CHAPTER III

2595 Words
GIOVANNI       Lumipas ang araw pagkatapos ng auditions. Ito ang pinaka-ayaw na panahon ni Gio lalo na’t kung wala namang ibang auditions na pupuntahan. The agony of waiting, sabi nga nila. Ang hirap-hirap maghintay. Nariyang lagi kang nakabantay sa cellphone mo dahil umaasang may tatawag. Pero ngayon alam niya na mayroon siya aasahang tawag.     Pinatay na lang niya ang oras sa pagtatrabaho lalo na’t may nakapangakong bonus ang amerikanong boss. Nagtrabaho na siya ng extra para kahit papaano mapatay niya ang oras at hindi masyadong mag-overthink sa magiging pangalawang round ng auditions para sa pelikula.     Noong gabi rin na iyon, sinubukan niyang magkwento tungkol sa pagkikita nila ni Dean Valli sa ina. Syempre, hindi na niya kinwento ‘yung kanilang ilang intimate moments dahil ayaw na rin niyang maghinala ang ina. Pero ‘di katulad ng dati na masigla at sabik ang ina sa mga kwento ni Gio, hindi na masyado ngayon. Hindi tuloy mawala sa isip ni Gio ang sinabi ng ina dati na huminto na siya sa paghabol niya sa pangarap dahil kung tutuusin ay wala na rin naman na talagang nangyayari sa pangarap niya, at dumarating na rin ng mga pangangailangan at responsibilidad niya lalo na ang pagkokolehiyo ng Geraldine. Tama na nga siguro ang pagiging selfish.     Pero malaking parte pa rin ng kaniyang pagkatao ay umaasa sa kaniyang huli (na sanang) audition sa FFF. Alam niyang nagustuhan siya ng direktor. Hindi mawala sa isipan niya ang ilang segundong katahimikan pagkatapos niyang mag-perform. Tanda siguro iyon na napahanga nga niyang lahat ng tao sa silid.     Naalala niya bigla si Dean pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unti ring nawawala ito sa isipan. Kumbaga, naka-move on na siya. E, dapat nga ba kasing umasa si Gio dahil lang sa kanilang maikling pagtatagpo? Isa pa, marami na rin sigurong ganitong pagkakataon si Dean bago si Gio. Saka hindi rin naman sila bagay. Dean is too out of Gio’s league. Sino lang ba ako, tanong ni Gio sa sarili. At pinaka-importante ay pangangalaga pa rin ni Gio sa kaniyang magiging imahe sa hinaharap. Dapat malinis pa rin siya, at walang bahid ng kahit anong kontrobersya. Kaya iyong kanilang maikling pagsasama parte na lang din siguro ng kanilang pelikula, na maaaring dinala si Dean ng tadhana sa kaniya upang ipaalala ang mga hindi magagandang side ng show business, na pwedeng makaapekto sa kaniyang magiging desisyon sa hinaharap.     Gayunpaman, ‘di pa rin niya matanggal sa kaniyang isip ang mga katagang “I’ll remember you, Giovanni.” So, nakikinig palang mabuti si Dean noong nagpakilala ito sa harap ng mga direktor kaya niya naalala ang Giovanni. I’ll remember you? Saan? Paano? Bakit? tanong minsan ni Gio sa sarili ngunit ipinagkikibit-balikat na lang niya ito.       “Ito na talaga ‘yon, ‘ma,” sabi ni Gio noong kausap ang ina. “Nagustuhan talaga ako ng mga direktor. Hinihintay ko na lang ‘yung tawag ni Direk.”     Binati lang siya ng ina ng pilit na “Congrats, ‘nak. Balitaan mo ‘ko, ha?” Nakalimutan na nga siguro ni Gio kung gaano na karaming beses na niyang nabanggit sa ina ang mga katagang “Ito na talaga ‘yun, ‘ma,” at kadalasan na rin namang nauuwi sa wala.        “Hello,” masigla ang boses ni Gio sa tawag kahit unknown number ito. Baka kasi ito na ‘yun.     “This is the casting director of Walang Alpas, one of the official selection in Filipinas Film Festival,” hindi nagkamali si Gio. Mas nasabik siya kaysa kabahan. “This is Giovanni Kristo Cruz, right?” tanong sa kabilang linya.     Hininto muna ni Gio ang ginagawang itinerary ng kaniyang boss at lumabas ng apartment para sa mas malakas na signal.     “Yes, ma’am. Speaking po.”     “Before the second part of auditions, we are tasked to interview you guys,” inihand ni Gio ang sarili. Inaasahan na niya ito. Ilang araw niya rin itong hinintay.     “Can you tell me how old are you and your acting experiences in the past?”     “Yes, Ma’am. I’m 24 years ol--”     “Oh, you’re old na pala,” biglang singit nu’ng casting director. Pinilit ni Gio na hindi mawala sa pokus. Sa puntong ito nakaramdam na siya ng kaba.     “About my acting experiences--” naputol muli ang sinasabi ni Gio.     “Are you aware that the role you’re auditioning for is 18 years old?” Oo, alam ni Gio iyon. “Do you think you can pull it off?”     “Yes, Ma’am. I am very confident with my acting skills,” sabi na lang ni Gio. Saka niya kinwento lahat ng kaniyang acting experiences mula sa mga commercials at mga maliliit na stints at roles sa mga teleserye. Sa likod ng kaniyang isipan napagtatantong niyang ito rin ang lahat ng bunga nga kaniyang pag-abot sa kaniyang pangarap. Ngunit sapat na nga ba ‘to para makuha niya ‘tong role na ‘to? Hindi niya alam. Hindi siya sigurado. Pero susubok pa rin siya.     “Oh, I see,” sabi sa kanilang linya. “We’re gonna check your audition video again and we will send you a message if you passed and we will follow you up the details of the audition date and venue. Thank you so much.”     Bago pa makapagsalita si Gio ulit ay naibaba na ang tawag. Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi siya makalunok nang maayos dahil sa nerbyos at tila kada sampung segundo ay tumitingin siya sa cellphone upang tignan kung dumating na ‘yung text.     Bumalik na siya sa pagtatrabaho ngunit ‘di siya makapagpokus nang maayos. Nakita niya sa screen ng kaniyang laptop na tatawag daw ang kaniyang boss. Pero ‘di na niya ito papansinin. Sinubukan pa rin niyang abalahin ang sarili sa mga sumunod na oras.     Hanggang sa marinig niya ang pamilyar na tunog na ng kaniyang cellphone. May nagtext. Dali-dali niyang binuksan ito. Mula ulit ito sa unknown number. Ito na ‘yun.     Huming muna nang malalim si Gio dahil pakiramdam niya lalabas na sa kaniyang dibdib dahil sa lakas ng kabog ng puso nito.       “You are receiving this message to inform you that you did not qualify for the second round of auditions for the role of Reto in the film Walang Alpas by Po Badilla. We were overwhelmed by the number of talented aspirants but unfortunately we needed to trim the list to only 10 auditionees for us to pick the best one for the role.     We wish you the best on your all acting endeavors! And we hope to work with you again soon. Thank you so much.      - Walang Alpas Team.”     Napaupo si Gio mula sa kinatatayuan. Muling umalingawngaw ang mga linya ng ina na huminto na siya. Baka nga tama siya. Baka nga kasi ‘di naman siya para dito. Baka nga nagsayang lang siya ng oras sa buong limang taon na paghabol niya sa kasikatan. Tama na nga siguro. Tama na.     Lalo ring tumindi ang kaniyang naramdamang guilt dahil sa hindi niya pagkadalo sa graduation ni Geraldine. Naalala niya nu’ng kinagabihan noong auditions, nagsend ng mga pictures si Geraldine kay Gio ng mga larawan nito noong graduation kasama ang kanilang Tita Edna. Gusto niyang manghingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang niya sa kapatid pero hindi niya alam kung paano. Ipinangako na lang niya sa sarili na babawi ito sa kolehiyo. Siguro nga mas naging worth it kung umuwi na lang siya at sinamahan ang kapatid sa isa sa pinakamahalagang araw nito sa kaniyang buhay.     Ilang oras lang nakatitig si Gio sa kaniyang laptop. Hindi gumagalaw. Hinihintay na lang niyang matapos ang oras ng kaniyang duty. Parang biglang nag-play na parang isang pelikula lahat ng kaniyang sakripisyo, mula sa mga tapings niya dati, sa mga estranghero na nakakakilala sa kaniya, sa mga rejections at sa mga pila niya sa mga casting calls. Hindi niya rin makakalimutan ‘yung mga oras na ipangkakain na lang niya pero gagastusin na lang niyang pamasahe para makapunta sa mga audition venue tapos wala ring mapapala, iyong mga pagkakataon na kausap niya ang ina, iyong kasabikan at enerhiya na laman ng kaniyang mga kwento. Lahat-lahat. Ito na nga siguro ang dulo.     Hindi niya naman talaga iniiyakan ang mga ganitong rejection pero ngayon kasi ipinangako na niya sa sarili na huli na ito, at alam niyang ibinigay na niyang lahat. Wala naman siyang dapat pagsisihan, pero ngayon may luhang umagos sa kaniyang mukha.     Napahinto lang siya nang biglang may skype call ang kaniyang amerikanong boss. Saglit niyang pinahiran ang luha at sinagot ang tawag. Humarap siya sa webcam, ngumiti. Tuloy ang buhay.     Lumabas sa screen ang isang matandang amerikanong puti na nakaupo sa isang opisina.     “Good morning, Sir,” umaga pa rin kasi sa lugar ng kaniyang boss.     “Hi, Giovanni.” bati ng kaniyang boss. “Just want to inform you that I’ll be away for the next two weeks. I’ll be on a vacation.”     Sa isip ni Gio pwede namang i-email na lang ang balitang iyon bakit kailangan pang tawag, nasira tuloy ang kaniyang pagmo-moment kanina. Nag-usap pa silang dalawa ng ilang work-related stuff bago mabanggit ng boss niya ang tungkol sa bonus nito.     “I e-mailed you the tickets for a 7-day vacation at Isla Anima,” banggit ng boss nito. Saan naman ‘yung Isla Anima, tanong ni Gio sa sarili. “My colleagues said that Isla Anima is a beautiful private island in the Philippines. It is not famous yet and just starting to gain attention from tourists. Sounds good?”     “Yeah, thank you much, Sir.” gusto na lang ding matapos ni Gio ang tawag. Pagod na siya. Gusto na lang din niyang matulog.     “I think that while I’m on a vacation, you can have your own as well,”     “That would be great, Sir!” Pero ilang saglit lang ay napansin ng kaniyang boss ang malungkot na mood ni Gio. Tinanong niya ito.     “Oh, no. Nothing, sir. Just not a great day for me,” sabi na lang ni Gio.     “You can tell me what happened, Giovanni. Maybe I can help you.” pag-aalok ng kaniyang boss.     Saka nai-kwento ni Gio ang nangyari sa audition. Alam na rin kasi ng boss niya ng nangangarap siyang maging artista dahil nabanggit na niya ito noong kaniyang interview sa trabahong ito.     “I’m sorry, man. I wish I can do something,” malungkot na sabi ng boss. “But you know in life, you can’t have everything, but you can try anything. You just have to continue looking for your true calling,” sabi ng kaniyang boss.     Ilang minuto pa ay natapos na rin ang tawag. Tinignan niya ang kaniyang email upang i-download ang mga ticket para sa kaniyang trip sa Isla Anima. Mukha ngang premium ang magiging experience niya sa isla. Galante rin talaga ang kaniyang boss. Naroon na ang lahat sa email; ang kaniyang ticket para sa eroplano at iba pang kailangang dokumento. Nakaayos na ang lahat, mula sa travel, accomodation at kakainin sa isla. Pitong araw ang kaniyang ilalagi. May pocket money na ring kasama.     Wala na rin muna siyang trabaho noong mga time na ‘yun dahil wala rin naman ang kaniyang boss. Nakita niya ang date sa email na ang huling araw pala niya sa Isla Anima ay kaniyang 25th birthday. Sa huling bahagi rin email ay pagbati ang kaniyang boss sa kaniya. Napangiti at bumulong ng pasasalamat.     Nasabik muli si Gio sa bakasyon. Sa kaniya napagtanto kung gaano kabilis ang oras. 25 na siya. Bagong taon, at bagong simula. Isa pa, hudyat na rin siguro ng pagtatapos ng ilang bagay. Bumalik muli ang kaniyang pakiramdam kanina noong nabasa niya ang text mula sa casting director.     Hindi niya alam kung paano niya ibabalita sa ina, o kahit sa kapatid niya. Ang hirap aminin sa kanila na tama nga sila, na mali si Gio, na sana kung itinuloy niya lang ang trabaho niya dati baka maganda na ang kaniyang posisyon sa kompanya at maganda na rin ang kaniyang sweldo. Na sana hindi na lang siya naging makasarili.     Hindi nga ba talaga para sa akin‘to? tanong ni Gio sa sarili. Bakit hindi? Gusto niyang sisihin ang tadhana sa pagbibigay sa kaniya ng mga pag-asa dati. Bakit niyo pa ako binigyan ng mga roles dati, ng mga maliliit na projects kung hindi rin naman pala ibibigay sa akin ang mas malalaking proyekto? ‘Di ba’t iyon ang paraan ninyo para ihanda ako sa big break ko? Tapos hindi niyo rin pala ibibigay. Sinabi ko na rin naman na huli ko na ‘to, ha? Bakit? Bakit? Ano pa bang kulang? Ano pang dapat kong gawin?     Nang mai-download na niyang lahat ang mga kailangang files para sa kaniyang bakasyon naisip niya na baka tama ang boss niya, na minsan hindi talaga ibibigay ng tadhana sa kaniya kahit na gustung-gusto niya ang isang bagay pero kailangan niyang sumubok [ng iba] at ‘wag huminto.     Dahil nga kaaarawan na rin niya, baka oras na rin para tumigil muna saglit. Huminga. Magpokus muna sa sarili at ‘wag munang mag-aalala, na break muna sa paghabol sa big break. Oras na muna ng transisyon para sa susunod na kabanata ng kaniyang buhay.     Bago niya isara ang kaniyang laptop nahagip ng kaniyang mata ang job offer na matagal nang ipinadala sa kaniya. Associate Brand Manager sa isang Advertising Agency. Nakaramdam ng lukso ng dugo si Gio.     Umalingawngaw muli ang boses ng ina at ng kaniyang kapatid. Hindi pa ba ako makikinig sa kanila? Oras na rin siguro nang muling pagsubok sa ibang bagay. Baka ‘di talaga sa akin ang pag-aartista. Gustong maniwala ni Gio na baka ito na nga ang bagay na makakapagpasaya sa kaniya.     Walang anu-ano’y binuksan niya ang email. Nag-reply siya at nag-attach ng resume. Wala nang mahabang pagdedesisyon lalo na’t dito na rin naman na siya dinala ng tadgana. Lalakasan na lang ni Gio ang loob at iniisip na sa kaniyang bakasyon sa Isla Anima, gugugulin niya ito upang ihanda ang sarili sa panibagong buhay na kaniyang tatahakin. Eto na nga siguro iyon.      Nag-type na siya ng cover letter at ipinakita ang interes sa pagtangap sa alok. Hindi na niya binasang muli ang kaniyang mensahe at basta na lang pinindot ang send.     Handa na ‘ko.       “Ma, tama ka. Siguro nga po ito na ang dulo ng lahat ng paghabol ko sa mga pangarap ko. Opo, di na naman ako natanggap doon sa auditio ko sa FFF. Nakakapagod din po pala talaga pag laging walang magandang resulta yung mga pianghihirapan mo.     Gusto ko pong magpasalamat kasi nariyan po kayo lagi para sumuporta. Pasensya na po kung minsan nagiging sakit niyo pa ako ng ulo kapag nasho-short ako sa budget. Pasensya na po kung naging selfish ako all throughout these years, na sana katuwang na ninyo ako sa pagpapaaral kay bunso. Pangako po, aayusin ko na ang buhay ko. Tinanggap ko na nga rin po pala ‘yung offer sa akin. Ininterview na rin po nila ako at sabi nila pwede na ako magsimula anytime I want pero sabi ko palipasin ko muna ‘yung birthday ko dahil nasa bakasyon ako na bonus ko sa dati kong boss. Nagpaalam na rin po ako sa kaniya and he said na ok lang naman daw po. At least magkakaroon na ako ng direksyon sa buhay. Natutuwa rin sa akin ‘yug amerikano kong boss..     Pasensya na talaga sa lahat, ma. Hindi ko pa rin makakalimutan ‘yung araw na sinabi ko sa ‘yo na gusto kong maging artista at hindi mo ko tinawanan o hinusgahan, pero hindi talaga, e. Sapat na siguro lahat ng pag-try ko sa loob ng limang taon. I hope I’ve made you proud and I will continue on making you proud. This time, kayo naman po ni Geraldine.     Love you, ma.     P.S. Nasa bakasyon po ako ng 1 week. Wala ra pong signal doon sa Isla na pupuntahan ko. Chat chat na lang ma. Ingat ka po dyan.     Pinindot na ni Gio ang send matapos magtype sa Messenger. Sent. Busy pa siguro ang kaniyang ina. Hindi na rin ito masyadong nakakatawag nitong mga nakararaang araw. Ilang saglit narinig na niya rin ang kaniyang flight number. Tumayo na siya at lumakad dala ang isang back pack at maleta para sa kaniyang isang linggong bakasyon sa Isla Anima.     Hiniling niya sa sarili na sana pag-uwi niyang muli ng Maynila, mas kilala na niya ang kaniyang sarili at mas handa upang harapin ang susunod na kabanata ng kaniyang buhay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD