DEAN
Dahil kaya pa namang lumabas ni Dean sa Villa, ginawa niya. Tuloy pa rin ang pag-iinuman ng kasama niyang direktor na si Eric at co-actor nitong si Jeremy. Nagkakalasingan na, at ‘di na niya gusto ang atmospera sa loob ng villa. Parang kahit anong sandali ay may kung anong di magandang mangyayari.
Nag-retreat kasi silang tatlo para sa isang offer na pelikula kay Dean. Gay ang character niya doon at isa iyong love story. Kailangan nila ng immersion sa character at workshop kay Direk Eric lalo nasa kanilang chemistry. Mabait naman si Jeremy. Straight actor kaya tinuturuan nila ng mga tamang nuances kung paano kumilos ang mga bakla.
Pang-apat nang pelikula iyon ni Direk Eric. Dati pa man din ay may naririnig na si Dean na ‘di maganda tungkol sa direktor na ito pero mas marami siyang nababalitaang maganda. Tinanggap niya dahil abot ang pilit sa kaniya ng mga produser, na nalaman niyang parte rin ng Filipinas Film Festival kung saan ‘di siya nakuha. Kahit gusto nang kalimutan ni Dean ang pag-aartista, tinggap niya ang project. Medyo heavy ang role. May maliit kasi na parte kay Dean na gusto niyang patunayan ang sarili lalo na sa mga produser at direktor, na kaya niya talaga.
‘Di niya maamin sa sarili na nasaktan siya noong auditions kaya gusto niyang patunayan ang sarili.
Pagdating niya sa nag-iisang bar ‘di na malinaw ang kaniyang paningin. Blurred at tila umiikot na ang kaniyang paligid. Gusto lang niya ng maiinom na walang alcohol. Medyo nahihilo na rin talaga siya. Para kasing may halo ‘yung ininom nila.
“Dean!” sigaw sa ‘di kalayuan.
Hindi niya maapuhap kung nasaan ‘yung boses. s**t, baka may nakakilala sa kaniya. Hindi pa naman siya naka-disguise. Pati ba naman sa isla na ‘to? Kakaunti na nga lang ang tao dito, e.
Noong pa-order na siya biglang may yumakap siya. Lalaki. Tinatawag pa rin siya nito. s**t. Hindi naging maganda ang kaniyang alaala kaya natulak niya bigla ito.
“Get off of me!” Natumba ‘yung lalaki. Bumaha ng mga alaala. Hindi niya matignan ‘yung lalaking tumatawag at yumakap sa kaniya.
Nagmadali si Dean. Bigla, parang lalo siyang nahilo. Pero kailangan niyang tumakbo. Huwag po, please. Huwag po, please.
Limang taon na ang nakalilipas noong bago pa lamang siyang nag-aartista. Nasa isang silid siya kasama ang dati niyang direktor. Silang dalawa lang. Hindi na niya maalala ang pangalan nito dahil matagal na niyang ibinaon ang masalimuot na memorya, pero ngayong gabi tila mga larawan ulit itong unti-unting nagkakaroon ng mga kulay.
“Panooring mo lang ako, Dean,” sabi ng direktor sa kaniya. Malat ang boses nito.
Unti-unting ibinaba ng direktor na nasa 40s-50s ang kaniyang suot na salawal.
“Shhh, bukas mo lang ang mata mo. Hindi kita sasaktan Dean. Maniwala ka sa ‘kin.” Tumambad kay Dean ang ari ng direktor. Napasinghap siya. Ipinikit pa rin niya ang mga mata. “Dilat ka na Dean. Mabait ako. ‘Di kita sasaktan. Pagdilat ni Dean matigas na ang ari ng direktor at saka nagtaas-baba ang kamay dito ng direktor.
Rinig na rinig ni Dean ang malakas na t***k ng kaniyang puso. Nangigninig ang kaniyang panga at tila nalulunod siya sa pawis. Nakatitig sa kaniya ang direktor habang nagpaparaos. Gusto niyang mabingi dahil ayaw niyang pakinggan ang mga ungol nito.
Napansin ni Dean na may luha sa kaniyang mata. Tama ang direktor. Hindi naman siya sinaktan. Pero ang karanasang iyon ang matagal nang lumalamon sa kaniyang pagkatao.
Nagising na lang si Dean sa infirmary ng Isla Anima. Iisa lang ang kama at tila siya lang ang tao doon. Maaliwalas ang silid, parang mga villa lang din ngunit mas malaki ito at may opisina rin sa kabilang kwarto. Madilim pa sa labas. Madaling-araw na. Ang huling naalala niya ay tumatakbo siya palayo sa bar saka nadapa siya dahil na rin sa pagkahilo.
“Gising ka na pala,” boses ng isang babae. Pumasok sa silid. Nagulat at napabangon si Dean sa itsura nito. Si Frida. “‘Wag kang mag-alala, mabait ako,” biningyan niya ito ng matamis na nginti. Nasanay na rin kasi si Frida sa mga ganoong reaksyon ng mga tao sa kaniya. Inabot nito ang goto at kape kay Dean na nabili nito sa bar.
Napansin ni Dean ang mga tattoo ni Frida sa braso nito at ang mga piercings nito sa mukha. Napansin din ni Dean na kahit gano’n istura ni Frida, maganda siya. She is something.
“Paano 'ko napunta dito?”
Saka kinwento ni Frida na natagpuan na lang niya si Dean na nakahandusay sa buhangin, umiiyak at tila wala sa sarili hanggang sa nawalan ng malay. Humingi si Frida ng saklolo sa mga guide at nagpahatid sa infirmary. Tinulungan sila ng in-house na nurse pero umalis na rin pagkatapos mabigyan ng first aid. Nothing major sabi ng nurse. Pahinga lang din daw ang kailangan ni Dean kaya hinayaan na mag-stay doon sa infirmary. Nagprisinta na rin si Frida na siya na ang magbabantay sa binata.
“Oh, thank you,” bumalik sa pagkakahiga si Dean. Masakit pa rin ang ulo. Pilit niyang inaalala kung bakit siya umiiyak kanina.
“You are Dean Valli, right? The actor?” pagbasag sa katahimikan ni Frida. Naupo na ito sa gilid ng kama. Kinain na rin Dean ang dala nitong goto.
“Yeah,” matipid na sagot ni Dean
“I’m a fan!” masiglang sabi ni Frida. “Frida nga pala.”
Nag-shake hands ang dalawa.
“So, anong nangyari sa ‘yo kanina? May kasama ka ba?
“s**t,” saka naalala ni Dean sina Direk Eric at Jeremy.
“I was alone kanina sa villa, then naisipan kong magyosi saka kita nakita. You were mumbling something,” Ayaw sanang manghimasok ni Frida sa buhay ni Dean pero alam na niyang may madilim itong nakaraan. Narinig niya mismong inuusal ni Dean ang mga salitang ‘Huwag po, please’ “So, saan ‘yung villa mo? Hatid na kita?”
“No, stay here,” Lowkey inaasahan na rin ni Dean na ma nangyayari na sa Villa nila. Bago pa kasi sila makarating sa Isla, iba na rin kasi ang mga kilos ni direk Eric at Jeremy. Huling gabi pa naman na nila sa Isla Anima at bukas ng gabi ay babalik na sila ng Maynila.
“Sure, sabi mo e.”
“Baka kasi makaabala pa ako sa nando’n,” saka binigyan ng makahulugang tingin ni Dean si Frida. Sigurado na sa sarili si Dean na hindi siya na-attract sa babae pero bakit parang may iba kay Frida. Dahil ba sa unusual na ayos at dating nito?
“Oh, gets,” napangiti si Frida. “So, thirdwheel ka pala. Kawawa ka naman,”
“Hindi, ‘no. Direktor at co-actor ko ang kasama ko sa villa. Umalis ako kanina ng villa kasi nahihilo na ako at gusto ko sanang may mainit na mainom kaya nagpunta ako ng bar. Then, some creepy guy approached me, he tried to assault me,”
“Wait, what?”
Nagkakagulo ang mga alaala ni Dean. Nagkakahalu-halo ang mga nangyari sa nakaraan at sa kasalukuyan.
“Or, parang hindi yata,” nalilitong sabi ni Dean. “My memory is messed up. Basta there was a guy.”
“Omg, anong ginawa mo?”
“I ran as fast as I could,”
“Sigurado ka bang he did something to you?”
“I-I don’t know to be honest. I’m sorry.” Sinubukang lumakad ni Dean ngunit napaupo siya dahil sa hilo.
“Sige na, dito ka muna. Ako na munang bahala sa ‘yo.” sabi ni Frida sa kaniya. Nagulat siya sa concern ng stranger sa kaniya. Maybe he could really depend on kindness of strangers,
“Pasensya ka na. Hindi ka pa tuloy nakapagpahinga dahil sa akin.”
“No, don’t worry about that. Mag-isa lang naman ako. Wala namang mag-aalala.” Dean suddenly loves Frida’s independence.
“Thank you, ha? Ano nga palang ginagawa mo rito sa Isla Anima?” pagbubukas ni Dean ng usapan, bilang pasasalamat at pagiging polite na rin sa estranghero na tumulong sa kaniya.
“Ah, me?” sa loob ni Frida, kinikilig siya now that she’s with someone na hinahanggan niya as an artist. It’s sort of a dream come true. Pero no need naman na ma-intimidate since para kay Frida, tao lang din naman si Dean just like her. “Soul-searching.”
“Oh, wow. Uso pa pala ‘yun?”
“Yes, of course. After all, ‘yung mga kaedaran natin lalo na ako, I’m 23. Ikaw 20 ka na, right? We’re all lost souls,” napatingin si Dean dito. “It just happened na we’re privileged enough to afford these luxuries of going in a remote island, take beautiful pictures habang inaapuhap natin sa kawalan ang mga kaluluwang nakatago sa ating pagkatao.”
“Wow, poetic.”
“I should be. I’m a writer, e.”
“So, that explains this?” saka minuwestra ni Dean ang kaniyang palad sa look ni Frida.
“Kinda. This is my way of expressing myself.”
“Weird talaga kayong mga writers,” sagot ni Dean.
“Pero hindi lahat ng mga writers ganito, ha? It’s just that eto lang ‘yung creative expression ko and I think nakakatulong siya sa process ko sa pagsusulat.”
“So, anong mga isinusulat mo?”
“I write novels,” sabi ni Frida. Kahit may mga nangyari sa nakaraan proud pa rin si Frida na sabihin sa mga tao na nagsusulat siya. Ang iba kasi pag nagakroon ng mabigat na issue, kinakalimutan na nila ang lahat. Tinatakasan na. Pero si Frida, hindi. Naniniwala siya na kahit na maraming bumatikos sa kaniya hindi niya hahayaang mabura noon ang kaniyang identidad.
“Nasubukan mo nang sumulat ng pelikula?”
“Actually, that’s what I’m writing right now,”
“Tungkol saan naman ‘yan? Kwento mo naman,” pabirong sabi ni Dean.
“‘Pag ba kinwento ko sa ‘yo, willing kang kuhanin ‘yung lead role in the future?”
Napaisip si Dean saglit. Tumingin siyang muli kay Frida. Sa tuwing ngingiti ito tila kumikislap din ang mga piercing nito sa mukha na lalo lang nakadagdag sa aura nito. Kung straight lang ako, liligawan ko si Frida, isip ni Dean.
“It’s a gay character. And I want gay actors for the role. #Representation.”
“Uhm, actually. I’m quitting showbiz.”
“Wait, what? Akala ko ba you’re doing a project right now?”
“Last na ‘yun. Saka may kailangan lang akong patunayan.”
“Fair enough. Sayang naman. Nakalista ka pa naman sa mga dream cast ko.”
Na-flatter naman si Dean. Kahit papaano pala may mga manunulat din ng pelikula na nakakapansin sa kaniya.
“So, bakit naman ayaw mo nang mag-artista? Anong balak mo? Hindi mo na-eenjoy ang fame?” May karanasanan din naman si Frida lalo na sa usapang fame. Gusto lang din niyang makarinig ng perspektibo ng ibang tao.
“It’s a double-edged sword. It feels good at first until everyone is somehow against you,” tahimik lang na sumasang-ayon si Frida. Alam niya ang pakiramdam na ito. Alam na alam. Kabisado niya ang bawat sensibilidad ng bawat salita ni Dean. Sa unang pagkakataon, kahit magkaiba ang kanilang mundo, tila iisa silang tao.
“I get a lot of indecent proposals. I feel disrespected,” malungkot na sabi ni Dean.
“I feel you,” mahinang bulong ni Frida kay Dean. Tinitigan niya ang binata habang nakahiga ito at nakatitig sa kisame habang nagkekwento. Hindi na siya masyadong nakikinig. Nakatitig lang ito sa mga labi ni Dean. Who would’ve thought na makikilala niya ang isang Dean Valli dito sa Isla Anima. Buti na lang talaga lumabas siya kanina sa kaniyang villa.
“Isa pa, kaya ayoko na rin talaga showbiz ay dahil maraming s****l predators.”
Nagulat si Frida sa pagiging kampante ni Dean sa pagsasabi sa kaniya noon. Kahit na isang open secret na iyon lalo na sa industriya, lihim siyang nagpapasalamat sa pagtitiwalang ibinibigay ni Dean sa estrangherong tulad niya.
“And you can’t blame those people na nagiging biktima kasi sa tingin nila iyon lang ang tanging paraan para makuha ‘yung pangarap nila.”
Saglit naalala ni Frida si Gio. Naranasan na kaya niya ang mga ikinekwento ni Dean?
“Did something happen to you before?” tanong ni Frida pero binawi rin niya agad dahil nag-alala siya na baka matrigger muli ang mga madilim na alaala ni Dean. “Sorry, I didn’t mean to--”
“It’s ok,” paninigurado ni Dean. “And to answer your question, yes.” Hindi alam ni Dean kung bakit nasasabi niya ang mga ito ay Frida. Pakiramdam niya kasi si Frida ‘yung tao na hindi siya huhusgahan kahit anong sabihin niya, kahit malaman man nito ang kaniyang nakaraan.
“You don’t need to tell me that, Dean.” hinawakan niya ang kamay nito bilang pagdamay. Napatingin si Dean saglit dito.
“I have moved on naman na. Or maybe I like to think I have moved on. Tapusin ko na lang ‘tong project na ito. Then I’ll start again.”
“Well, I wish you luck,” inabot ni Frida ang tasa ng kaniyang kape at itinaas, “To new beginnings,” binigyan lang siya ni Dean na parang sinasabi na seryoso ka ba? Cheers? Kape?
“Sige na! Nangangawit na ako, o?”
Napangiti si Dean at inabot ang kaniyang kape.
“To new beginnings,” at sabay nilang ininom ang malamig nang kape
Maya-maya ay dumating na rin ‘yung nurse at nagpaalam na rin si Frida sa kaniya. Nagpasalamat muli si Dean sa pagsama sa kaniya nito. Pinagmasdan lang ni Dean si Frida hanggang sa maglakad ito palayo ng infirmary. Inihatid pa niya ito ng tingin mula sa kaniyang bintana sa silid. Nakaguhit sa kaniyang labi ang kakaibang ngiti. May boyfriend kaya si Frida, tanong niya sa sarili. s**t, hindi ko dapat ‘to iniisip.
Bumalik na siya sa Villa at parehong wasted ang dalawang kasama niya. Magkasama ito sa kama. Nakakalat pa rin ang mga tirang pulutan at mga bote ng alak sa kanilang villa. Nagboluntir na si Dean na ayusin ang mga iyon. ‘Di pa rin mawala sa isipan ni Dean si Frida.
Kahit gaano siya kasigurado sa kaniyang gender at sarili, pakiramdam niya teenager na naman siyang muli dahil sa pagkalitong kaniyang nararamdaman.