CHAPTER XI
GIO
Hapon na pagkagising ni Gio. Mukhang napasarap ang kaniyang tulog. Una niyang naisip si Frida. Kailangan nilang magkasama-sama muli sa bonfire at sa party. They needed to savor each moment. At isa pa, gusto rin namang masulit ni Gio ang lahat. Huling gabi na nila ito.
Inihanda na niya ang sarili. Naligo muli at nagdamit nang maayos. Gio was wearing a printed tank top and a beige sweatpants. Inayos niya ang sarili na sa parang makikipag-date. Date nga ba? Alam ba niya ang pakiramadam na iyon? E, halos ‘di nga niya naranasan iyon. Pakiramdam niya tuloy ngayon ay parang teenager na naman siya na nagpapabango at inaayos ang buhok na parang magpapansin sa crush niya. Kailangan ma-impress sina Frida at Dean sa itsura. Gio wants them to recognize na he’s actually handsome. Hindi man kasing gwapo ni Dean, but cute enough to be in their circle.
Paglabas niya ng villa, napansin niya na mas marami ang tao ngayon. Sa ‘di kalayuan ay parang mga alitaptap ang liwanag ng mga bonfire. Paglapit niya nakita niyang may siyam na maliliit na bonfire ang nakahilera na sa dalampasigan. Kahit sino ay pwedeng humarap doon. Ang kalahati ng mga iyon ay okupado na iba’t ibang grupo at magkakaibigan. Iba-iba ang kanilang ginagawa. May mga tahimik na nag-uusap, may mga nagja-jamming at naggigitara, iyong iba naman ay may couple na simpleng naglalambingan lang sa harap ng apoy.
Lumapit na si Gio sa isang bonfire at umupo na sa harapan no’n, tanda na inirereserba na niya ito para sa kanilang tatlo.
FRIDA
Itinago muna ni Frida ang tatlong sketch na ginawa niya para sa kanilang tatlo. Naibili na rin niya ito ng frame mula sa souvenir shop. Bukas na niya ito ibibigay kina Dean at Gio bago sila magpaalam sa isa’t isa.
Noong magsisimula na ang bonfire pumunta muna siya ng bar upang bumili ng drinks. Syempre mas masaya ang magiging experience sa bonfire habang umiinom. Pagkarating niya sa bar nakita niya si Dean, kararating lang din. Ayos na ayos ito na parang makikipagdate pero sa beach ang setting. He’s handsome as usual. Nakikita niya ang mga tao sa paligid na pinagbubulungan siya. Well, iba na talaga ang famous, isip ni Frida,
Kinawayan niya si Dean at nakita siya agad nito. Nag-aalala ang tingin ni Dean kay Frida ngunit naroon din ang pagkasabik na makitang ok na ang kaniyang kalagayan.
“Are you sure you’re ok already?” bungad ni Dean.
“Kaunting hapdi na lang, pero mawawala na ‘yan kapag nakainom na tayo,” sabi ni Frida.
“Ikaw talaga,” saka inakbayan ni Dean si Frida at naglakad palapit sa mismong bar upang umorder ng drinks.
“Huy, mapagkamalan ako ng mga tao rito na girlfriend mo ‘ko,” pabirong sabi ni Frida.
“I don’t care,” sabi ni Dean. Kung alam mo lang Frida, isip ng binata.
“Edi, malilito na naman ang mga fans mo,” sabi ni Frida.
Hindi sumagot si Dean. Kasi sa totoo lang siya ‘yung nalilito. Parang bigla ay gusto niyang ipakilala na this amazing woman is his girlfriend sa mga tao sa bar. Wala siyang pakialam sa sasabihin o iisip ng mga ito.
“So, what should we get?” tanong ni Dean.
Ilang segundo silang nag-isip at sabay na sinabing, “Vodka!”
Napangiti sila sa isa’t isa. Iisa na namn ang kanilang iniisip. Alam nia a reho na dapat maging espesyal ang gabing ito para sa kanila. Gusto lang naman nila na pag-alis nila sa islang ito, panibagong tao na sila. Bago, na ang ibig sabihin ay mas improved version ng kanilang mga dating sarili. Sa kanilang sari-sariling assessment, papunta naman na sila roon.
Pagtungo nila sa labas ng bar, marami nang mga grupo ng tao ang nagkukumupulan sa bawat bonfire sa labas. Nasaan na kaya si Gio, isip ni Frida. Kwento namna ni Dean na nariyan lang sa tabi-tabi iyon dahil nag-usap naman na sila noong umaga na pare-parehong pupunta. Hindi na rin muna binanggit ni Dean kay Frida ang mangyayaring breakfast kinabukasan. Espesyal iyon at isang surpresa. Nakikita naman ni Dean na nagiging ok na si Frida.
Natanaw nila ang isang bonfire na may isang lalaki lang ang nakaharap. Si Gio na ‘yun panigurado. Nilapitan na nila ito. Dahil sa liwanag sa apoy, Gio’s looking extra handsome tonight. He looks so precious, isip ni Frida. Ayos na ayos ang buhok nito at bagay na bagay sa kaniya ang moreno look.
Shit. Hindi niya mapakalma ang female hormones niya. Mapaligiran ka ba naman ng dalawang naggwapuhang lalaki, bakit naman hindi. Minsan binibiro niya ang sarili na baka naging straight na siya dahil kina Dean at Gio. Pero malabong mangyari iyon. Attracted pa rin siya sa mga babae kahit anong mangyari.
Binura muna niya ang kahit anong iniisip. Saglit ay parang hindi niya muna naramdaman lahat ng hapdi at sugat sa kaniyang katawan because tonight will be a night they will remember for the rest of their lives.
GIO
“Akala ko hindi niyo na ako sisiputin, e,” bungad ni Gio kina Frida at Dean. Umupo na ito palibot sa maliit na bonfire. Tatlo na sila ngayong nakaharap sa nagbabagang apoy.
“Ba’t naman namin gagawin iyon?” sabi ni Dean. “Syempre, last night na natin ‘to, ‘no?” Saka niya agad binuksan ang bote ng vodka. Iisa lang ang shot glass nila.
“Wait sinadya ba nating isa lang ang kuhanin?” tanong ni Frida kay Dean patungkol sa shot glass.
“Hayaan mo na, nu’ng sa talampas nga iisang bote lang ang ininuman natin. Magkakahiyaan pa ba tayo,” sabi ni Gio. Oo nga naman. Saka hindi naman sila maarte. Isa pa, hindi naman nila pwedeng inumin nang sabay-sabay ‘yung vodka dahil mauubos at malalasing sila agad. Maganda na ‘yung unti-unti at isa-isa silang iinom dito. Mahaba pa naman ang gabi at hindi naman sila nagmamadali,
Lumingon sila sa paligid. Iba-iba ang ginagawa ng mga tao sa kani-kanilang bonfire. May mga nag-iiyakan na sa gawi doon, may nagkakantahan, may nagtatawanan na tila inaalala ‘yung mga masasayahang alaala nila bilang magkakaibigan, mayroon pa ngang nagba-bible study.
“Nakaisip na ako ng gagawin natin!” masiglang sabi ni Frida. Matamang nakinig sina Gio at Dean sa dalaga.
“Naisip ko lang na since we’re all here naman talaga to, you know, have a soul searching,” panimula ni Frida. “Why not go back to ourselves? I mean, our younger selves.”
Mukhang malabo pa rin ang direksyon ni Frida para kina Gio at Dean, pero lahat sila ay sabik na sa kakahinatnan ng gabing ito.
“So, basically, we will imagine na this fire, nariyan naka-project ‘yung image ng, uhm, 4-year-old self natin. Ta’s we’re here as who we are. Anong sasabihin natin sa batang iyan.”
“Woah, that’s,” napatulala si Dean na parang kino-compose na ang mga sasabihin. “…heavy.” Saka niya binuksan ang bote ng alak at saka unang nagsalin sa shot glass at saka ininom.
Napabuntong-hininga silang lahat. Tila nag-iinternalize ng mga sasabihin nila. Ilang minuto pa ay tahimik sila. Nakatitig lang sila sa apoy. Pilit silang bumabalik sa nakaraan. Ilang saglit ay nawala ang ingay ng paligid. Sila na lang tatlo muli ang tao sa isla.
“Ako na’ng magsisimula,” sabi ni Frida. Huminga siya nang malalim, pumikit at saka dumilat at tumitig sa apoy.
“Fri, I just wanna say na, life ahead of you will be tough. You may have supporting parents pero masusubok ‘yun kapag nagsimula mo nang kwestiyunin ‘yung sarili mo, ‘yung pagkatao mo. Bata ka pa lang alam mo nang naiiba ka sa mga pinsan mong babae. You always have this weird feeling every time you’re around girls. And that’s ok. It won’t make you less of a person.
“Tatagan mo kasi mahaba-habang usapan ‘yan with your dad and mom. Lalo na kay Daddy. ‘Wag kang hihinto na i-equip ‘yung sarili mo ng mga progresibong kaalaman kasi ‘yan ang magiging armas mo sa pagharap sa malupit na lipunan.
“‘Wag kang hihinto. ‘Pag napagod ka, magpahinga ka. People won’t like you, kasi marami kang alam, kasi bida-bida ka minsan. They will smart-shame you, they will talk behind your back.”
Napansin ni Gio na tumulo na ang luha ni Frida. Gusto niya sana itong aluhin ngunit ayaw din naman niyang mabasag ‘yung moment ni Frida. Suddenly, he’s watching her again na parang ginawa niya noong nakita niyang nagmo-moment mag-isa si Frida.
“But that’s ok. It’s not your fault. It’s theirs,” huminga saglit si Frida. Pinahiran muna niya ang luha. “Gusto ko lang din sabihin na hindi naman lahat magiging madilim para sa ‘yo. There will be moments na mapa-proud sila sa ‘yo at ikaw sa sarili mo. Spoil ko lang, ituloy mong isulat ‘yang unang nobela mo. Iyan ang maghahatid sa ‘yo sa taas. And you will enjoy it there.
“Sobrang proud din ako sa ‘yo nu’ng napagdesiyunan mong i-shave ang hair mo. The feeling is liberating na you’ll want more. Kaya magpapa-tattoo ka rin at magpapa-piercing. Grabe ‘yung freedom sa pag-express ng sarili. It’s addicting.
“Alam mo, wala naman akong ibang sasabihin sa ‘yo kung hindi tatagan mo. Kasi people will be so cruel sa ‘yo. Especially the writing community. Sasabihin nila sa ‘yo na you’re not good enough, na you’re selfish and egoistic, na you will never be enough to impress them, na you will be sexualized…” napahinto si Frida. Huminga muli siya nang malalim.
“You’ll meet someone na magpapa-realize sa ‘yo ng lahat. You’ll love her so much kasi gano’n din siya sa ‘yo. Maalaga siya at hindi ka niya papabayaan. Pero darating ang mga problema, hindi kayo magkakasundo. Pipilitin niyo pang ayusin pero…pero…baka hindi na talaga pwede.
“But I just want to say na you’re amazing and hindi ikaw ‘yung mga sinasabi ng ibang tao.” Natapos na si Frida at sandali silang natahimik. Pinagmasdan lang nila kung paano kainin ng apoy ang bawat kahoy na naroon sa gitna. It’s fascinating.
Lumapit si Gio at Dean sa tabi ni Frida saka ito yinakap. Wala silang sinabi. Hinayaan lang nilang aluhin ng isa’t isa sa tunog ng t***k ng kani-kanilang puso.
“God, this is a bad idea,” pabirong sabi ni Frida habang pinapahid ang luha. Saka siya uminom ng isang shot. Gano’n din ang dalawa.
Hindi naman sumang-ayon si Dean dahil maganda na nasasabi natin sa ibang tao ang mga problema. Para kahit papaano ang nababawasan ang bigat nito.
“So, I guess it’s my turn,” sabi ni Dean. Tumingin sina Gio at Frida sa binata.
“Dean,” panimula niya. Ngumiti ito nang makahulugan ngunit halatang may kirot sa kaniyang mga mata. “Ihanda mo ang sarili mo kasi, ang bilis mangyayari nang lahat.
“Sa sobrang bilis halos wala ka nang oras para kilalanin ang sarili mo. They always say na you’re genetically blessed ‘cause you got looks. It will always work in your favor pero at the same time it’s a double-edged sword. Mag-ingat ka. Mag-ingat ka palagi.
“Maswerte ka kasi biniyayaan ka ng mga magulang na understanding at accepting sa kung anong naging sexuality mo pero once you enter the limelight, lahat ng pwedeng ibato sa ‘yo, ibabato sa ‘yo. Mag-ingat ka kasi people are gonna be cruel. Mag-ingat ka kasi people will take advantage of--” hindi natapos ni Dean ang sasabihin dahil lumuha na ito. Parang tila ay nanumbalik ang madidilim na alaala noong mga gabing he was sexually abused. Hinawakan ni Gio ang kanay kamay ni Dean. Si Frida naman sa kaliwa. Ito’y tanda ng kanilang pagdamay sa kaibigan.
“Mag-ingat ka sa bawat desisyon kasi darating ‘yung panahon na mapapagod ka nang sobra…sobra…na parang gusto mo na lang huminto. Na parang gusto mo na lang magpakalayu-layo papunta sa lugar na walang nakakakilala sa ‘yo. Na parang gusto mo na lang maging normal ulit.
“Pero lagi ka lang maniwala sa sarili mo. Take your time. You’ll be great.” Inalo nila si Dean. Saglit ay ipinatong nina Gio at Frida ang kanilang ulo sa balikat ni Dean. Lahat silang tatlo ay nakatingin sa apoy na tila pinapanood ang batang Dean.
“Huy, ikaw naman,” banggit ni Dean kay Gio habang pinapahiran nila ang luha. Uminom muna sila ng tig-isang shot ng vodka.
Umayos ng upo si Gio at naghanda na magsalita. Huminga muna siya nang malalim.
“Bata pa lang, sinasabi na nila sa ‘yo na pilyo ka, na ang galing mong mapaniwala ‘yung mga tao kasi ganoon ka kagaling umarte. They will all praise you kasi lagi kang aktibo, lagi kang magaling sa mga ginagawa mo at higit sa lahat hindi ka sumusuko sa kahit anong gawin mo. Na hindi ka titigil hangga’t hindi mo nakukuha ang isang bagay.
“At paniniwalaan mo sila. Tama naman. Kasi ‘yan ang magbibigay sa ‘yo ng lakas at confidence para makayanan mo lahat ng haharapin mo sa future.
“Ihanda mo ang sarili mo kasi…magiging mahirap ang pagkawala ng papa mo.
Saka tumulo ang unang luha ni Gio noong gabing iyon.
“Aalis si mama mo kasi kailangan niya kayong buhayin ni Geraldine. Ang gusto ko lang naman sabihin, sana ‘wag ka nang maging selfish. Maiintindihan kita na gusto mo lang naman matupad ang mga pangarap mo, na ikaw pa rin ‘yung sinasabi nila, na pinapaniwalaan mo pa rin ‘yung mga positibong bagay na sinabi ng mga tao sa paligid mo.
“Pero tingnan mo rin ‘yung sarili mo, ‘yung ilang beses na ma-reject ka, ‘yung ilang beses na sabihin sa ‘yo ng direktor na hindi ka naman talaga magaling, ‘yung mga panahon na pinili mong hindi kumain para lang makabyahe agad papuntang auditions…at para umuwi lang sa wala, ‘yung mga gabing iniyak mo kasi ayaw nila sa ‘yo.
“Darating ‘yung punto na pakiramdam mo wala namang pinatutunguhan lahat ng pinaggagawa mo, na parang pinagsisiksikan mo lang ‘yung sarili mo, na ibinigay mo naman na lahat pero kulang pa rin, hindi pa rin sapat.
“Magpahinga ka naman. Hinto muna. Sana matutunan mong magpahinga. Sana minsan matutunan mo na hindi lahat ng bagay na gustuhin mo ay para sa ‘yo, sana matutunan mo rin kung paano sumuko.
Natahimik silang lahat. At tanging mahihinang hikbi lang ni Gio ang naririnig nila. Hindi na ang batang Gio ang kausap niya. Sarili na niya ito. Ngayon. Ngunit hinayaan lang nila Frida at Dean si Gio na makapaglabas ng nararamdaman.
Uminom silang muli ng tig-isang shot ng vodka. Nakakaramdam na sila ng hilo ngunit lalo lang nagiging malakas ang loob nila sa mga ganitong usapan.
“Maaawa ka naman sa sarili mo,” tuloy ni Gio. “Hindi ka pa ba nakakaramdam? Hindi nga talaga pwede. Hindi ka nga pang-artista. Mediocre ka lang. Hanggang commercial ka lang. Hanggang ekstra ka lang. Kahit kailan hindi ka magiging bida.”
Unti-unting napuno ng galit at poot ang tono ng boses ni Gio.
“Para ka nang tanga. Pinagtatawanan ka na siguro ng mga tao kapag paulit-paulit ka na lang nadadapa. Kasi pinipili mong madapa nang paulit-ulit. ‘Yung nanay mo nga tumigil nang maniwala sa ‘yo, e. Kasi hindi ka naman talaga magaling!”
“Shhhh,” saka inalo ni Frida si Gio. Nagpahid ito ng mga luha. Mukhang sumobra yata ang mga emosyon ngayong gabi. Pareho nilang yinakap si Gio.
“We appreciate you so much,” sabi ni Frida. “Right, Dean?”
“Yeah, para sa amin ni Frida, you’ll always be great,” sabi ni Dean.
Tumahan na si Gio at binigyan ng matipid na ngiti sina Frida at Dean.
“Kahit kailan hindi ko inakala na masasabi ko ang mga ‘yun. I never had friends. Parang pagkatapos ng college. Nawala na rin sila lahat. Noong nag-work ako, I was always distant with all the people kasi lagi kong iniisip at abala sa susunod na audition o casting call. Masyado akong naka-focus sa sarili ko. Obsessed na yata ako no’n,” pag-amin ni Gio.
Muli silang uminom ng tig-isang shot.
“Sayang, ‘di tayo makakapag-cheers,” sabi ni Frida.
“Anong hindi?” sabi ni Dean saka itinaas ang kamay na parang may hawak siyang baso, parang yung ginawa nila sa taas ng talampas noong umiinom sila ng alak. Napatawa naman si Frida dahil wala namang hawak si Dean na baso. Itinaas na lang din niya ang kaniyang kamay at umaktong parang may hawak na shot glass.
Itinaas naman ni Gio ang hawak na shot glass upang sumalo sa ‘cheers’ nila kahit siya lang din nman ang may hawak ng baso.
“Cheers!” sigaw ni Dean.
“Para kay 4-year-old Gio, Dean at Frida,”
“Para sa mga plano natin sa hinaharap,”
“Para sa mga bagong simula,”
“Cheers!”
Saka nila inubos ang natitirang vodka sa bote. Malalim na ang gabi at patuloy lang silang nagkwentuhan. Walang antok na nararamdaman. Lahat sila’y nahihilo man gawa ng alak ngunit naroon ang kasabikan na mas makilala pa ang isa’t isa. Sabay-sabay silang nagtawanan at nag-asaran. Sinulit ang bawat segundo ng kanilang huling gabi.
“There was this moment sa isang book event, ta’s open forum na. Someone asked kung may boyfriend na ako. As in. Ang creepy ni kuya. Like sa harap ng maraming tao. Then sabi ko, oo. Mayroon na. Then itinuro ko ‘yung girlfriend ko that time, e katabi pa niya pala sa seat. Ta’s kinawayan niya si kuya. Grabe, ‘yung gulat ng audience pero ang priceless ng mukha ni kuya. As in. Tawang-tawang kami ng girlfriend ko pag-uwi namin ta’s nalaman ko rin na lowkey nilalandi pala siya ni kuya noong magkatabi sila sa event,” pagkekwento ni Frida. “Nakakaloka!”
“Ako naman, may time na sobrang haba ng listahan ng mga pinago-audition-an ko noon. Nakalista kasi ‘yun sa notebook ko dati. Then pagdating ko sa mismong audition room lahat ng tao lumingon sa akin. s**t. Lahat sila babae. Tangina. Late ko nang na-realize na ‘yung role pala na ‘yun ay stripper na babae. s**t, talaga. Sobrang nakakahiya kasi ang unang sabi ko pagpasok ko ng room ay ‘Late na po ba ako sa audition?’ Grabe ‘yung mga mukha nila. Sobrang weird ng tingin sa akin. Gusto ko talagang lumubog noon sa kinatatayuan ko. Ang tanga-tanga ko na hindi ko natignang mabuti ‘yung nakasulat sa role. Sugod lang ako nang sugod,”
“s**t, naalala ko tuloy ‘yung gusto kong lumubog sa pwesto ko no’n. One time nasa isang commercial shoot ako. Sa sobrang sabog ko no’n napagkamalan ko ‘yung director namin na assistant sa set. Nagpatimpla pa ako ng kape. Ipinagtimpla naman niya ako ng kape ta’s nu’ng ininom ko halos maibuga ko sa sobrang pait. Bago pa ako makapagreklamo at mapagalitan ‘yung nagtimpla biglang dumating ‘yung AD at tinawag na si Direk. Naibagsak ko no’n ‘yung hawak kong tasa. Inirapan lang ako ni Direk. Grabe sorry ako nang sorry noon kay Direk. Dahilan ko dalawang araw na kasi akong walang tulog dahil galing pa ako noon sa taping.”
“O, kumusta kayo nu’ng direktor na ‘yun?” tanong ni Frida.
“Ayun, ok naman na kami ngayon. Isa na siya sa mga maituturing kong kaibigan sa industriya,” sabi ni Dean.
“Kaya siguro sobrang pait ng kape, e, para magising ka raw,” natatawang sabi ni Gio kay Dean.
“Oo nga, ‘no?” saka sila muling nagtawanan at nagkwentuhan pa ng mga kakatwang karanasan sa kani-kanilang buhay.
Naputol na lang kanilang kwentuhan nang biglang may tumunog na malakas na tugtog sa bar. Napalingon silang lahat doon at nakita nilang ang iba’t ibang kulay na patay-sindi. It’s party time!
Halos mag-unahan ang mga tao papunta sa bar upang sumayaw at makisaya sa party. First time kasi, lagi kasing tahimik din sa bar kapag gabi kaya bago ito para sa kanila. Laging mellow ang gabi. Oras naman na raw para mag-wild.
Tumakbo agad papunta sina Dean at Frida habang pabiro nilang iniwan si Gio.
“Maigsi kasi biyas mo kaya ‘di mo kami maabutan!” pang-aasar ni Dean sa tumatakbo na ring si Gio.
“Ah, gano’n? Maigsi pala, ha?” saka hinabol ni Gio ang dalawa.
Pagdating nilang lahat sa bar parang nawala sila sa isla, parang nasa syudad silang muli at nasa isang club. Halos siksikan ang mga tao sa maliit na lugar upang magsayaw nang magsayaw. Marami na ring lasing dahil sa mga alak na nainom ng mga tao. Talaga namang masarap magpaka-wild matapos ang ‘malulungkot at deep’ na moments sa bonfire.
It’s the night to let go.
Bago sa ganitong eksena si Gio dahil hindi naman siya gano’n kahilig pumunta sa mga bar o club. Bilang lang sa mga daliri niya sa kamay kung ilang beses siyang nakapasok sa mga ganoong lugar. Samantala, normal ang ganitong eksena kina Frida at Dean. Ang mga kaibigan ni Frida ay mahilig pumarty at magpunta sa ganitong mga lugar, ganoon si Dean kapag hindi busy sa mga tapings or shoots.
Nagpunta sila sa gitna ng dance floor and they danced. Wala na silang pakialam. Naroon na rin ang pagkalasing nila kaya wala na silang pakialam sa mga nangyayari sa paligid o iisipin ng ibang tao.
Inaya muna sila ni Frida sa bar upang umorder muli ng maiinom. Sumunod naman sina Gio at Dean.
Malabo na ang lahat ng nakikita ni Gio. Parang blurred na lahat, siksikang mga tao, patay-sinding ilaw at kumakabog na mga sounds. May sinasabi si Dean malapit sa kaniya pero hindi niya marinig sa lakas ng beat at music sa paligid. He was just goofing around. Nakaakabay pa nga ito sa kaniya.
Paglapit nila sa bar nilapagan agad sila ni Frida ng tig-isang shot. “Cheers!” sigaw ni Frida pero hindi sila nakapagsabay-sabay itaas ang shot glass dahil agad na ininom nina Gio at Dean. Matapang talaga ang alak na iyon at kahit mataas ang alcohol tolerance mo, siguradong malalasing ka.
“Hindi niyo naman ako sinabayan, e,” pagrereklamo ni Frida. Halatang may tama na rin ng alak kung huhusgahan ang boses niya. “Isa pa! Kuya tig-isa pa po sa aming tatlo!”
Then naglapag ulit ‘yung bartender ng tig-isang shot sa kanilang tatlo. “Cheers!” sigaw ni Gio. Malabo na sa kaniyang paningin si Frida at Dean pero nakita niya itong tumatawa. Ininom na pala nito ‘yung kanilang alak. Nakalimutan din nila, o baka gumanti lang si Frida.
“Kayo, a! Iniwan niyo ko!” sabi ni Gio. Nakakaramadam na siya ng pag-ikot ng paligid. Pero sige pa rin. He’s living his life to the fullest.
“Eto na last na…hik…talaga,” sinisinok na si Dean at halos pabagsak na ang talukap ng mata nito dahil sa antok at pagkahilo. “Hik..kuya…tig-isa...hik…pa kami!”
Saka napuno na naman ang kanilang shot glass, “Cheers!” sigaw ni Dean. Muntik nang tumapon ang mga alak nila sa shot glass dahil gumewang-gewang na ‘yung mga braso nila sa ere. But they all drink it at the same time. May kung anong sensation silang naramdaman. Parang silang lumulutang sa ere. They feel impalpable. Naroon ang pagkahilo but they still slightly recognize what is happening. They all have the alcohol-fueled courage to do anything. They feel ecstatic, too.
Bahagya nagising ang diwa nilang nang pinatugtog ng DJ ang Love My Way ng Psychedelic Furs. But it’s more upbeat. Dean instantly recognized the song.
“s**t! Let’s go dance!” Saka niya inakay sina Gio at Frida sa gitna ng dance floor at sumayaw muli. Naalala ni Gio ‘yung sayaw nila noong nasa talampas. It was raining, but this time mas wild sila. Wala silang pake dahil ‘yung ibang tao ay ganoong din tulad nila. Isinayaw lang nila lahat ng problema, frustration, worries at lahat ng mga bagay na nagho-holdback sa kanila.
Suddenly, everything becomes cinematic. Three perfect strangers who have found home with each other are dancing in the middle of nowhere. It’s the perfect moment to fall in love again.
‘I follow where my mind goes,
Swallow all your tears my love,
And put on your new face
You can never win or lose
If you don’t run the race,’
Sabi ng kanta.
Halinhinan silang tatlo. Sasayaw magkasama sina Frida at Dean, then si Frida at Gio at si Dean at Gio naman. Then silang tatlo, magkakayap sa gitna ng dance floor.
Pilit inaninag ni Gio ang dalawa niyang kasama. Pareho silang masaya. Hindi, understatement ang masaya. Ibang klaseng joy ang nararamdaman nila ngayon. This night is indeed special for the three of them.
Dean suddenly grabbed his waist. And they swayed around while Frida is watching them. Dean cupped Gio’s face. Biglang lumapit ang mukha ni Dean sa mukha ni Gio. s**t. Namula si Gio. Buti na lang madilim at hindi makikita ang nakakahiyang pamumula niya. Dean is messy already. His hair are already tousled and out of place. Pawis na pawis na rin. His breath smells of the drink they just drank earlier. May ibinulong ito.
“Can I kiss you?”
Ngunit hindi narinig ni Gio sa sobrang lakas ng music. Parang huminto lang ang mundo niya at si Dean lang ang nakikita niya sa harap. Everything was blurred and in slow motion. Napansin niyang Dean was staring at his lips. f**k, he is f*****g handsome. Napatingin din siya sa labi ni Dean. s**t. Kulay pink. Nangaanyaya. Gio was suddenly curious how soft Dean’s lips are.
Dean was aiming for Gio’s lips at noong hahalikan na ni Dean si Gio, inilag nito ang ulo niya. Natakot si Gio. Parang nagising siyang bigla sa moment na ‘yun. Nawala ang pagkakahawak ni Dean sa kaniya. Ngumiti lang si Dean sa kaniya. And in that moment, pinagsisihan niya. Dapat pala hinalikan na rin niya si Dean. f**k self, what did you do? Chance ko na ‘yun! Sinayang ko pa, isip ni Gio. He realized kung gaano na niya katagal pinagpapantasyahan si Dean unang beses pa lang niya ito nakita sa TV, pero itinago niyang lahat iyong pakiramdam na iyon kahit sa sarili niya.
Then nakita na lang ni Gio na kasayaw na ni Dean si Frida. Ganoon din ang ginawa. Dean leaned on Frida. He was whispering something to her. The music was so loud that it’s impossible to hear anything. And then they kissed passionately.
Perpekto ang pagkakalapat ng mga labi nina ni Dean at Frida. They traced each other’s lips. They were both hungry for each other. Parang sanay na sanay na sila sa mga ganoon. They are making out in the middle of the dance floor.
Nag-iba na ang music at mas sensual na ang tunog. At lahat ng tao sa dance floor ay dalang-dala rin sa music. Mabagal na rin ang kilos ng bawat isa, savoring every moment.
Miraculously, hindi nakaramdam ng selos si Gio. He was turned on. s**t, totoo ba ‘to. He’s suddenly getting a hard-on. Pabalik-balik ang tingin niya kay Frida at kay Dean. Nag-alala siya bigla dahil sweatpants ang suot niya. Madaling makikita ang kaniyang bulge ‘pag nagtuluy-tuloy pa siyang ma-arouse.
Noong maghiwalay na sila Dean at Frida they both look at Gio. Dean grabbed his waist again at bago pa maka-aim si Dean ng kiss kay Gio, he leaned and kissed Dean. His lips were so soft. It’s addicting. Their bodies rubbed together. Frida was watching them without jealousy.
“You’re hard,” bulong ni Dean kay Gio at saka siya binigyan ng makahulugang ngiti dahilan para lalo siyang ma-turn-on. “But you need to work on your kiss.”
Lalong nahiya si Gio. Sanay nga ba siyang humalik? Ikaw ba naman ang hindi makahalik ng ilang taon, malalaman mo pa ba kung paano?
Dean whispered something to Frida. Nakita niya na natawa si Frida. She was drunk na rin gaya ni Dean. Gio was confused. Ano na bang nangyayari?
Frida grabbed his waist this time and pulled in her body. Gio felt Frida’s breasts. His hormones are raging. Hindi na niya mapigilan ang pagka-turn-on. Saka inabot ni Frida ang mukha ni Gio.
“I’ll teach you how to kiss,” bulong ni Frida. Nasabik naman si Gio.
Habang tumutugtog ang sensual at intimate na music. Hinalikan ni Frida si Gio. They were in the moment.
“Close your eyes,” bulong ni Frida saka humalik muli. Sa taas na labi ni Gio papunta sa baba. Their lips matched and connected. “Slowly.” f**k. Gio liked it so much. Hindi niya namamalayan na Frida is reaching for his hard-on. “You’re so hard, Gio. Hinimas ito ni Frida and Gio can’t explain the sensation he’s feeling. Frida grabbed his hand at inilagay ito sa kaniyang boobs for him to caress.
And it got wild. Frida liked it noong hinihimas na ni Gio ang kaniyang hinaharap. She’s moaning dahilan lang para lalong ma-turn-on si Gio. Huminto siya dahil na-conscious siya sa paligid. Si Dean naman ang lumapit sa kaniya. And they kissed again. They both liked it. Naghalikan sila na parang wala ng bukas.
“You’re a fast learner,” bulong ni Dean dito at muling sinunggaban ni Gio ang labi ni Dean. Sanay na muling humalik si Gio. He can’t believe it. Dean grabbed his hard-on. Napabulong si Gio ng “f**k,” dahil sa sarap ng pakiramdam. Dean was lowkey dry humping Gio.
Buti na lang talaga madilim at maraming tao. Naging upbeat na muli ang music. Halos nakakabingi na. Wala naman sigurong makakapansin. Sa gilid ng mata ni Gio parang may maliit na liwanag. Parang may bituin sa ‘di kalayuan na nakatingin. Pero malabo at hazy ang lahat kaya ‘di niya maaninag kung ano ito. Hindi niya na lang ito pinansin. Frida was dancing wildly sa tabi nila. Hindi niya ininda ang mga dating sugat. Frida was perfectly fine.
Naisipan ni Gio na abutin din ang crotch ni Dean dahil kanina pa ito tumutusok sa kaniyang tiyan. Dean also have a throbbing hard-on. Nagdalawang-isip siya nu’ng una pero dahil kanina pa naman hinihimas ni Dean ang kaniya, he touched it. It’s rock as hard. Napatingin si Dean sa kaniya. Mata sa mata. Pareho nilang hinahabol ang hininga.
Suddenly they needed to go somewhere to continue this. Iginiya sila ni Frida palabas ng bar. Ni hindi na nga sila makalakad nang diretso dahil sa pagkalasing at pagkahilo. But they don’t care. Walang nagsasalita dahil lahat sila’y sabik sa isa’t isa. Ilang beses silang muntik madapa dahil Dean and Frida were making out habang naglalakad. Hindi na sila makapaghintay dahil sa libog na nararamdaman nilang tatlo sa isa’t isa.
Papunta sila ngayon sa villa ni Frida. Nakikita pa rin ni Gio ‘yung liwanag kanina sa bar. It’s almost like a flashlight. Hinahanap niya pero ‘di niya talaga makita kung saan nanggagaling ang maliit na ilaw na ‘yun. Something’s wrong pero hindi na niya pinansin. Mas sabik siyang matikman muli ang mga labi nina Frida at Dean.
Pagpasok nila ng villa, Gio knew something wild is about to happen.