CHAPTER IV

3503 Words
GIOVANNI    Tama nga ang sabi ng boss ni Gio, maganda nga sa Isla Anima. Totoo rin ang mga litrato sa mga promotional pictures nito sa f*******:. Walang halong photoshop. Halos wala kang makikitang basura sa paligid. Nakaayos din ang mga puno at sariwang-sariwa ang hangin. Isa pa lang ang resort sa buong isla. May sari-sariling villas din ang mga bisita. May mga malalaki na pwedeng pang-pamilya at mayroon din namang pang-solo. “Ser, mag-sosoul searching kayo?” pang-uusisa ng guide kay Gio. Bitbit nito ang kaniyang maleta at backpack. Saglit ‘di nakasagot si Gio, “Ah, e, parang gano’n na nga,” sabi na lang saka niya nginitian ‘yung guide. “Marami nga pong nagpupunta na kagaya niyo rito,” Ano namang ibig sabihin nitong guide nito? Kagaya? Ang ibig ba niyang sabihin ay mga katulad ni Gio na bigo sa mga pangarap, sa buhay? Hindi na lang sumagot si Gio. Sinabi niya sa guide na siya na ang magpapasok ng gamit nito sa kaniyang solo villa. Bago siya pumasok tiningnan niya ang paligid. Takipsilim na. May bar sa ‘di kalayuan. Halatang katatayo pa lamang nito. Saglit niyang ninamnam ang tunog ng alon sa malapit. Payapa itong humahampas sa dalampasigan. Tila inihehele siya ng tunog ng bawat alon, at ng mga pinong buhanging kaniyang inaapakan. Halos sampung oras din ang byahe papunta rito sa Isla Anima. Isang Eroplano, isang bus at saka sasakay ng traysikel bago sumakay ng bangka papuntang isla. Wala naman nang inalala si Gio dahil nakaayos nang lahat ang trip na ito para sa kaniya. May natatanaw na rin siyang mga tao sa ‘di kalayuan. Mga bakasyunista rin siguro, may mga ilang foreigners pero mas marami siyang Pilipinong natatanaw. Sabi kanina sa front desk, hindi raw uso ang mga maiingay na parties sa Isla Anima. Karaniwan din daw itong puntahan ng mga grupong nagre-retreat. Perpekto talaga itong soul searching destination, lalo na’t may talampasan sa ‘di kalayuan na pwedeng akyatin ng mga bisita. Sa itaas noon, tanaw ang karagatan at ang buong isla. Biro pa nga ng guide na ‘yung mga broken hearted na gustong makalimot doon umaakayat upang sumigaw at maglabas ng sama ng loob. Pumasok na si Gio sa kaniyang Villa. Simple lang ang loob nito. Naroon na ang mga basic na pangangailangan, may kama, may aircon, refrigerator at banyo. Walang TV, wala ring signal at walang kahit anong makakapagbigay ng impormasyon mula sa ‘outside world’. Kaya naman makakapagpokus talaga si Gio sa kaniyang sarili nang walang nagiging distraksyon. Nagpahinga lang saglit si Gio at kinain ang baong meryenda saka siya lumabas ng villa. Madilim na sa labas at ang tanging nagbibigay lang ng liwanag ay ang ilaw na nakasabit sa mga punong nakahilera, bar sa ‘di kalayuan at ‘yung isang souvenir shop. Umupo si Gio malapit sa dalampasigan. Naroon ang kaniyang mga paa na nahahalikan ng mga alon sa tuwing ito’y lalapit. Tumitig lang siya sa langit at sa mga bituing unti-unting dumudungaw sa kalawakan. Malamig ang ihip ng mahinang hangin, sapat na upang yapusin ang kaniyang buong katawan. Saka siya nagmunimuni. Saan na nga ba siya nakarating? Sa Linggo lang madadagdagan na naman ang kaniyang edad ng isang taon. 25. Saan na ba dapat siya nakarating sa ganitong edad? Dapat ba may sarili na siyang kotse? May sarili nang bahay? Stable na ang trabaho? Nagsisimula nang bumuo ng pamilya? O posible ba ‘yun sa isang katulad niya? Ang magka-anak? Saka niya naisip na siguro nga kung may partner na siya baka mas madali ang mga bagay-bagay. Hindi niya masyadong iindahin ang kalungkutan at kalupitan ng buhay dahil may kasama siyang handang dumamay sa kaniyang mga pagsubok. Siguro kung may partner siya, may aalo sa kaniya sa tuwing umiiyak siya sa gabi dahil sa lupit ng show business sa mga katulad niyang sumusubok at baguhan. Naalala niya tuloy ‘yung isang casting call na pinuntahan niya. Nakaharap na siya noon sa camera at pinare-recite na sa kaniya ‘yung linya pero pinutol siya ng direktor sa gitna ng kaniyang performance. “Di ako naniniwala sa ‘yo,” Tumango lang si Gio at inulit ang performance ngunit pinutol na naman siya. “Di ka marunong umarte,” sabi na lang bigla ng direktor saka siya pinaalis. “Galing pa po ako ng Quezon City, direk,” Tatlong oras ang binyahe niya papuntang Taguig para lang sa casting call na ito. Alam niyang maling idahilan iyon para lang sa konsiderasyon pero halu-halo na ang frustration. Galing pa siya noon sa dating trabaho at hindi pa kumakain ng hapunan. “Late ka naman. Iho, ‘wag mo nang sayangin ang oras namin. Umuwi ka na at kalimutan mo na ang pangarap mong maging artista.” Masamang-masama ang loob ni Gio na umuwi pabalik ng Quezon City. Pero hinid niya iyon masyadong ininda dahil alam niya kung gaano kasakit magsalita ang ibang direktor. Puno pa siya noon ng optimismo na baka kaya lang nasabi sa kaniya iyon dahil gusto siyang gumaling at mas humusay pa. Saka inisip niya na hindi naman talaga lahat mapapahanga niya. Pero ngayon, kahit laman na lang iyon ng mga alaala ni Gio, tila nanunumbalik ito upang kumbinsihin siya na tama ang sinabi sa kaniya ng direktor na iyon. Baka nga totoo, baka nga hindi talaga ako marunong umarte, isip ni Gio. Limang taon. Pakiramdam niya limang taon din siyang nagpakahibang sa pangarap na iyon. Limang taon na hindi nawalan ng pag-asa. Nakakapagod. Sobrang nakakaubos. Parang kahit pilitin niyang tumingin sa hinaharap wala nang kahit anong silahis ng liwanag siyang makikita at tanging ang pagbabalik-tanaw na lang ang kaniyang maaaring gawin. Siguro kung ibang direksyon ang kaniyang tatahakin baka mas may liwanag siyang makita. Baka doon, mas magiging banayad ang kaniyang paglalakbay. Baka lang naman. Susubok pa rin naman siya-- Naputol ang kaniyang pagmunimuni nang mapaigtad siya sa kinauupuan dahil may malamig na bote ang sumalat sa kaniyang balikat. Nilingon niya ito, may inaabot sa kaniyang bote ng beer. Nang tinignan niyang kung sino ang nag-aabot nito, bahagya siyang napaatras. Sa unang tingin hindi niya malaman kung babae o lalaki ang estranghero. Wala itong buhok, buzzcut ang hairstyle. Napansin niyang may mga kuminang sa mukha nito. Piercings. May dalawang piercing ito sa ilong, isa sa labi, isa sa kaliwang kilay at tig-isa sa dalawang tainga. Saka niya lang nalaman na babae ito noong nakita niyang may dibdib ito. Naksuot lang ito ng itim na bandeau at manipis na printed na palda. Nakangiti ito sa kay Gio at hinihitay na tanggapin niya ang alok na beer. Dahil nakakaramdam na rin ng uhaw si Gio, hindi na niya ito tinaggihnan. Nang kinuha ni Gio ang malamig na bote napansin din niya ang balingkinitan braso ng babae na puno ng mga tattoo. Tinutunton ng iba’t ibang simbolo ang kaniyang balat sa braso hanggang sa kaniyang leeg at batok. “Natakot ka ba sa ‘kin,” contrasting ang boses ng babae sa kaniyang istura. Malambing ang tunog ng kaniyang boses ngunit naroon ang katatagan sa bawat pagbigkas niya ng mga salita. Nahiyang bigla si Gio, hindi niya alam kung nai-intimidate siya. “Ah, hindi naman. Nagulat lang ako.” sagot ni Gio. “Thank you pala sa beer.” Umupo sa tabi niya ang babae kaya lalong nailang si Gio na biglang may estranghero sa na bigla na lang siyang aalukin ng beer at biglang uupo sa kaniya. Pareho sila ngayon nakatitig sa buwan sa langit. “Kanina pa kita natatanaw mula sa bar, e.” sabi ng babae. “Akala ko nga umiiyak ka na.” “Huy, hindi, a. Bakit naman ako iiyak?” Ano namang alam ng babaeng ‘to sa buhay ko, tanong ni Gio sa sarili. “Biro lang,” tumungga sa bote ang babae at ilang beses lumagok ng beer. “Frida nga pala.” saka nito itinaas ang kamay. “Gio.” matipid na sagot ni Gio saka nakipag-shake hands kay Frida. “So, broken hearted?” makahulugang tanong ni Frida kay Gio. “Ah,” napatawa saglit si Gio, “Hindi naman.” Mas malala pa sa broken hearted, mas malala pa sa kung anong sakit na maibibigay ng romantikong pakiramdam, sa isip ni Gio. “Oh, wow,” tila hindi inaasahan ni Frida ang sagot. “E, ano pala? Natanggal sa trabaho? Existential crisis?” “Malapit na do’n,” sabi ni Gio saka lumagok ng beer. “So, papahula mo talaga sa ‘kin,” pabirong sabi ni Frida. “Lasing ka ba?” “Woah, so you think I’m approaching you because of my drunk ass? No, Sir.” natatawang sabi ni Frida. Bakit sa kaniyang mga tawa at malambing na boses at tila nagiging magaan ang lahat. “I’m sober as f**k. Hindi ako nalalasing,” paninigurado ni Frida kay Gio saka nito binigyan ng ngiti. “Sorry,” sabi ni Gio. Nahiya siya bigla. “Ang ganda mo pala,” Napangiti si Frida, “I get that a lot. Thank you. So, bakit ka nga nandito?” Lumagok saglit si Gio ng beer. It still feels strange telling something to a stranger. “You know, they always say na mas madaling magsabi ng mga bagay-bagay sa isang stranger kaysa sa mga kakilala mo na,” sabi ni Frida na parang nababasa niya ang nasa isip ni Gio. “Soul searching,” matipid na sabi ni Gio. “Ang tipid mo talaga sumagot, ano?” sabi ni Frida. May iba talaga sa kaniya. Ang commanding ng aura ni Frida. Para bang hindi nawawala ang poise nito. At maganda pa rin kahit hindi mahaba ang buhok mo. “Ako na lang ang magkekwento sa ‘yo para maging komportable ka na sa ‘kin.” Tumingin si Gio kay Frida. Sa likod nga mga piercings at tattoo, naroon ang maamong mukha nito. Pilipinang-pilipina ang ganda. Kumikinang ang kaniyang kayumangging balat sa ilalim ng liwanang ng buwan. “Mabuti nga,” “So, saan ako magsisimula,” pareho nilang hinihintay ang bawat alon na tila magsilbing kumot sa kanilang mga paang nakalubog sa buhangin. “Pangatlong araw ko na rito sa Isla Anima. Mag-isa lang ako. Ikaw ba?” “Mag-isa lang din,” “And ang reason why I’m here is…drum roll,” may pa-suspense pa kunwari si Frida. “Soul searching.” Napangiti ang dalawa. “May pa-drum roll ka pa, ha?” “Pero, seryoso. Soul searching nga. Ang reason; I don’t think I still belong sa mundong ginagalawan ko sa labas.” Nagulat si Gio sa mga sinabi ni Frida. Iyong mga linyang iyon ay parang may binuksang panibagong pakiramdam sa likod nga kaniyang mga nararamdaman. Tila kumawala ito sa kaniyang kaisipan bago niya mapagtanto na parehas sila ni Frida, at least sa ganoong paniniwala. Naging matiim ang kaniyang pakikinig dito. “Anong nangyari?” tanong ni Gio. “Now, he’s interested,” sabi ni Frida saka itinuloy ang pagkekwento. “I used to be famous.” Kumunot ang noo ni Gio saka muling tinigan si Frida kung kilala nga ba niya ito at inalala lahat ng kaniyang mga napanood, baka artista si Frida. “No, I know that look,” pagbibigay ng babala ni Frida. “Hindi ako artista,” “E, ano pala?” “I’m a writer. Frida De Guzman. No.1 Best-selling author of the novel Colorless. Book signing events, book tours, movie offers, lahat ‘yan naranasan ko.” “Wow,” sabi na lang ni Gio. That explains all the ‘accessories’ in her body because she’s a creative, she’s a writer. “Kilala ako dati sa literary community. They all praised me for my breakthrough and award-winning novel pero after kong mag-release ng dalawa pang libro at isang collection of essays. Wala na. I received a lot of hates and destructive criticisms,” kwento ni Frida. Parang wala lang sa kaniya ang lahat pero nakikita ni Gio na sa likod na tough facade nito, hindi nagsisinungaling ang mga mata ni Frida. It’s longing for something. “The literary establishment hated me. They said that my works are trash, na sana huminto na ako pagkatapos kong isulat ang Colorless. Do you mind?” saka inabot ni Frida ang dalang yosi at lighter saka nito sinindihan. Inalok nito si Gio ngunit tinaggihan lang niya ito. “Alam mo ‘yung feeling na, destiny gave you so much hope and success before then noong pinili mong ipagpatuloy saka nito babawiin lahat. Lahat-lahat. Minsan hinihiling ko na lang na sana hindi na lang nangyari ang Colorless before para ‘di ko na ‘to maranasan.” “Yes!” napalakas sa usual ang sagot ni Gio. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Sayang ubos na ang beer na iniinom niya. “‘Yung pakiramdam na they gave you so much validation ta’s after a few years mararamdaman mo na pwedeng mali ang lahat, na ilusyon mo lang pala ang lahat.” Basta na lang lumabas sa labi ni Gio ang mga salitang iyon. Kahit siya nagulat na nasabi niya iyon. “Right! And now you’re talking, huh?” nagulat si Frida kay Gio. Akala nito ‘di na ito magsasalita. “So, what’s you’re story, gentleman? Your turn,” Bumuntong-hininga si Gio. Wala namang mawawala kung malalaman ng ibang tao ang kaniyang kwento, saka pinatapang na rin siya ng nainom na beer. “I’m an actor.” Binigyan ng nagtatakang tingin ni Frida si Gio. Tinignan ng masama ni Gio si Frida dahil offensive ang tingin nito. Tumawa lang si Frida. “I was just kidding, I was mimicking your stare earlier sa ‘kin nu’ng sinabi ko sa ‘yo na I’m famous. Chill, bro!” Nagbibiro lang din si Gio sa masama nitong tingin. Ipinagpatuloy niya ang pagkekwento, “Lumabas na ako sa mga teleserye, umekstra sa mga pelikula at ‘yung pinakamalaking break ko na siguro, e, ‘yung sa commercial--” Naalala ni Frida ‘yung commercial na fast food chain, “Right! Sabi na ikaw ‘yun, e! Kaya pala familiar ‘yung istura mo. ‘Di ko lang maalala kung saan ko exactly nakita pero ngayon alam ko na,” sabik na sabi ni Frida kay Gio. “Uy, ang galing mo do’n, a?” Nagulat si Gio sa sinabi ni Frida.Tinitigan niya ito. “What?” “Wala, ikaw lang nagsabi niyan,” sabi ni Gio “Ng alin?” “Na magaling ako do’n.” “Oh, really? ‘Cause you are! Damang-dama ko kaya ‘yung emotions sa mata mo!” “Salamat,” nagbigay ng matipid na ngiti si Gio. Ikinwento ni Gio lahat ng kaniyang karanasan sa acting, lahat ng knaiyang pagsubok sa mga casting calls at auditions. Hindi rin niya pinalampas lahat ng mga rejections at mga masasakit na salitang natanggap niya, mga sakripisyo at iyong nangyari sa audition sa FFF. “Wow, dude. Five years! Kinaya mo ‘yon? Bilib ako sa ‘yo,” sabi ni Frida. Nakahiga na sila ngayon sa buhangin, nakatitig sa mga bitwin habang ang mga alon ay tahimik na kumikiliti sa kanilang katawan sa pagbabalik-balik nito sa mga buhangin ng dalampasigan. “Anong plano mo?” tanong ni Gio kay Frida. “Plans? Required ba?” “‘Di naman. I mean, ‘di ba dapat kung may pagpalya dapat bumabangon ka na agad? Nag-iisip na ng mga susunod na gawin?” “Hmmm, ‘di naman siguro sa lahat ng pagkakataon gano’n. Minsan mas ayos na, makahinga muna. Damhin mo muna ‘yung sugat sa pagkakadapa. Ipon muna ng lakas saka bangon. Ngayon, naroon pa ako sa pagdama at paghilom ng sugat.” “Wow, writer na writer, ha? Masokista?” “That’s life, e! And yes, most of us writers capitalize on our and other people’s emotions,” seryosong sabi ni Frida. “…especially pain.” Natahimik sila ilang saglit. Kahit malamig na at lumalalim na ang gabi, pinananatili sila ng init ng isa’t isa. Minsan nararamdaman ni Gio na sila lang ni Frida ang tao sa isla. Halos bulong lang ang tunong ng paligid, ng mga alon,ng mga kuligllig. Tila ba sa kanila lang ang mundo, at sila lang ang mga tao. “Anong sabi ng girlfriend mo?” napalingon si Gio kay Frida sa tanong na iyon. “…or boyfriend.” “Wala,” sabi ni Gio. “What do you mean ‘wala’?” lumingon na rin si Frida kay Gio. Magkaharap na sila habang nakahiga sa buhangin. “Walang sinabi o walang girlfriend…o boyfriend.” may makahulugang ngiti si Frida. “Pareho. Walang sinabi at walang girlfriend…or boyfriend.” “E, ikaw?” pagbabalik ni Gio ng tanong kay Frida. “Wala rin,” sabi ni Frida. “Mag-iisang taon na kaming break ng girlfriend ko,” Napabangon si Gio sa gulat. “Gulat ka ‘no?” “Medyo,” sabi ni Gio habang nakatingin kay Frida na nakahiga sa buhangin. “Hindi ko lang in-expect.” “I’m bi,” bumalik na rin sa pagkakaupo si Frida at tinitigan si Gio. “Pwede sa lalaki, pwede sa babae,” At ngayon mas lalong nakahanap ng rason si Gio upang pagkatiwalaan si Frida. “Kailan mo nalaman na ganyan ka pala?” “High school. Naramdaman ko no’n na crush ko ‘yung bestfriend ko na muse namin sa klase. Tapos nu’ng college doon na ako nagkaroon ng mga girlfriend. Doon ko na naranasan halos lahat.” “E, boyfriend?” “Wala pa.” “So, ‘di ka Bi. Lesbian ka,” sabi ni Gio. “No, I identify as bisexual,” depensa ni Frida. “Hindi naman ibig sabihin na hindi pa ako nagkaka-boyfriend e hindi na ako Bi.” “Ok, sabi mo, e.” “You know what, a lot of people think like that. Never nakadepende lang ang s****l Orientation, Gender Identity at Expression ng tao sa mga nakarelasyon nito. “How about you? “I don’t know. Hindi ko pa alam kung sino ako,” sabi ni Gio. “That’s ok. No one’s rushing you,” Nagdalawang-isip pa si Gio sa umpisa kung ikekwento niiya ‘yung tungkol sa naging boyfriend niya nung college pero naisip niya na kung si Frida nga nakayang ikwento sa isang estrangherong katulad niya ang tungkol sa kaniyang buhay at relasyon, bakit siya hindi? Iyon ang gusto niyang katapangan, iyong pagkasigurado ni Frida sa sarili ang gustong magaya ni Gio. Kailan nga kaya siya magiging ganoon? “Actually, nagka-boyfriend na ako,” pag-amin ni Gio. “Isa. Noong college.” “That’s great. So, kailan ulit nasundan?” “Hindi na ulit.” Kinwento ni Gio ‘yung struggle niya sa pakikipag-relasyon at attraction sa kapwa lalaki na sa tingin niya ay sagabal sa paghabol niya sa pangarap niyang maging artista. “Fair enough. We know how people, especially here in the Philippines see gay people in show business. At kapag nag-out ang isang actor, less na ang projects na nakukuha niya. Kahit gaano nila sabihin na accepting na ang bansa sa mga LGBT people, lagi pa rin silang may prejudice at discrimination. Most Filipinos still see na ang pagiging LGBT ay kabawasan sa pagkatao ng isang tao.” Totoo naman ang mga sinabi ni Frida. Ganoon din naman ang nararamdaman ni Gio kaya sa mga nakaraang taon, hindi niya sinubukan. Pero ngayong wala na siya sa pagtahak ng landas ng iyon, maaari na kaya siyang sumubok magmahal? “So, talagang pinigilan mo? Wow, ang tatag mo. Imagine suppressing all those emotions. I can’t imagine how much you’ve been through.” Tahimik lang si Gio. Noong lumalim na ang gabi inaya ni Frida si Gio sa kalapit na bar upang kumuha pa ng ilang maiinom. Nakwento rin ni Frida na madalas pa rin niyang naiisip ang ex nito, pero dahil nga sa mga nangyari sa career nito, nakatulong pa iyon para mas makalimot siya. “Iyon lang din siguro ang silver lining sa lahat ng nangyari sa akin. Mas nakakalimutan ko siya,” sabi ni Frida. Nang makarating na sila sa bar mas lalong nakita ni Gio ang pigura ni Frida. Mas matangkad pala ito sa kaniya ng ilang pulgada. 5’8”. Matangkad para sa isang babae. Nanliliit na naman siya. Bagay din sa kaniya ang buzz cut na hairstyle na ito. Androgynous tignan. Ang astig din ng kaniyang mga piercings at tattoo. Isa pang hinahangaan ni Gio kay Frida ay ang confidence nito na magsuot ng mga revealing na damit. “Mababastos ka niyan kapag ganiyan ka lagi manamit,” sabi ni Gio. “Well, it’s not my fault kung mababastos ako. Problema at kasalanan nila iyon ‘cause they’re assholes,” matapang na depense ni Frida. “I can wear whatever I want, whenever, wherever.” Frida is truly one of a kind. Hindi lang dahil nadadala niya ang sarili kung hindi dahil matalino rin ang mga opinyon niya sa mga bagay-bagay. Buong gabi silang nag-uusap ni Gio. Sino ba namang hindi gaganahang kausapin ang babae na ito kung halos bawat buka nito ng bibig niya ay may natutuhang bago si Gio. “I’m actually pro-abortion,” “Pero papatay na kayo no’n ng bata,” pagtatalo ni Gio. “A woman has the right to decide kung anong gagawin niya sa katawan niya. At kung nararamdaman niyang hindi pa siya handang maging ina, then ‘wag muna,” confident na sabi ni Frida. ‘And besides, maraming babae ang nakaranas ng rape at unwanted pregnancy. At karamihan sa kanila ay ‘yung mga underprivileged. Do you really want na ma-burden sila ng bata kung ‘yung mga sarili nila ay nags-struggle pa silang buhayin?” May punto siya. Ilang saglit ay napunta na naman sa relasyon ang usapan. “Siguro naman may crush ka, ‘no?” tanong ni Frida. “Hindi ka na normal kapag wala kang crush.” biro niya. “Actually, na-meet ko na nga, e,” saka ikinwento ni Gio ang nangyari sa audition at ‘yung mga nangyari sa kanila ni Dean. Kahit kailan ‘di niya inakalang maikekwento niya kahit kanino ang nangyari sa kanila ni Dean. Sa sarili nga niya ‘di pa niya maamin pero nagawa niya kay Frida, dahil pakiramdam niya safe siya dito at ‘di siya huhusgahan. “So, sino na nga itong sikat artista na ‘to?” “Hindi ko na sasabihin ‘yung pangalan para naman may mystery,” sabi ni Gio. “Sure, bahala ka sa buhay mo,” sabi na lang ni Frida Totoo nga ‘yung sabi nila na mas madaling makipag-usap sa mga estranghero. Walang judgment kasi ‘di naman nila kilala ang dating ikaw. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin si Frida kay Gio kaya naiwan na lang siya sa bar. Uminom pa siya ng isang boteng beer at naupo siya doon. Open ang bar kaya tanaw mo ang paligid at ang dagat. Kaunti lang ang tao at tahimik ang gabi. May mellow na tugtog sa speaker pero mas nangingibabaw ang mga tunong ng kuliglig at hampas ng alon sa ‘di kalayuan. Ilang saglit may lalaking pumunta sa bar. Pamilyar ang pigura. Inaninag mabuti ni Gio kung tama nga ba ang kaniyang nakikita. Kinusot pa niya ang mga mata. Baka kasi nananaginip lang siya o baka masyado niyang lang iniisip ito kaya namamalik-mata siya. Pero hindi. Narito nga siya. s**t! Wala na ang kakatwang head wrap, o pekeng facial hair o face mask o shades nito. Ba’t naman kasi siya magdi-disguise pa kung halos wala rin namang masyadong tao rito sa isla. “Dean!” sabik na sabi na pagtawag ni Gio sa binata.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD