘di ito kilala mapagkakamalan talaga siyang artista.     Tinanggal na rin ni Dean ang pekeng facial hair at mas lalong bumata ang kaniyang istura. Halos nakalimutan ni Dean na halos limang tao nga palang mas bata ang kasama niyang ito.     “Oh my god.” napabulong si Gio. Bigla niyang hiniling na sana hindi siya namumula. Hindi niya maintidihan kung bakit bumibilis ang t***k ng puso niya. Sa isip na lang niya kahit sino namang fan nenerbyusin talaga kapag kaharap na nila ang isa sa mga iniidolo.     “What was that?” tanong ni Dean kay Gio habang inaayos ang buhok nito dahil nagulo gawa ng pagkakasuot niya ng head wrap.      “Ah, wala, wala. Ang gwapo mo ‘ka ko. Sana all.” Naisip ni Gio na kung ganito lang ang istura niya hindi niya titigilan ang pag-arte at paggawa ng pelikula, ‘no? Ano nga kaya kung siya na lang si Dean, siguro nasa Hollywood na siya ngayon, mayaman, sikat, respetado, at talentado. Hindi na kailangan magpa-alila ng kaniyang ina sa mga intsik at mapag-aaral na niya si Geraldine kahit saan pa nito gustong magkolehiyo.     “Yeah, I know.” sabi na lang ni Dean saka nagbigay ng nakakasilaw na ngiti. Siya ‘yung na kahit kumpyansa sa itsura niya, hindi iyon ang ipinapakita ng kaniyang maliliit na kilos, na may bahid pa rin si Dean ng pagiging inosente. Iyon ang napapansin ni Gio.     “Wow, confident.”     Habang naghihintay sila ng order naisip ni Dean na siya naman ang magtanong kay Gio kung anong ginagawa nito sa auditions.     “Uhm, malamang gusto kong maging artista,” sagot ni Gio.      “But why?” pagtataka ni Dean.     “Because, why not?” confident si Gio.      “I mean wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?”     “Part-time virtual assistant ako. Full-time akong nago-audition at nagpupunta sa mga ganito. Seryoso ako rito.”      “Wow!” At saka nakwento ni Gio ang mga naging roles niya sa ilang gigs at stints niya. Habang nagkekwento siya, nakikita niyang interesado si Dean dahil sa pagtango-tango nito at tiim na pakikinig. Nakatitig lang si Dean sa mga mata ni Gio, kaya tuloy minsan naiilang si Gio kaya paminsan-minsan ibinabaling niyang ang tingin sa ibang bagay.     “Ilang taon ka na nga?” biglang tanong ni Dean.     “24, turning 25 next month.” nahihiyang sagot ni Gio.     “Oh, you’re old na pala.”      Napaigtad si Gio sa reaksyon ni Dean.      “Oh, no, no, no. I didn’t mean to offend,” biglang sabi ni Dean. “Amazed nga ako sa ‘yo, e. You’re so passionate and you’re doing it for how many years na pala. Just wow. I’ve never met someone so persistent with his dream.” pagbawi ni Dean.     May gumuhit na maliit na ngiti sa mukha ni Gio. “Ikaw kasi, ‘di mo na kailangan mag-audition, makita ka palang ng direktor, kukuhanin ka na.” sabi ni Gio. Ilang saglit bago niya napagtanto na medyo nakaka-offend ang kaniyang sinabi. “Oh, hindi ko naman ini-invalidate ‘yung talento mo sa pag-arte. Nanalo ka na nga ng award, ibig sabihin napansin ka na talaga ng mga critics.”     “Right. That’s actually my problem.”     “Problema? Anong ibig mong sabihin?” ‘Yung ganito kagwapo, kayaman at kasikat, may problema, isip ni Gio.     “I’m aware of my looks, pero sometimes, naiisip ko kaya lang nila ako kinukuha or napapansin ay dahil lang sa looks ko.” pagkekwento ni Dean. Napapansin ni Gio ang malalim na kalungkutan sa mga mata ni Dean. “I get a lot of indecent proposals.”     “Oh,” nabigla si Gio. “E, hindi ba normal lang ‘yun since public figure kayo?”     “No, it shouldn’t be normal, “ depensa ni Dean. “Naiisip ko na lang, maybe because I wasn’t that good, or I wasn’t that talented for them to respect me. I don’t know if it makes sense pero, yeah. Maybe, because I was just an eye-candy for them.”     Nag-aalala na si Gio sa nararamdaman ni Dean. Totoo ang kaniyang problema at hindi rin basta-basta. “Tama ka, hindi dapat normal na nakakatanggap ka ng mga indecent proposals. At kasalanan nila iyon. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo, Dean.”     Nagbigay lang ng matipid na ngiti si Dean kay Gio. Hindi namalayan ni Gio na may inorder nga pala sila. Masyadong napasarap ang kanilang kwentuhan. Habang kumakain sila, saka napagtanto ni Gio kung bakit nasa audition si Dean. Kasi gusto niyang subukan ang mga bagay-bagay nang walang kahalong pribilehiyo ng kaniyang kasikatan at pangalan sa industriya.     “E, paano mo gagawin iyon. Makikilala ka panigurado ng mga direktor,” sabi ni Gio kay Dean.     “I have my disguise naman,” saka isinuot ni Dean ulit ang pekeng facial hair.     “Alangan namang magsuot ka ng shades at face mask sa audition. Ipapatanggal sa ‘yo ‘yan.”     “Yeah, I know,” saka ipinakita ni Dean ang prosthetics na ilong, glue at saka eye pencil. “I’m prepared. ‘Pag naiba ang shape ng ilong ng tao magbabago na rin ang mukha nito.”     ‘Di makapaniwala si Gio na aabot sa ganitong punto si Dean, pero sige. Hindi na lang siya nasasabik sa sariling audition, kung hindi pati na rin sa magiging resulta ng kay Dean.     “Pwede, favor?” tanong ni Dean     Syempre sino ba ang si Gio para tumanggi kay Dean lalo na’t inilibre na rin siya sosyal na tanghalian. Nagpapatulong si Dean na ikabit ang prosthetics para ‘di naman daw siya magmukhang joke at magmukhang na natural ang kaniyang mukha sa likod ng disguise. Pagkatapos magbayad ni Dean ng kanilang bill at tumayo na rin sa kanilang kinauupuan.     Laking gulat ni Gio nang biglang higitin ni Dean ang kaniyang braso.     “Tara,” sabi lang ni Dean habang halos kaladkarin si Gio papuntang powder room. Hindi na nakaangal si Gio at sumunod na lang.     Maluwang ang powder room sa restaurant na iyon. May mga halaman sa paligid, scented candles, at sariling lavatory sa loob. Maliwanag sa loob at may malaking salamin sa pader.     Pumasok sila sa loob at isinara ni Dean ang pinto. Silang dalawa lang sa loob ng powder room. Kasabay ng pagkailang na naramdaman ni Gio ay bigla rin siyang pinawisan kahit malamig naman ang paligid. Ilang segundo, hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Tulala.     “What,” tanong ni Dean kay Gio habang nakatitig sa kaniya saka niya napagtanto kung bakit. “Oh, dont worry. I may be gay pero ‘di ibig sabihin no’n may maitim na 'kong balak sa ‘yo. Calm down.”     “Ah, eh. Hindi naman sa gano'n,” saka nagbigay ng pilit na ngiti si Gio. Hindi naman talaga iyon ang iniisip niya. Kung alam lang ni Dean. Magkatulad tayo.     Gamit ang instructions na nakalagay sa prosthetics, inilagay na ni Gio ito sa ilong ni Dean. Ingat na ingat siyang maglagay ng glue sa makinis na balat ni Dean. Kitang-kita niya nang malapitan ang mukha nito. halos wala kang makikitang butas, pekas, o pimples! Hindi rin maiwasan ni Gio na mapalingon sa mga labi ni Dean. Perpekto ang hugis, mamula-mula, at tila nang-aakit.     Nang mailagay na ni Gio ang bagong ilong ni Dean humarap sa salamin. Bakas ang tagaktak ng pawis ni Gio.     “You ok?” tanong ni Dean kay Gio. Tumango na lang siya. “Wow, ang ganda pala nito. Hindi na nila ako makikilala.” saka umusal ng evil laugh si Dean.      Ngunit tila ang bilis ng mga pangyayari sa isip ni Gio. Parang ayaw pa niyang lumabas sa powder room. Gusto pa niyang manatili ng ilang minuto.     Kinuha ngayon ni Gio ang eye pencil saka kinapalan niya ang kilay at bigote ni Dean. Parang imposibleng pagsawaan ang mukha niya. Gusto na lang tumitig buong araw ni Gio sa mukha ni Dean. Kahit naka-disguise na siya, hindi pa rin maikakaila ang kgwapuhan nito.     “Wow, you’re so good at this! Where did you learn it?” tanong ni Dean habang tinititigan niya ang sarili sa salamin.     “I have to learn to take care of myself, especially my face lalo na’t puro auditions at casting call ang pinupuntahan ko,” saka nagbigay ng ngiti si Gio kay Dean.      Inabot ni Gio ang kaniyang cellphone sa bulsa. “Pwede, picture tayo?”     Napansin niyang nagulat si Dean sa kaniyang hiling, “Wow, ha? Ngayon pa talaga. You had all the chance earlier pero ngayon pa talaga na ganito na itsura ko.”      Natawa ang dalawa. Oo nga naman. “Gwapo ka pa rin naman,” bulong ni Gio. Nag-picture sila sa harap ng salamin, pansin na pansin ang kanilang height difference. Gayunpaman, hindi na nila iyon inisip. Sa huling pindot ni Gio sa camera inilagay ni Dean ang braso nito sa balikat ni Gio. Napatingin siya saglit dito at napangiti. Sana ganito na lang palagi. Naamoy ulit ni Gio ang pabango ni Dean, matapang pero unti-unti nang nasasanay ang kaniyang ilong. Lihim siyang nagpasalamat sa pabangong ito. Buti na lang matapang ka.      Kaunti lang ang kabang nararamdaman ni Gio pagpasok nila sa audition hall, dahil na rin siguro na kasama niya si Dean kaya mas komportable siya, o pwede rin namang dahil sanay na sanay na siya sa ganitong pagkakaton.     Sampu ang auditioness sa loob ng hall. Nakaharap silang lahat sila sa isang mahabang mesa at upuan na may mga nakaupong direktor. Sa likod ng mga iyon ay isang camera, doon sila dapat humarap. May mga ilang staff sa paligid at lahat ng mga ito ay nakatitig sa kanilang sampu. Wala pa man din ay nangingilatis na kung sino ang karapat-dapat sa mga roles na pupunan para sa mga pelikula sa film festival sa susunod na taon.     “Name, age and then your peformance. When I say next, then next auditionee naman. Pagkatapos ninyong lahat, babanggitin namin ang number ng mga magugustuhan namin. Approach us and the rest can leave.”     Nag-perform na ang mga auditionees. Bago ang oras ni Gio lumingon ito kay Dean. Napansin niyang kinakabhan ito sa likod ng disguise. Nanginginig ang mga daliri sa kamay. Binigyan niya ito ng ngiti, pampalakas ng loob. Ibinalik naman ito ni Dean.     “Giovanni Kristo Cruz. 24,” malakas at malinaw ang boses ni Gio. At saka niya itinanghal ang kaniyang piyesa. Sumagi sa utak niya kung paano niya ito ni-recite sa harap ng video call nila ng kaniyang ina. Humarap siya sa kamera at siniguradong sapo ng kaniyang katawan, mukha at ekspresyon ang lahat ng kilos na kaniyang gagawin.      Sa kaniyang huling linya, bumagsak ang kaniyang luha. Ilang segundong tumahimik ang buong silid. Saka niya narinig ang malakas na, “Next!”     Si Dean naman. Nakatingin si Gio dito habang inire-recite nito ang mga linya niya. Mahusay din talaga si Dean. Hindi niya kailangang sumigaw upang iparating ang tindi ng emosyon. Sa likod ng kaniyang disguise, tila hindi ito nahirapan. Napansin din ni Gio ang ilang mga staff sa hall na nagbubulungan. Tila nakikilala na si Dean Valli nga ang nasa harap nila.     Yes, siya nga si Dean Valli!     Natapos magtanghal ang sampu. “Ok, auditionees. Please come forward kapag tinawag ang number ninyo,” sabi ng direktor. “326, 329, 332…”     s**t! Gustong tumalon ni Gio sa tuwa pero pinigilan lang niya. Siya si number 332! Ngunit ‘di pa tapos. May hinihintay pa siyang numero. Sa ilang milisegundo, na-ilarawang diwa niya kaagad ano nga kaya kung mapili rin si Dean tapos magkakasama sila sa pelikula, tapos ang role nila ay magka--     “335, and 339. That’s all. The rest you can leave.”     Gano’n lang kabilis. Walang 333. Walang 333! Wala si Dean. Wala ‘yung nanalo na ng best actor. Ilang segundo, hindi makaalis sa kinatatayuan si Gio dahil hindi siya makapaniwala. Nilingon niya si Dean, nakangiti ito. Saka bumuka ang bibig nito, “Hihintayin kita sa labas.”     Ibinigay na ni Gio ang kaniyang contact number at iba pang personal na detalye sa direktor para sa second round ng auditions. Pagkalabas niya ng hall at gusali naroon si Dean naghihintay malapit sa exit habang dagsa ang paglabas rin ng mga kasama nilang auditionees.     “Hey, Congrats! Good jo--” ngunit naputol ang pagbati ni Dean nang yakapin ito ni Gio. “Hey, don’t worry about me. In-expect ko na rin naman ‘yon.”     Kumawala na si Gio sa pagkakayakap nang mapagtanto na medyo sobra ang kaniyang reaksyon. Gusto niyang biglang lumubog sa kinatatayuan. “Hindi, e. Hindi ka nila kasi kilala--”     “Shhh, it’s ok. I’m fine,” sabi na lang ni Dean saka ngumiti. Ilang minuto nagpaalam na rin sila sa isa’t isa.     “Gio, right?” tanong ni Dean. Saka naalala nilang dalawan na hinid pa nga pala sila nakakapagpakilala nang pormal sa isa’t isa.     “Yeah, nakalimutan na natin. Pasensya na,” matipid ang tawa ni Gio, “Gio nga pala.”     “Dean.” itinaas ni Dean ang kaniyang kamay upang makipag-shake hands.     May halong gaspang at lambot ang palad ni Dean. Mas malaki ito sa palad ni Gio. Nakaramdam siya ng hiya. Sa pagkakataong iyon ayaw na sanang bumitaw ni Gio. Dito ka na lang.     “Nice to meet you, Dean!” sabi ni Gio. Bumitaw, at saka ngumiting muli.     “I’ll remember you, Giovanni,” nakatingin si Dean nang diretso sa mga mata ni Gio na tila ba nakikita niya rin ang kaluluwa nito. “Thank you for this day.”      Tumalikod ang dalawang binata sa isa’t isa at lumakad sa magkabilang direksyon. Pauwi na. Tila nakauwi na. May ngiting nakaguhit sa kanilang mga mukha. Iyo na ang pinaka hindi malilimot na audition ni Gio.     “I’ll remember you, Giovanni.”      Ang kaniyang boses, ang kaniyang mga ekspresyon at mga ngiti, patuloy pa ring nagpapaulit-ulit sa pandinig at alaala ni Gio hanggang sa kaniyang pag-uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD